FRIDAY at walang pasok dahil holiday. Katatapos lang maglaba ni Erin. Paalis kasi ang mga magulang niya kaya hindi na siya natulungan ng ina. "Anak, nandito si Caleb! Ikaw na ang bahalang mag-asikaso sa kaniya, ha?" sigaw ng kaniyang ina mula sa gate. Napahinto sa pagsusuklay ng buhok si Erin nang marinig si Mommy Nenita. Pero nang malamang nandiyan pala si Caleb, binilisan niya ang pagsusuklay at dali-dali nang lumabas. Nagwisik pa muna siya ng paborito niyang cologne at nagpahid ng face powder. Napangiti nang malapad si Erin nang sa paglabas niya ng kuwarto ay nasa sala na ang binata. Nakaupo sa sofa. "Hi! Akala ko may taping ka?" tanong niya habang papalapit dito. Lumalakas din ang t***k ng puso niya. Tumayo si Caleb at nginitian siya. "Katatapos lang naming mag-taping. At dito n