Kabanata 7

1003 Words
MALAPAD ang ngiti ni Russel habang patungo siya sa mansion ng mga Alonzo. Susunduin niya si Feya roon, at makikita niyang muli si Shine. Gusto niyang tanungin kung bakit namumugto ang mga mata nito pero nahihiya siya, wala siyang karapatang usisain ang personal na buhay nito lalo na at hindi naman ito nagsasabi sa kanya. Isa pa hindi na nga pala sila magkaibigan ni Shine. Itinuon niya ang sarili sa pagmamaneho habang nakikinig ng mga rock songs. Malapit na siya sa mansion nang biglang tumunog ang cellphone niya. Ikinonekta niya iyon SA bluetooth earphone niya. "Hello, sino ito?" Hindi kasi pamilyar sa kanya ang number dahil unregistered ito. Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. "Hello!" ulit niya ngunit wala pa rin. Hanggang sa puputulin na niya ang tawag nang magsalita ang nasa kabilang linya. "Si... Russel Sebastian ba 'to?" tanong ng isang babae. "Sino ka ba?" walang emosyon niyang tanong. "May kailangan kang malaman tungkol sa batang nakapatay sa asawa mo..." Natigilan si Russel. Bigla niyang inapakan ang preno at itinigil ang sasakyan sa tabi. "Sino ang batang 'yon?" malakas niyang tanong pero bigla na lang ibinaba nito ang kabilang linya. "s**t!" Nang mamatay si Filomena sa aksidente ay hindi na inalam pa ni Russel ang pangalan ng bata at kung taga saan ito. Ang kanyang mama lamang Ang nakausap ng mga ito, dahil noong panahong iyon ay wala siya sa kanyang sarili. At Ang sarili niya ang kanyang sinisi sa lahat ng iyon. Nagpasya siyang kontakin si Travis ang kaibigan niyang investigator na nagtratrabaho sa NBI. "Pare, kumusta?" tanong ng nasa kabilang linya. Si Travis ang ninong ni Feya. "May number akong ipapasa sayo. Alamin mo nga 'pre kung sino. May nabanggit siya tungkol sa bata na nakabangga sa amin ni Filomena." "Okay sige, pare. Bakit gusto mo bang panagutin ang batang yon? Siguro ngayon dalaga na ang batang 'yon. Ano bang balak mo sa bata pare?" "Wala naman, gusto ko lang malaman kung sino ang batang iyon." "It's almost 7 years, pare." "At parang kahapon lang ang lahat..." malungkot niyang sambit. At tumingin sa labas ng bintana ng kotse. "Labas tayo minsan pare, at 'wag mong kalimutan si Avery." Tumawa ito. "Langya, okay sige, magkita tayo this weekend pare." "Okay... okay." Ibinaba na niya ang tawag mula rito at sinulyapan ang sarili sa salamin. Tinignan niya ang sariling itsura sa salamin ng sasakyan niya. Magugulat si Shine kapag nakita siya nitong guwapo na ulit tignan. Nagpagupit na siya ng buhok at clean cut iyon. Pinatanggal na rin niya ang bigote niya tsaka siya nagpa-total facial cleaning sa kaibigan niyang bakla na si Liwanag, best friend ni Filomena. Pinatakbo niyang muli ang sasakyan niya at nakarating na sa mansyon nina Shine. Nadaaanan pa niya ang mga trabahador ng mga ito na naglalagay ng mga kaing-kaing na mangga sa kariton na may kalabaw patungo sa bodega niya na ilang metro lamang ang layo mula rito. Sinipat niya ang relong pambisig niya, alas singko na ng hapon. Hindi na niya ipinasok ang sasakyan niya sa gate dahil nagmamadali rin siyang umuwi. May ipapakilala pa kasing bisita si Manong Philip sa kanya. Pamangkin daw nito galing Maynila. Pagpasok niya sa loob ng mansyon ay wala naman doon sina Shine at Feya. Naroon si Manang Guada, sinalubong siya nito. "Susunduin ko ho sana si Feya, manang," paliwanag niya rito. "Nasa bodega sila ni Ma'am Shine, sir," sagot nito sa kanya. "Sige ho, salamat." Kunot-noong tinungo niya ang bodega na nasa likuran ng mansyon. Ano kayang ginagawa ng dalawa roon. ABALA si Shine sa pagtuturo ng mathematics kay Feya. Kakatapos lamang nilang maligong dalawa ay agad na muli siyang inaya nito patungo rito sa bodega. Ipinasuot niya kay Feya ang luma niyang bestida noong bata pa siya. Bagay na bagay naman ang kulay na pula rito dahil maputi ito at medyo may pagka-chubby. Basa pa ang buhok niya at mahabang t-shirt na black lamang ang suot niya, wala siyang bra kaya bakat ang malusog niyang dibdib. "Ang 7 ay equal sa 7." Isinulat niya sa papel ang equal sign habang nakikinig naman ito sa paliwanag niya. "Ate Shine, bakit subtraction ang sign?" takang tanong nito. Humagalpak siya ng tawa rito. At ginulo ang buhok ni Feya. "Ganito ang sign ng equal kasi ang 7 ay parehas ang bilang sa 7." Isinulat niya sa papel iyon at binilugan ang parehong number. "I get it." Ngumiti ito at sinagutan ang mga examples na ginawa niya. "Ate Shine, what if ligawan ka ni daddy?" Napaubo siya sa sinabi nito. "Hindi mangyayari 'yon, Feya. Dahil mahal na mahal ng daddy mo ang mommy mo at ikaw syempre." Pinisil niya ang ilong nito. "At sino naman po ang mahal mo ate? Iyong lalaki po ba na nakita namin ni daddy sa labas ng bahay ninyo?" "Feya!" Mula sa pintuan ay tinawag ni Russel ang anak nito. Tumayo siya at iniligpit ang mga gamit. Nakatingin ito sa kanya, napansin niya ang bagong itsura nito, mas lalo itong naging hot sa paningin niya. Nakagat tuloy niya ang ibabang labi habang nakatingin dito. Nakatingin din ito sa itsura niya mula ulo hanggang paa. Nilapitan ni Feya ang daddy nito. "Daddy, you know what. Teacher po pala si Ate Shine, at mahilig siyang mag-paint. Sinabi ni Lola Via, magaling din mag-paint si mommy." "Mas magaling ang mommy mo sa kahit na sino sweetie." Tumingin ito sa kanya. "Ahm, binihisan ko nga pala siya kasi nadumihan siya nong nag-paint kami, ipapadala ko na lang kay Manang Guada ang damit ni Feya bukas, by the way ito nga pala iyong ipininta niya." Kinuha niya mula sa lamesa ang kuwadro. At saka ibinigay iyon kay Russel. "I made it, daddy. This is you, mom and me. Ate Shine help me to do this," masayang sabi nito. "This is beautiful, sweetie." Lumuhod si Russel at niyakap ang anak nito. Kinuha niya ang camera niya at agad na kinuhanan ang mga ito ng litrato. Nagtaka si Russel sa ginawa niya. "Dapat lahat ng magagandang memories kailangang i-save," nakangiting sabi niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD