Kabanata 17 Kabanata 17: Fierro Paradise "No one came close to you, no one else makes me feel the way you do. Your the special girl to me. And your always be eternally. Everytime I hold you near you always says the word I love to hear. Girl with just one touch we can do so much... no one else come close..." Kumakanta si Russel habang hawak nito ang kamay niya. Kinikilig tuloy siya, ngayon lang siya ulit kinantahan ng isang lalaki. Dahil ang huling lalaking kumanta sa kanya ay si Henry. "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya habang nakatingin sa daan. "Sa bahay bakasyunan ko, the place I called heaven." Kinindatan siya nito habang seryosong nakatingin sa daan. Kasunod nila ang van na minamaneho ni Vicky. Excited na siya sa lugar na pupuntahan nila, lalo na't mahilig siya sa mga a