Chapter 3

2035 Words
NAGMAMADALI si Erin nang araw na iyon dahil ma-le-late na siya sa klase. Naipit na naman kasi siya sa traffic. Umagang-umaga tuloy pero ang haggard niya. Maarte pa naman ang professor nila. Ayaw makakita ng estudyanteng dugyot. Pero gusto man ni Erin na magpunas ng pawis sa mukha ay wala nang oras. Baka maging dahilan pa iyon para mawala ang scholarship niya. Monday na Monday pero sira agad ang araw ko. naiinis na kausap ni Erin sa sarili. Dahil sa kamamadali kaya muntik nang maapakan ng dalaga ang bola ng basketball na gumulong sa daraanan niya. "Ano ba 'yan?!" tili ni Erin nang muntik na siyang mawalan ng balanse dahil sa bolang iyon. Gusto sana niyang pagalitan ang may-ari niyon. Pero wala na talaga siyang oras. For sure naman, bola iyon ng mga varsity player sa campus nila na natanaw niyang naglalaro sa basketball court nang mga oras na iyon. Sa inis niya ay sinipa na lang iyon ni Erin. Pero tumigil iyon sa paggulong nang pigilan iyon ng isang paa. "I'm sorry, Miss." Natigilan si Erin nang makita niya ang nagmamay-ari ng paang iyon. Muntik na siyang mapanganga nang makita ang guwapong mukha na iyon. Ang singkit pero maiitim nitong mga mata ang kaagad niyang napansin. Si Caleb Santillan. Isang linggo na rin nang magkasabay sila noon sa jeepney. He was wearing a blue-sleeved jersey. Kulay-itim ang shorts nito. May puti at maliit na towel ang nakapatong sa balikat nito. Pawisan. Messy hair. Pero bakit parang ang lakas-lakas pa rin ng dating nito sa kaniya? Ramdam ni Erin ang pagkabog ng dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. "Natamaan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Caleb. Tila amused na nakatingin ito sa kaniya. Nahihiyang nag-iwas ng tingin si Erin nang mapansin niyang hindi pa rin siya nito nilulubayan ng tingin. "H-hindi naman. Pero muntik na akong madapa." Muli siyang tumingin kay Caleb nang mapakalma na niya nang kaunti ang sarili. "Sorry, ha. Ang kulit kasi ng mga kasama ko," hingi nito ng depensa at lumapit sa kaniya. And her heart started beating fast... "Paano kaya ako makakabawi sa'yo?" apologetic na tanong ni Caleb nang makalapit kay Erin. Iniwan lang nito ang bola. Isang hakbang lang ang itinira nitong distansiya nila kaya lalong na-tense ang dalaga. Hindi lang siya nagpapahalata. Natawa si Erin. "Naku, hindi na 'yon kailangan. May kasalanan din naman ako dahil sobra akong nagmadali." "Bakit? Ma-le-late ka na ba?" amuse pang tanong ni Caleb. She bit her lower lip. "Oo, eh. Terror pa naman ang teacher namin na si Sir Baldwin." Tumingin siya sa suot na relo. "I have to go na pala." "Kapag na-late ka at pinagalitan ka niya, sabihin mo lang na kasama mo ako. Hindi ka na no'n pagagalitan." Kumunot ang noo ni Erin. "Bakit naman?" "Crush ako no'n, eh." He chuckled softly. Oo nga pala. Bakla nga pala ang professor niyang iyon at mabait sa mga cute na tulad ni Caleb. "Hindi ka ba naniniwala?" untag sa kaniya nito. Nakangiti. "Hindi ko naman personal na narinig kay Sir Baldwin na crush ka niya kaya hindi muna ako maniniwala sa'yo," inosenteng tugon ni Erin. Tumawa si Caleb. Halos mawala na ang mga mata nito. "That's right. H'wag ka agad-agad maniwala sa mga lalaki. Marami pa naman dito sa campus ang mahilig mambola." Gusto sanang itanong ni Erin kung kasama ba ang sarili nito sa tinutukoy. Kaya ito binansagan na playboy. Pero hindi pa naman sila close para diretsahin niya si Caleb. "By the way, I'm Caleb Santillan," magiliw na pakilala nito sa sarili. Kung tutuusin, hindi na nito kailangang magpakilala dahil sobrang popular nito sa Colegio de San Andres. Pero nag-abala pa rin itong magpakilala. "At ako naman pala si Erin Gosiaco." Hindi sanay ang dalaga na nagpapakilala sa isang lalaki. Madalas din ay hindi siya nagbibigay ng pangalan kapag may nagtatanong. Alam kasi niya na sa ganoon nagsisimula ang boyfriend-girlfriend. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya itong kusang nagpakilala ng sarili niya kay Caleb. Siguro dahil kampante ako na imposible niya akong magustuhan. Sino ba naman siya para pag-aksayahan ng oras ng isang mayaman, guwapo, at sikat na tulad ni Caleb? "Erin. Such a lovely name." Sandaling napigilan ng dalaga ang kaniyang paghinga. May kakaiba kasi sa paraan ng pagbanggit ni Caleb sa pangalan niya. Parang ang sarap niyon sa pandinig. "Kasingganda mo ang pangalan mo, Erin," banggit uli ng binata sa pangalan niya na tila kinakabisado. "Salamat." Nahihiyang umiwas ng tingin ang dalaga para ikubli ang pamumula ng mukha niya. Nakatitig pa naman sa kaniya si Caleb. Kumisap lang ito nang tawagin ito ng mga kalaro na nasa basketball court. "Caleb! Mamaya ka na manligaw. Tapusin muna natin 'to!" Lalong uminit ang pisngi ni Erin nang tuksuhin silang dalawa. At isa iyon sa pinakaayaw niya. "Sorry, Caleb. Pero kailangan ko na talagang umalis," umakto ang dalaga na aalis na nang bigla siya nitong pinigilan sa braso. "Hindi ka puwedeng pumasok na pawis. Lalo kang pag-iinitan ni Sir Baldwin." Alam ni Erin na pawisan na siya nang mga sandaling iyon. Kaya nga gusto na rin niyang umalis dahil nahihiya na siya kay Caleb. Ngunit ang hindi inaasahan ng dalaga ay nang walang ano-ano na pinunasan ng binata ang kaniyang mukha, gamit ang towel na nakasampay sa balikat nito. She was paralyzed for a moment. Iyon ang unang beses na may ibang lalaking gumawa niyon para sa kaniya, bukod sa ama at kapatid niya. At iyon din ang unang beses na nakaramdam siya ng kakaiba. Mas nanigas si Erin nang dumantay ang kamay ni Caleb sa balat niya. Tila may sumalakay na libong boltahe ng kuryente sa sistema niya. Her heartbeat was stupidly very fast. She felt she was shaking. Pero nakapagtatakang masarap iyon sa pakiramdam. Lalo na nang magtagpong muli ang mga tingin nila ni Caleb habang pinupunasan ang noo niya. Nakakatunaw ang titig nito sa kaniya. Pero hindi niya kayang bumawi ng tingin. Para itong may may magnet na kahit anong pilit ni Erin, bumabalik at bumalik pa rin dito ang mga mata niya. "There. Wala ka nang pawis. Mas gumanda ka pa lalo," wika nito habang pinagsasawa ang tingin sa mukha niya. "Salamat. Pero hindi mo na iyon dapat na ginawa. Nadumihan pa tuloy ang towel mo," nahihiyang sabi ni Erin. "It's okay. Ikaw naman ang may-ari ng sinasabi mong dumi," nangingiti pang wika ni Caleb at hindi man lang nag-abalang dumistansiya sa kaniya. Langhap na langhap tuloy ni Erin ang male scent nito na humango sa mabango at natural nitong amoy. Habang patagal nang patagal ay pabilis din nang pabilis ang pagtibok ng puso ng dalaga. At hindi na niya nagugustuhan ang nangyayari sa kaniya. "Sorry talaga. Pero kailangan ko nang umalis," paalam ni Erin at umakmang tatalikod na. "Thank you uli." Nginitian lang siya ni Caleb. "Okay, sige. Pero dalhin mo na ito. For sure, kakailanganin mo iyan." Iniabot nito sa kaniya ang towel. Tatanggihan sana iyon ni Erin. Pero naalala niyang wala nga pala siyang dalang panyo. "Nakakahiya. Pero sige. Para malabhan ko na rin." Lumiwanag ang mukha ni Caleb. "Sige, ingat ka. Babalik na rin ako sa laro namin. Nice meeting you again, Erin." "Nice meeting you too." She smiled at him back. "Good luck sa laro mo." "Don't worry. Gagalingan ko po para sa'yo," anito at kinindatan pa siya. Lihim na kinilig si Erin. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang tumalikod na siya. Bakit naman gagalingan ni Caleb para sa kaniya? Sino ba siya? Oo nga... sino ka ba? tanong din ng dalaga sa sarili. Noon napagtanto ni Erin na dakilang playboy nga pala ang kaharap niya kanina. Siguradong magaling at sanay na itong mambola. Kaya dapat lang na mas bakuran pa niya ang sarili laban sa mga tulad ni Caleb. KABADO si Erin nang dumating siya sa classroom at nagsimula na ang Communication subject nila. Nag-alangan siyang pumasok. Lalo at nakatayo pa si Sir Baldwin sa harapan. Kitang-kita siya nito kung sakali. Pero kung hindi naman papasok ang dalaga, quiz at oral recitation ang mami-miss niya. At malaking kabawasan iyon sa grades niya. Kaya kahit kabado man ay dumiretso na si Erin. Halos lahat ng mga kaklase niya ay napatingin