Kabanata 3

1538 Words
BAKAS sa mukha ni Shine ang saya habang pauwi siya sa mansion ng kanyang Lola Minda. Hindi maitatanggi na kahit isang beses lamang niyang nakita at nakasama si Russel ay pakiramdam niya gusto na niya ito. Umiling si Shine sa naiisip, ano bang kabaliwan ang pumapasok sa utak niya. Iisang araw pa lang pero ganito na siya mag-isip. Ibinagsak ni Shine ang kanyang sarili sa malambot na kama. Naroon siya ngayon sa kanyang silid at nagpapahinga. Kinuha niya ang camera niya at tinignan ang mga larawan na kuha ni Russel. Pero habang tinitignan ang mga larawan ay ito ang naalala niya. His charismatic looks, his jaws, brows and even his skin tone skin na palaging babad sa araw. His smell, na napakabango, his broad shoulders na ang sarap sigurong sandalan. "Shine!" Napapitlag siya sa malakas na tawag ng kanyang Lola Minda sa pangalan niya. Ipinatong niya sa lamesa ang camera niya at tumayo para pagbuksan ang kanyang lola. "Bakit ho?" "Hindi kita nakita buong araw, saan ka ba nanggaling apo. Baka mamaya mapano ka, wala ka pa namang kakilala sa lugar na ito." Sermon nito habang nakapameywang sa harapan ni Shine. Hinaplos niya ang buhok ng kanyang lola. Pagkatapos ay nginitian niya ito upang mawala na ang galit ng matanda sa kanya. "Lola, gusto ba ninyo ng kape, o tsaa?" tanong niya para maiba ang usapan. "Apo, nag-aalala ako sayo." "Lola, walang mangyayaring masama sa akin, isa pa taga rito naman ako dati kaya hindi naman siguro ako gagawan ng masama ng mga tao dito. Aba, takot na lang nila sa inyo," nakataas na kilay niyang sambit. Ngumiti ang matanda at hinagkan sa pisngi si Shine. "Matulog ka na, apo. May pupuntahan tayo bukas ng umaga rito sa Hacienda." Tumango siya at inihatid sa kabilang silid ang kanyang Lola Minda. Matanda na ito at kailangan na talagang alagaan. At gagawin niya ang lahat maging isang mabuting apo lamang sa matanda. Na hindi kayang ibigay ng kanyang mga magulang para rito. Masama ang loob ng mga ito sa kanyang Lola Minda at hindi niya alam kung bakit. Wala siyang ideya sa pagtatalo ng kanyang mga magulang noong umalis siya sa Maynila para nagtungo rito sa probinsya. MASAYANG ala-ala ang bumabalik sa kanyang isipan. Si Filomena, naglalakad ito sa kakahuyan, sa madilim na parte. Naalala pa ni Russel kung paano ito natakot noon dahil sa panggulat na ginawa niya. At iyon ang simula ng kanilang pag-iibigan. Isang buwan matapos niya itong ligawan ay nagpakasal sila sa isang sibil. Noong una ay ayaw ng mga magulang ni Russel kay Filomena dahil mahirap lamang ito at walang maipagmamalaki. Ngunit ipinaglaban niya ito at 'di nagtagal ay natanggap din nila si Filomena bilang kanyang asawa. Isang taon ang lumipas... "Sir! Gising! Sir!" paulit-ulit na sigaw habang niyugyog ang kanyang katawan. "Manang Lot..." Tinulungan siya ng kanyang katulong na bumangon sa kama. Mataas na ang sikat ng araw at pumapasok na ang liwanag noon mula sa kanyang silid. "Masamang panaginip, manang," aniya na nakatingin sa kawalan. "Gabi-gabi ho kayong nanaginip ng masama, sir. Tungkol ho ba kay ma'am?" Tumango siya at inilihis ang tingin dito. "Pitong taon na ang nakaraan, manang. Pero para sa akin parang kahapon lamang ang lahat. Bakit ka nga pala nandito?" "Sir, may bisita ho kayo. Ang sabi siya raw si Shine Alonzo." Kumunot ang noo niya. Anong ginagawa nong babaeng 'yon dito? "Pakisabi manang bababa na ako. Salamat." Tumango ang matanda at isinara ang pinto. Bumangon siya at inilihis ang kurtina sa kanyang silid. Bumuga siya ng hangin at tumingin sa larawan ni Filomena na nasa kanyang silid. "Mahal ko..." mahina niyang sambit. Habang hinahawakan ang larawan ng namayapa niyang asawa. ISANG matamis na ngiti ang nakasilay sa labi ng dalaga habang kaharap niya ito. "Gusto ko lang sanang ibalik ito sayo." Iniabot nito ang panyo niya. Marahil nahulog ito sa bundok kahapon nang umuwi siya. "Salamat pero sana itinapon mo na lang," malamig niyang sagot. At hindi pinansin ang panyong iniaabot nito sa kanya. Tumayo ito at tila hindi nagustuhan ang ginawa niya. Nilapitan siya nito at matalim na tinitignan. "Sana pala hinayaan ko na lang, o siya aalis na ako." Inirapan siya nito bago talikuran. Wala siyang pakialam sa ginagawa nito dahil marami siyang trabaho ngayong araw sa hacienda at sa kanyang negosyo. Inihatid na lamang niya ito ng tingin. At kinuha ang kapeng hindi nito ininom sa ibabaw ng lamesa. "Sayang," mahina niyang sambit at tumayo na rin patungo sa veranda. Ngayong araw darating si Feya, ang aking anak. Siguro malaki na ito at madaldal na rin. Kahawig na kahawig ito ni Filomena. At ang mukhang iyon ang patuloy na dumudurog sa puso niya. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung sino ang nakabangga nila. Ang alam lang niya isang bata, isang batang isang beses lamang nagkamali pero kumitil ng isang buhay. DUMAAN si Russel sa bahay ng mga Alonzo kinahapunan. Ngunit wala ang matanda, wala rin si Shine. Marahil nasa hacienda ang mga ito, binibisita ang mga pananim at mga alagang hayop. Kakumpetensya ng pamilya Madrid ang mga Alonzo noon. Ngunit hindi na ngayon dahil nagkabaliktad na ang sitwasyon. Bumagal ang produksyon ng mga mangga at caimito ng mga Alonzo dahil sa kapabayaan ni Don Bruno, ang asawa ni Donya Minda. Balita niya'y nalulong sa sugal, babae at alak ang matanda. Na naging dahilan ng pagbagsak ng kanilang negosyo. At iyon naman ang paglago ng mga Madrid. Ibinenta nila ang kanilang ari-arian upang mamuhay sa ibang bansa. Ang hacienda sana ang regalo niya sa kanyang namayapang asawa ngunit hindi na iyon nangyari pa. "Hoy, Mr. Sebastian?" Isang tinig ang narinig niya mula sa likuran. Si Shine, naka-sando lamang ito at maikling shorts habang palapit sa kinatatayuan niya. "Anong masamang hangin ang nagpapunta sayo rito?" Nakahalukipkip nitong tanong. Habang taas baba siya nitong tinitignan. Napalunok siya dahil dumako ang tingin nito sa nakaumbok niyang p*********i. "Hi-hinahanap ko si Donya Minda?" "Wala siya, umalis nagtungo sa kabilang baryo. Ano bang maipaglilingkod ko sayo?" bakas sa boses nito ang pagkainis. Marahil sa ginawa niya kanina rito. "Nag-usap na kami tungkol sa mga mangga na aanihin ninyo sa makalawa. Gusto ko lang sabihin na idiretso na lamang sa pagawaan. Dahil kailangan na namin ng mga supply." "Okay... balik ka na lang bukas. Medyo busy ako hindi ko rin naman masasabi 'yan kay Lola Minda." "Sandali nga, you asked me the favor kung pwede kitang kuhanan ng larawan kahapon right? You asked me also na samahan kita, right? So repay the favor!" Giit niya sa dalaga na ikinainis pa yata nito. "Okay fine." Naiinis na rin si Russel sa dalaga kaya naman hinatak niya ito sa bewang at isinandal sa gilid ng nakaparada niyang wrangler. Dumako ang mga mata niya sa nakauwang na labi nito. "Kung hindi ka nadisiplinang maayos ng mga magulang mo. Ako mismo ang gagawa niyan sayo." Humamon ito ng titig kay Russel ngunit una siyang bumigay. "Aalis na ako." Binitawan niya ito. "From now on hindi na kita tatawaging kuya! Napakasama ng ugali mo!" Bulyaw nito sa kanya. Hindi na niya iyon pinansin pa at pinaandar na lamang ang making ng sasakyan niya. At saka umalis sa bakuran ng mga Alonzo. GIGIL na gigil si Shine habang nagtitimpla ng kape. Naiinis siya sa antipatikong 'yon, akala mo kung sino. Ngayon niya na-realize na hindi pala lahat ng guwapo maganda ang ugali, parehas sila ni Henry. Ang ex niyang manloloko! Napansin ni Lola Minda ang ginagawa ko. "Mababasag ang tasa, apo." Saway nito. "Eh, kasi Lola Minda. Akala ko mabait si Russel, iyong mayamang balo diyan sa kabila pero hindi pala." Humila ito ng bangko at umupo sa tabi niya. "Hindi ka dapat nakikipaglapit sa taong iyon, apo. Mapanganib siya, tuso sa negosyo at hindi mo magugutushan ang ugali niya." Tumingin siya rito. "Hindi na talaga, lola. Tumawag nga ho pala sa akin ang principal ng Magsaysay Elementary School, ang sabi tanggap ako. Magtuturo na ako this coming school year. Excited na ako, lola." Masayang tumango ito ngunit napawi rin kalaunan. "Pumayag ba ang mga magulang mo? Tiyak hindi sila papayag na dito ka manirahan kasama ko," malungkot nitong sambit. Hinawakan ni Shine ang kamay ng kanyang Lola Minda. "Hindi ako aalis sa inyong tabi, lola. Malaki na ako, ako na ang masusunod sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. Ayokong matali sa buhay na hindi ko gusto, lola." "Tama, apo. Anuman ang mga desisyon mo nandito lang si lola para sayo. Apo, bakit nga ba nagpunta si Russel dito?" "Tungkol sa mga mangga, lola." Tumango-tango ito. "Sasabihan ko na lang ang mga trabahador bukas tungkol diyan." Kumuha ito ng malamig na tubig sa refrigerator bago umalis. Nagpaalam na ito kay Shine dahil napagod ito sa biyahe. Hindi kasi siya sumama rito dahil nagpunta siya ng paaralan matapos puntahan si Russel kaninang umaga. Matanda na ang kanyang lola pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagpapatakbo ng hacienda. At si Papa mas ginusto pa nitong umalis kaysa tulungan si lola. Mabuti na lamang may mga tauhan si Lola Minda na tapat sa kanya. Tulad ni Edward, ang binatang nakilala niya kanina sa paglalakad. Mas mabait itong tignan kaysa kay Russel, ang mas bata si Edward kaysa rito. And speaking of him...! Mabilaukan ka sana!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD