Kabanata 4

1282 Words
WALANG naging maayos na tulog si Russel kagabi. Lagi niyang naalala si Shine, her sweet voice, her innocent face, her red lips na para bang masarap hagkan. Ang maliit niyang bewang na gusto niyang sukatin. Napailing si Russel habang nakatapat sa shower. Bakit ba niya pinagpapantasyahan ang dalagang 'yon? She's a charmer but it's annoying! Hindi pa rin niya ipagpapalit si Filomena kay Shine o sa kung sino mang babae. Maybe on bed but not in my heart. Marami na siyang naging karelasyon pero lahat iyon ay sa kama lang. Palipasan ng oras pagkatapos ng s*x wala na. Babalik na naman siya sa dati. The lonely Russel Sebastian. Mabilis siyang nagbihis ng maalala na nandito pala sa bahay niya ang kanyang anak na kakauwi lang galing sa US. Inihatid siya rito ng kanyang mga biyenan. Maayos pa rin naman ang samahan ng kanyang pamilya at sa pamilya ni Filomena. At hindi nagbago iyon, gaya ng pangako niya sa kanyang anak. "DADDY!" sigaw nito habang niyugyog ang braso niya. Hindi na ito makapaghintay na sakyan si Beauty, ang anak ni Kukoy. Nangako siya na pagdating nito ay mangangabayo silang dalawa. At hindi niya babaliin ang pangakong iyon sa kanyang anak. "Wait, sweetie. Isuot mo natin itong mga protective gears mo." Ngumuso ang anak niya. "No need for that, daddy. Malaki na ako, I can protect myself," himutok nito. Tumawa siya ng mahina sa inasal ng anak niya. Seven years old pa lang ito pero mukhang matanda na kung magsalita. "Alright!" Itinaas niya ang dalawang kamay tanda ng pagsuko niya. Hinawakan siya nito sa kamay, ang munting mga kamay nito na kay higpit ang kapit. Masaya si Russel dahil kahit hindi ito lumaki sa kanya ay mahal na mahal pa rin siya ng anak niya. At isang bagay iyon na ipinagpapasalamat niya sa kanyang mga biyenan. "Daddy, bakit ka umiiyak? Did I say something?" takang tanong nito habang nakatingin sa kanya. Pinahid niya ang luhang umibis bsa kanyang pisngi. At lumuhod sa harapan nito. "Masaya lang ako anak..." Ginulo niya ang buhok nito. "Pero umiiyak ka? Paano ka magiging masaya daddy kung umiiyak ka? You know what, umiiyak din si Lola Via noong dumating ako rito kagabi tapos wala ka." Tukoy nito sa kanyang ina. "Sorry anak, busy kasi si daddy kahapon. Inaasikaso ko 'yong mga business natin." Ngumuso ito. "Again?" Kinarga niya ito at muling tumayo. "Yes, again. Lahat ng mga ginagawa ni daddy ay para rin sayo anak." Humalukipkip ito at masama siyang tinignan. "Lola Via said that too. Daddy can I ask?" "Sure sweetie," nakangiti niyang sagot. Nag-isip ito at itinapat ang isang daliri sa noo. "May iba na ba akong mommy?" Napaubo siya sa tanong nito. At tila naguluhan naman ang anak niya sa kanyang inasal. "Saan mo naman nakuha 'yang tanong mo na iyan, anak. Of course not, walang ibang mommy." Tinitigan siya nito na tila naninigurado. "Lola Gwen told me... na... when I have a new mommy dapat i-love ko. Kasi---" Niyakap niya ito. "Your mommy is the only woman I loved sweetie. And the last girl is you." "I love you daddy." Hinaplos niya ang ulo nito at muling ibinaba sa sahig. "I love you so much, anak." Magkahawak-kamay silang nagtungo sa kuwadra ni Beauty. Isang puting kabayo na dalawang taong gulang pa lamang. Ngunit napakalusog at sobrang bibo. "Yay, Hello, Beauty. My name is Feya Alice Sebastian." Pagpapakilala ng anak niya habang hinahaplos nito ang buhok ni Beauty. Binuhat niya ito at isinakay sa kabayo habang nakaalalay siya sa likuran ng anak niya. Nakayakap si Feya sa leeg ni Beauty, bata pa lamang ang anak niya pero kinakikitaan na niya ito ng pagmamahal sa mga hayop. NAGLALAKAD si Shine patungo sa bundok pagkataposos niyang puntahan ang eskuwelahan na pagtuturuan niya sa darating na pasukan. Gaya ng dati ay nasa bag niya ang camera at isinabit niya iyon sa leeg niya. Napakatahimik ng paligid tila isang paraiso. Inilagay niya sa kanyang bag ang folder na hawak niya at saka umupo sa ilalim ng punong mangga na mababa lamang ngunit maraming mga sanga at mayayabong ang mga dahon. Pumikit siya at inalala ang mga taong iniwan niya sa Maynila. Ang mga kaibigan niya, ang mga magulang niya at si Henry. Hindi pa rin niya ito maalis sa isipan niya. Siguro dahil hindi niya talaga magawang kalimutan ito kahit pa labis siya nitong sinaktan. Sa pag-iisip ng kung ano-ano ay hindi niya namalayan ang kanyang sarili na nakatulog na. "A-anong nangyari 'ma... bakit nandito ako sa hospital?" umiiyak na tanong niya habang hawak ang kamay nito. Masakit ang ulo niya at ang mga binti niya ay hindi niya maigalaw. Parang walang maramdaman ang kalahati ng katawan niya. "Anak, wala kang kasalanan sa nangyari..." humahagulgol si Mama habang nagsasalita sa tabi niya. Wala siyang maalala sa nangyari, wala kahit isa. Pero may naririnig siya, mga iyak, sigaw at tunog ng ambulansya. May isang babae, isang babaeng sugatan. "Kasalanan mo ang lahat!" sigaw ng lalaki habang nakaduro sa kanya. Isang lalaki... Nagising siya na may luha sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan ang panaginip niya. Palagi siyang nanaginip ng ganoon simula n'ong labing apat na taong gulang pa lamang siya. Laging umiiwas ang mga magulang niya na pag-usapan ang bagay na iyon dahil makakasama raw sa kanya. Ngunit habang naghihilom ang mga sugat na natamo niya sa aksidente ay pakiramdam niya nadudurog ang puso niya, parang pinipiga ito. At hindi niya alam kung bakit. Kaya siguro palagi siyang dinadalaw ng panaginip na iyon. Panaginip na sa tingin niya'y totoo. Pinahid niya ang luha at tumingin sa malayo. "Ano ba talagang nangyari sa akin noon?" tanong niya sa sarili habang nakatingin sa kalangitan. NAPANSIN ni Russel ang isang babae na nakaupo sa ilalim ng puno. Malayo ang tingin at tila may malalim na iniisip. Alam na niyang si Shine iyon dahil sa camerang suot-suot nito. Itinatali niya si Beauty nang makita niya ito ngunit hindi siya nito napansin. Marahil wala itong interest na pansinin siya sa kabila ng mga ginawa niya. Gusto niyang ilayo ang loob sa dalagang estranghero. Hindi niya kasi tiyak kung ano ang maaari niyang gawin dito kapag hindi siya tumigil. "Daddy," tawag ni Feya sa kanya. May hawak itong maliit na bola na kulay pink. "What is it, sweetie?" nakangiting tanong niya habang lumalapit dito. "Laro tayo? Ahm... kasama siya." Sabay turo sa babaeng naglalakad patungo sa aming dalawa. "Hindi siya p'wedeng maglaro, sweetie. Nakakahiya hindi mo siya kilala." Biglang tumakbo ang anak niya sa gawi ni Shine. Hinila nito ang kamay ng dalaga. "My name is Feya Alice Sebastian." Pagpapakilala ng anak niya sa dalaga. Magiliw namang ngumiti si Shine sa anak niya. "My name is Shine Alonzo." "P'wede po ba namin kayong makalaro ng daddy ko?" tanong ni Feya rito. Tumingin si Shine sa kanya, nagtatanong ang mga mata nito. Tumango siya sa dalaga at muling iniwas ang tingin dito. Sa tingin niya hindi magandang ideya na kasama nila itong maglaro ngayong hindi sila nito magkasundo. Ibinaba ni Shine ang mga gamit nito sa damuhan. Ngayon lang niya nakitang nakapantalon ang dalaga at plain white na v-neck t-shirt. Kadalasan kasi nakikita niya itong seksi ang suot at halos makita na ang kaluluwa. Pero kahit na balot na balot ito hindi maitatanggi na seksi talaga itong tignan. Napansin marahil ng dalaga ang tingin na ginagawa niya rito. "Mr. Sebastian, magiging estatwa ka na lamang ba diyan?" nakangisi nitong tanong. Nakahalukipkip si Feya habang nakatingin sa kanya. "Daddy, introduce yourself too!" Nagkamot siya ng batok at inilahad ang kamay kay Shine. "I know her, sweetie," seryosong sambit niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD