Ipinakita ni Russel ang kanyang bahay bakasyunan kay Shine. Halos hindi makapaniwala ang dalaga sa nakikita nitong napakagandang tanawin. Sliding doors ang nakapalibot sa buong bahay niya. Kitang-kita mula sa itaas ang magandang tanawin ng Fierro. Nabili niya iyon sa mag-asawang turista na minsan niyang nakilala noong pumasyal siya rito. Hindi niya pinalampas ang opurtunidad nang malaman niyang ipinagbibili ng mga ito ang bahay. 250 square meters ito at nasa tuktok ng isang bundok. "Ang ganda!" Bulalas ni Shine na nakatayo sa labas ng bintana. Niyakap niya ito sa likuran at hinagkan ang leeg nito. "Nagustuhan mo ba? Kaso walang internet connection dito." Ipinatong nito ang kamay sa kamay niyang nasa bewang nito. "It's okay... ahm. Russel, what if... hindi ako dumating sa buhay mo?"