"LOOK at this," wika ni Caleb habang nasa loob sila ng isang department store at namimili ng winter clothes na idadagdag nila sa mga dadalhin nila pa-Canada. Pasado na sila sa final interview at nakapagpasa na rin ng mga requirements. All set na kumbaga. Waiting na lang sila sa kanilang flight schedule. "Parang bagay sa'yo ito, love. Maganda rin ang tela." Iniwanan ni Erin ang tinitingnan na mga bonnet at lumapit kay Caleb. "Oo nga, love. Ang cute," aniya pagkatapos suriin ang ipinakita nitong sweater. "May couple din pala, ah." "So bibilhin natin ang pang-couple?" nanghihingi ng permiso na tanong uli ng nobyo. "Bet ko rin naman itong kulay itim, eh." Tumango ang dalaga. "Sige, love. Bagay nga sa'yo iyang black." "Ito rin namang maroon, eh. Bagay rin sa'yo. Lalong lalabas ang kaseksiha