sa kaniya. Ang ilan sa mga ito ay bakas ang pag-aalala para sa kaniya. Lalo na ang best friend niyang si Valentine. Alam kasi ng mga ito na malalagot siya kay Sir Baldwin. "G-good morning, Sir. I'm sorry po kung na-late ako--" "It's okay, Miss. Gosiaco. Naiintindihan ko na ma-traffic talaga kapag Monday." Sabay-sabay na nagtaka sina Erin at mga classmates niya. First time na hindi nagalit sa late comer ang professor nila. Mahinahon pa itong nagsalita habang pinapaupo na siya. "Ano kaya ang nakain ni Sir Baldwin at biglang bumait?" pabulong na tanong sa kaniya ni Valentine nang makaupo siya sa tabi nito. "Hindi ko nga rin alam, eh. Baka nagbagong buhay na." Nagkibit ng mga balikat niya si Erin. Bagaman at lihim siyang nagpapasalamat na sinapian ng kabaitan nang araw na iyon ang terror professor nila. Hanggang sa naalala ng dalaga ang sinabi sa kaniya ni Caleb kanina. Kapag na-late ka at pinagalitan ka niya, sabihin mo lang na kasama mo ako. Hindi ka na no'n pagagalitan. Pero hindi pa naman niya iyon sinasabi kay Sir Baldwin, ah. Posible kaya na t-in-ext ni Caleb ang professor niya? "Saan ka ba kasi galing at ang tagal mo?" Siniko siya ni Valentine. "Ang sabi mo kanina, papasok ka na ng gate." Gusto sana ni Erin na ikuwento sa best friend niya ang nangyari. Pero siguradong sesermunan lang siya nito. Kung gaano siya kailap sa mga lalaki, doble si Valentine. Galit ito sa mga anak ni Adan, lalo na sa mga playboy. Ganoon din kasi ang ama nito na nang-iwan dito, at sa ina. Si Valentine ay best friend na ni Erin simula pa lang noong High School sila. Valedictorian ito at salutatorian naman siya. Pati sa Senior High School ay sabay din silang pumasok sa iisang school st sabay ding nagtapos na may mataas na parangal. Kaya hanggang ngayon ay pareho din silang scholar ng Colegio de San Andres. Katulad ni Erin ay nanggaling din ito sa simpleng pamilya. Kahit sa kilos at pananamit ay halos magkapareho rin sila ng taste ni Valentine. Nerd lang itong tingnan dahil sa malaking eyeglasses na suot-suot nito. Pareho rin silang maganda. Mas ligawin nga lang si Erin. "Sumama ang tiyan ko kaya dumaan muna ako sa comfort room," pagsisinungaling ng dalaga. "Kaya pala ang bantot mo," biro sa kaniya ni Valentine. "Excuse me. Mas mabango pa rin ang ebs ko kumpara sa'yo na tamad maligo," ganting biro ni Erin at sabay silang nagkatawanan ni Valentine. Sanay na sila sa iba't ibang biruan ng isa't isa. Minsan nga ay malala pa roon. Pero never silang nag-away nang matagal. Para na silang magkapatid kung magturingan. Ilang saglit pa at natapos na ang subject nilang Communication. At katulad nang madalas mangyari ay nagpataasan at nagpagalingan na naman silang dalawa ni Valentine. Pero healthy competition iyon. Walang samaan ng loob. Wala ring dayaan. At nagtutulungan pa sila kapag kinakailangan. "Malapit na nga pala ang Foundation Day natin. Ano ang sasalihan n'yong dalawa?" tanong sa kanila ng katabi nilang si Marissa. "Wala. Tamang nood lang sa mga events tapos uwi agad," sagot ni Valentine. "Ang KJ n'yo talaga. Bakit hindi ka sumali sa Miss Campus, Erin? Beauty and brain ka pa naman." "Oo nga," pagsasang-ayon ng isa pa nilang kaklase kay Marissa na si Adelle. "Kaunting ayos lang, siguradong taob sa'yo ang mga campus sweetheart dito." "Tapos ako ang magiging escort mo, Erin," sabat naman ni Vaughn, isa sa mga kaklase nilang matagal nang may lihim na pagtingin kay Erin. "Asa ka naman. Hindi ikaw ang babasag sa pagiging NBSB ni Erin, 'no?" biro dito nina Marissa. "At wala pa sa isip ng bff ko ang mag-boyfriend, 'no? Kaya ayusin mo ang buhay mo," sita naman dito ni Valentine. Nakikinig at ngingiti-ngiti lang si Erin. Kahit ang pag-arte ni Vaughn na nasaktan ito ay tinawanan lang niya. Sanay na siya sa mga lalaking maparaan para mapasagot ang isang babae. Pero never magpapabola si Erin. Para sa kaniya, hindi pa ipinanganak ang lalaking magpapatibok ng puso niya at babali sa matibay niyang motto na: Study first before love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD