HALOS kalahating oras din silang nag-abang ni Erin sa labas ng guidance's office nang lumabas si Vaughn. "Kumusta? Ano ang nangyari sa loob?" nag-aalalang tanong dito ni Erin. Bagaman at sa pintuan siya nakatingin. Nag-aabang sa paglabas ni Caleb. Hindi matigil-tigil ang kaba niya. "Ano pa ba ang aasahan ko sa palakasan system dito sa school natin?" sarkastikong tugon ni Vaughn. "Binigyan ng isa pang chance si Caleb dahil sikat, eh. Tapos malakas ang kapit ng pamilya. Nabalewala ang pananakit sa'kin ng gag*ng 'yon." "Kung hindi mo mapagbayad dito sa school, puwede mo siyang i-complain sa police," suhestiyon ni Valentine na ikinabahala lalo ni Erin. "Hindi naman kailangang umabot pa sa gano'n. Kaya n'yo ba na may makulong at masira ang kinabukasan dahil lang sa simpleng pag-aaway?" wik