Chapter 36

1132 Words

"BAKIT ilang araw ko na yatang hindi napapansin si Caleb?" Napaangat ang ulo ni Erin mula sa binabasang libro nang marinig ang tanong na iyon ni Valentine. Nasa library sila at kasalukuyang may tinatapos na research paper. "Nadestino kasi siya sa Singapore. Pero one week lang naman. Hiniram siya ng company dahil ilang CSR daw ang natanggal dahil sa ginawang anomaly." "Sus, talaga lang, ha? Sana nga totoong trabaho ang ipinunta niya roon at hindi babae." Umismid ang best friend niya bago ibinalik ang atensiyon sa pagbabasa. "Hindi iyon magagawa sa'kin ni Caleb, 'no? Mahal na mahal kaya ako no'n," nakangiting pagtatanggol ni Erin sa nobyo. "At saka malaki ang tiwala ko sa kaniya. Kampante ako kahit saan man siya mapadpad na wala ako sa tabi niya." Dapat ay sumama ang loob niya sa ina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD