Chapter 39

1303 Words

NAGSIKIP ang dibdib ni Erin sa hindi mabilang na pagkakataon habang pinagmamasdan ang ama na nakahiga. Nakapikit at hindi gumagalaw. At kahit anong gawin niyang pagtatangis ay hindi siya naririnig. Wala itong ginagawa para patahanin o pangitiin siya. Katulad nang palagi nitong ginagawa. His father was always a sweet, cool, and cheerful man. Pero ngayon ay isa na lamang itong malamig na bangkay na nakahiga sa loob ng kabaong. Limang araw na rin itong nakaburol. Hindi ito nakaligtas sa kinasangkutang aksidente sa Santolan. Nawalan daw ng preno ang kasunod nitong truck kaya nabangga at bumaliktad ang kotseng minamaneho ng ama. Hindi agad ito nakalabas ng sasakyan dahil naipit ito sa loob. Dinala ito ng mga rescuer sa ospital pero hindi na umabot. Wala nang kabuhay-buhay nang datnan nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD