DALAWANG taon pa ang mabilis na dumaan at tuluyan na ngang nakapag-move on ang pamilya ni Erin sa pagkawala ni Pappy Dencio. Bumalik na sa normal si Mommy Nenita, may asawa't anak na si Kuya Rafael, at maayos na ang trabaho ni Erin. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang alaala ng kaniyang ama. Patuloy pa rin itong nananahan sa kanilang mga puso. Pero hindi na luha kundi ngiti ang nagagawa nila sa tuwing naaala ito. "Anak, kayo ba ni Caleb ay may balak pang ituloy ang pangarap n'yo noon na mag-Canada?" isang umaga ay tanong sa kaniya ng ina habang kumakain sila ng almusal. Nang mamatay noon si Pappy Dencio ay kinausap ni Erin si Caleb na ipagliban muna ang pangarap nilang iyon. Hindi kasi niya kayang iwanan na mag-isa ang ina, lalo na sa kalagayan nito noon. Pasa