Kabanata 2

1219 Words
Napailing siya sa ginagawa ng dalaga kanina. She's taking my stolen shot. Akala siguro nito hindi niya napansin. Makulit ang dalagang 'yon. Tansiya niya ay nasa edad bente uno hanggang bente dos ito. Marahil apo ito ni Manang Minda. Ang apong ikwenekwento nito sa kanya kapag nagkikita sila. Mukha namang mabait ang dalagang iyon. Naalala tuloy niya ang kanyang anak na si Feya. Miss na miss na niya ang kadaldalan nito. Sa makalawa uuwi ito para magbakasyon pero babalik din ito sa US dahil doon na ito nag-aaral. Napabayaan na niya ang kanyang anak ngunit pinapakita niya pa rin dito kung gaano niya ito kamahal. Spoiled na rin yata ito dahil lumaki ito kasama ang mga lola at lolo nito. Malungkot mag-isa pero iyon ang pinili niya. Ang maging malungkot sa buhay niya. Nakakulong siya sa nakaraan niya kasama ang kanyang asawa. Nagpasya siyang magtungo sa rancho niya kinahapunan. Sinakyan niya si Kukoy. Para magtungo sa bundok, araw-araw niya iyong ginagawa. Maaliwalas kasi ang isipan niya kapag nakikita niya ang paglubog ng araw mula roon. "Sir, Russel. Napaayos na po 'yong kotse ninyo." Bungad ni Manong Philip. "Salamat po. Pakigarahe na lang Manong." "Mukhang tutungo na naman kayo sa bundok, sir." "Oo. Magpapalipas oras lang manong." "May turista rin akong napansin kanina sa bundok." Kumunot ang noo niya. "Turista?" "Oo, sir. Apo yata ni Manang Minda." "Oh. I see." "Kilala mo, sir?" Napalunok siya. "Hindi." "Sige, sir. Mauna na ako." Paalam nito. Napailing siya habang isinusuot ang sando niya. Kumuha siya ng energy drink bago ilabas si Kukoy sa kuwadra nito. Hinawakam niya ang mukha ni Kukoy. At hinalikan sa noo. "Mamasyal tayo." Sinakyan niya si Kukoy. Inilagay niya ang energy drink sa bag ni Kukoy na nasa leeg nito. "Hiyah!" Tumakbo si Kukoy nang mabilis. Ramdam niya na masaya si Kukoy kapag namamasyal silang dalawa. Hinimas niya ang ulo ni Kukoy. Huminto ito sa tapat ng malaking puno. Tama nga si Manong Philip. Naroon sa bundok si Shine. Ang apo ni Manang Minda. Dala nito ang camera nito. Habang panay ang kuha sa paligid. Bumaba siya kay Kukoy pagkatapos itinali niya ang kurdon ni Kukoy sa sanga ng puno. Kinuha niya ang energy drink niya sa bag ni Kukoy. Umupo siya sa damuhan habang tinitignan ang paglubog ng araw sa kalangitan. Ang ganda no'n nakalimutan niya tuloy dalhin ang sketch pad niya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Sunod-sunod ang flash ng camera nito sa mukha niya. "Say... cheese!" Hindi niya ito nginitian. "Stop that!" "KJ mo naman Kuya Russel." Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Umupo ito sa tabi niya. "Sinabi ng lola ko." Nginitian siya nito. "I see. So tinatanong mo na ako niyan?" "Ang cute mo kasi Kuya." Napaubo siya. Paano ito nakakapagsalita ng diretsahan. Hindi man lang ito mahiya sa kanya. Iba na talaga ang kabataan ngayon. "P'wede favor kuya?" "Kuya again?" "Ilang taon ka na po ba?" Tumawa siya. "Your asking my age?" "Yes..." "I'm 35 turning 36 this week." "Advance happy birthday kuya." "Thank you." Tumayo ito. "Friends?" Inilahad nito ang kamay nito. "Not. Friends. Were not close. And I don't even know you." "Sinabi ko na pangalan ko kanina. Shine Alonzo, 22 years old." 22 years old pero mature nang tignan. "Okay fine." Kinuha niya ang camera nito. "Magandang klase itong camera mo. Kanon..." "Yes. Regalo ni daddy sa akin noong nag-graduate ako." "Saan ba kita kukuhanan?" Tinanggal nito ang pusod sa buhok at binasa ang labi. Umupo ito sa damuhan at nangalumbaba. Hindi siya agad nakakilos. Napatulala siya. This 22 years old young lady is so damn beautiful. Kulot ang ibabang bahagi ng buhok nitong blonde. Matangos ang ilong, mapupula ang labi. Rosy cheeks at chinita ang mga mata. "Kuya, nangangawit na ako." Reklamo nito. Kinuhanan niya ito ng shot sa iba' ibang angle. Iniba nito ang mga position nito. May nakahiga, nakatayo na nakapamewang. May stolen shot lang at ang pinakagusto niya ang pagtawa nito. Dahil kita ang mapuputing ngipin nito na pantay-pantay. Naka-short lang ito ng maikli at fitted na blouse na hanggang pusod nito. Daring tignan at sexy. He think that boobs is bigger than he thought. Kita na kasi ang cleavage nito. Napailing siyang bigla. This is not right. Pinagpapantasyahan na niya ang apo ni Manang Minda. Ano na lamang ang sasabihin ng matanda sa kanya. That this old widowed man having an affair to this 22 year old lady. Inalis niya sa pagkakatali si Kukoy. "Kuya, saan ka pupunta?" "Uuwi na. You better go home too." "Sige. Mauna ka na. Dito muna ako. May dala akong pagkain until midnight. May dala rin akong emergency lights." Turo nito sa bag na naroon. "Delikado dito kapag gabi." "Huh?" kunot noong tugon nito. "I'm just warning you." Kinalabit siya nito sa braso. "Can you stay for a while? Malungkot kasi walang kasama. Isa pa baka mapanis laway ko." "Then you must go home." Humalukipkip ito. "Good bye." Tinalikuran siya nito. "Stubborn." Itinali niyang muli si Kukoy. Nagpasya siyang samahan na lang ang dalaga. "Thank you," masayang sabi nito. Umupo siya sa inilatag nitong kumot sa damuhan. "Nasaan ang pamilya mo, Kuya?" Hindi niya ito sinagot. "Mukha ka kasing hindi masaya. Bakas sa mukha mo na malungkot ka. Nangungulila ka sa mga taong mahal mo? Broken ka ba kuya?" "Ang dami mong tanong. Manghuhula ka ba?" Kumuha ito ng can beer pagkatapos ay ibinigay nito ang isa sa kanya. "Umiinom ka?" "Yes," sagot nito bago buksan ang beer nito. "Umiinom kahit 'di mo kilala ang kainuman mo?" ngising tanong niya. Tinabig nito ang balikat niya. "Yes. Isipin ko na lang nasa bar ako. Katabi ang isang taong estranghero na hindi ko kilala. Pero kilala ang pangalan niya. Na kunwari close kami." Nag-peace sign ito. "Baliw!" "Mas okay na ang baliw kaysa loner." Kumindat pa ito. "Ang ganda ng mga kuha mo, Kuya. Kunsabagay ang ganda ko kasi..." "Talking to yourself huh?" "Maganda talaga ako." Nagkibit-balikat siya. She's right. "Bakit ka ba nandito?" "Vacation?" 'Di siguradong sagot nito. "Soul searching." Direktang tingin nito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. "Ikaw ba kuya? Nasaan ang pamilya mo?" "Nasa malayo." "May asawa ka na? Anak? Girlfriend? Fiancée?" "Wala na akong asawa. She died 5 years ago. But I have a child. Kaso nasa malayo siya. She's six years old next week at parehas kami ng birthday." "Nakakalungkot naman. So widow ka pala. If you don't mind ano ang ikinamatay niya?" Tumingin siyang muli sa malayo. Namamasa ang kanyang mga mata. "Car accident." Hindi nagsalita si Shine. Nabigla ito marahil sa sinabi niya. Tumulo ang luha nito sa harapan niya. "Bakit?" "Naiyak ako sa kwento mo." Pinunas nito ang luha sa mga mata. "Sorry. Emotional kasi ako when it comes to my wife." "Mahal na mahal mo siya no?" "Yes. More than my life..." "Ang suwerte niya." Tinungga nito ang beer. "How about you?" "Broken-hearted kasi ako. Gago kasi 'yong ex ko." Natawa siya sa sinabi nito. "Why?" "Maganda na nga girlfriend niya pinakawalan pa niya." "Gandang-ganda ka sa sarili mo, no?" Tinapik nito ang pisngi nito. "Yeah." Lumalim ang gabi. Nagi-enjoy siya sa ka-kwelahan ni Shine. Gusto siyang maging kaibigan nito. At siya naman pilit inilalayo ang sarili sa dalagang estranghero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD