"SINO ba ang lalaking 'yon? Siya kaya 'yong ex-boyfriend ni Shine?" tanong ni Russel sa kanyang sarili habang nakatingin sa repliksyon niya sa salamin.
Nasa banyo siya at nakatapat sa shower. Minabuti niyang maligo pagkauwi niya dahil nag-iinit pa rin ang pakiramdam niya. Hindi kasi niya maiwaksi sa kanyang isipan ang nakita niya kanina.
Shine was taking the key from that guy's pants. At hindi niya gustong makita ang eksenang iyon.
Muli niyang itinapat ang mukha sa shower habang nakapikit. Bakit ba niya iisipin ang bagay na 'yon? Ano bang pakialam niya kahit pa mag-make love sila sa harapan niya! It's not his business, at wala siyang dapat ikagalit.
Siya itong may kasalanan, itinaboy niya ito. Itinaboy niya ang babaeng sa tingin niya'y gusto na niya.
Napailing siya. "No!" mariing tanggi niya at isinara ang shower.
Lumabas siya sa banyo na walang suot. Habang pinupunasan niya ang kanyang basang buhok ng towel. Hinarap niya ang kanyang closet. Tayong-tayo pa rin ang alaga niya na hindi niya masaway.
This big bird has its own heart.
PUMASOK si Russel sa kuwarto ni Feya pagkatapos niyang magbihis. Tulog na tulog na ang anak niya, nasa tabi nito ang picture ni Filomena. Bumuntong-hininga siya at inalis ang picture frame na yakap-yakap nito.
Umupo siya sa tabi ng anak niya at saka inayos ang kumot nito. Hinawi niya ang buhok na nasa pisngi nito at saka hinagkan ang noo ng anak niya.
"I'm sorry, sweetie," mahina niyang bulong.
Naalimpungatan ito sa ginawa niya. Kinusot-kusot nito ang mga mata at tumingin sa kanya.
"Da-daddy?"
Hinaplos niya ang pisngi nito. "Matulog ka na ulit, sweetie. Nandito na si daddy."
Ngumiti ito at pumikit nang muli.
"Daddy, bukas puntahan natin si Ate Shine. Maglalaro kaming dalawa, tapos magpapaturo ako sa kanya," nakapikit nitong sambit.
Napalunok si Russel. Paano niya gagawin iyon? Matapos ang ginawa niyang pambubulyaw kanina rito.
"O-okay sweetie..." Marahan niyang hinaplos ang buhok nito. Muli itong nakatulog nang mahimbing.
Tinabihan niya ang anak niya sa pagtulog, nakokonsensya siya sa mga kalokohang pinaggagawa niya. Ngayon niya na-realize na kailangang pagtuonan niya ng pansin si Feya kaysa mga kung anumang mga bagay.
MASAKIT ang ulo ni Henry pagkagising niya. Naalala niya na pinuntahan nga pala niya si Shine sa probinsya nito. At nandito siya ngayon sa mansyon ng lola nito. Natuwa siya dahil katabi lamang ng hacienda ng lola ni Shine at hacienda pinagtratrabahuan ng kanyang Tiyo Philip.
Kaklase niya ito mula noong highschool sila hanggang kolehiyo. At nang niligawan niya ito noong mag-debut ito. Sinagot siya ni Shine at siya ang unang naging boyfriend nito. Ilang beses silang humantong sa kama pero never na may nangyari sa kanila. Kahit na pareho na silang nag-iinit ay hindi pa rin magawa ni Shine na isuko sa kanya ang isang bagay na gusto niya.
Kay naman bumalik siya, gusto niyang bawiin muli si Shine at maging parte muli ng buhay niya. Ngunit sa tingin niya mahihirapan siya dahil sa laki ng kasalanang nagawa niya rito. Tatlong taon ang itinagal ng kanilang relasyon ngunit nagawa niyang lokohin ito dahil hindi nito ibinigay ang gusto niya.
Her virginity! Gusto ni Shine na pakasalan muna niya ito bago nito ibigay ang hinihingi niya. Nagalit siya noon dahil hindi niya matanggap na naapakan ang ego niya dahil sa pagtanggi nito sa kanya.
PAGLABAS niya ng kuwarto ay sinalubong siya nito. Nakahalukipkip ito sa harapan niya at nakataas ang isang kilay.
"Makakaalis ka na, hindi alam ni Lola Minda na nandito ka. Isa pa tapos na tayo hindi ba, kaya wala kang karapatan pang lapitan ako," seryosong sabi nito at saka hinagis ang susi ng kotse niya.
Tinalikuran siya nito ngunit mabilis niya itong niyakap sa likuran.
"Bumalik na tayo sa dati, Shine. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, mahal na mahal kita."
Pumalag si Shine at marahas siya nitong itinulak. "Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin 'yan sa akin. f**k! Ano ka, matapos kitang mahuling nakikipag-s*x sa iba, heto ka ngayon... nakatayo sa harapan ko na para bang wala lang lahat ng mga ginawa mo. Henry, nang umalis ako sa Maynila malinaw na sa akin na wala na talagang tayo, nung una hinintay ko pa na sundan mo ako dahil ako yung mahal mo at hindi ang babaeng 'yon. Pero habang tumatagal nari-realize ko na... sinasayang ko lang ang oras ko sayo! Kaya ngayon, please umalis ka na!" umiiyak nitong sigaw.
"Babe, kaya nga ako nandito para kausapin ka. At... bumawi sa ginawa ko sayo. Please give me one more chance. I love you so much."
"I'm sorry... ilang ulit na kitang pinagbigyan. Umalis ka na, Henry!" Pagtataboy nito sa kanya.
Tinalikuran siya nito. "'Wag ka nang babalik," pagkatapos nitong magsalita ay tumakbo ito paakyat ng hagdanan. Nilapitan siya ng katulong nito.
"Sir..."
"Salamat, manang. Pakisabi na lang kay Shine na babalik ako." Sinulyapan ni Henry ang hagdan at tiningala ang kuwarto ni Shine na nasa itaas bago siya tuluyang lumabas ng mansyon ng mga ito.
"DADDY, hindi pa ba tayo papasok sa loob?" tanong ni Feya habang niyugyog siya nito sa braso.
Nilingon ni Russel ang anak na nakaupo sa tabi niya. Nakasimangot na ito dahil kanina pa siya inaayang pumasok sa loob ng mansyon nina Shine.
Nagpasya siyang bumaba sa kotse at inalalayan niya ang anak sa pagbaba. Eksaktong palabas naman ang katulong nina Shine, tatawagin na sana niya ito nang bigla may lalaking naglalakad kasunod nito.
Nangunot ang noo niya, ito iyong lalaki na kasama ni Shine kagabi. It means na dito talaga natulog ang lalaking iyon. s**t! Sabi na nga ba tama ang kutob niya na ito ang ex-boyfriend ni Shine o 'di kaya boyfriend pa lamang nito.
Hinawakan ni Feya ang kamay niya. "Daddy, let's go!" Nagmamaktol na ito.
"Ihahatid lang kita rito pagkatapos susunduin kita mamayang hapon. Okay ba 'yon, sweetie?"
Nangislap ang mga mata nito. "Okay na okay."
Hindi niya malaman kung bakit malapit ang loob ni Feya kay Shine. Hindi kaya nagayuma na rin nito ang anak niya?
Damn, nagayuma sa isang tingin... mapang-akit na tingin.
Lumabas ang lalaki sakay ng kotse nito. Nakita naman kami ng katulong at lumapit ito sa amin ni Feya.
"Sir Russel?" bulalas nito nang makilala siya.
"S-si Shine ho, manang?" tanong niya. Tumingin ito kay Feya.
"Nasa kuwarto po niya, pumasok po kayo sir, tatawagin ko lang si ma'am. Ang ganda-ganda naman ho ng batang kasama ninyo, sir."
Lumakad kami kasunod nito. "Anak ko ho manang."
Tumango-tango ito. "Magandang bata." Tumingin ito kay Feya.
Unang beses niyang tatapak sa loob ng bahay nina Lola Minda. Maganda ang bahay nito, maluwang at magaganda ang mga disenyo.
"Umupo muna ho kayo rito, sir. Tatawagin ko lang si ma'am." Iniwan kami ng matanda at umakyat ito sa hagdan.
"Daddy, mag-isa lang ba si Ate Shine dito sa bahay niya?" tanong ni Feya na nakatingin sa mga pictures na nasa sala. Naroon din ang mga lumang pictures ng pamilya Alonzo.
"May kasama siya rito hindi siya nag-iisa," nakangiti niyang sagot. Pero ang totoo, naiinis siya sa hindi niya malamang dahilan.
"Bakit ba gustong-gusto mo na makipaglaro kay Shine?"
"I don't know... para kasing kamukha niya si Mommy... maganda kasi siya tulad ko."
Tumawa siya sa sinabi nito. Pinuri ng anak niya ang sarili nito tulad ng ginawa ni Shine noong unang beses niya itong makausap.
Pero ang kamukha nito si Filomena kay hindi siya sigurado. Hindi niya makita na may hawig ito sa namayapa niyang asawa. Sa tingin niya gusto lang talaga ni Feya na magkaroon ng isang mommy. At iyon ang bagay na hindi niya kayang ibigay dito.
BUMABA ng hagdan si Shine. Tama si Manang Guada, naroon sina Russel at ang anak nitong si Feya.
Wala siyang ayos, ipinusod lamang niya ang kanyang buhok na hindi pa niya nasusuklay dahil wala siyang tulog magdamag. Namumugto rin ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Nakasuot siya ng plain white t-shirt at shorty short.
Nilapitan niya ang mga ito, sinadya niyang iwasan ang tingin ni Russel sa kanya.
Agad siyang niyakap ni Feya sa bewang niya. Kinarga niya ang bata at hinalikan sa pisngi. Malapit ang loob niya kay Feya at pakiramdam niya pati rin ito.
"Hello, Ate Shine,"nakangiting bati nito sa kanya.
"What broughts you here, little angel?" nakangiti niyang tanong.
"Gusto po kitang makalaro."
Ibinaba niya ito at umupo na sa sofa. Nakatingin sa kanya si Russel pero hindi niya ito pinansin.
Binigyan sila ng maiinom na mango juice ni Manang Guada. At saka ito umalis pagkapatong non sa lamesita.
"Susunduin ko siya mamayang hapon dahil may business pa akong pupuntahan ngayong araw." Tumayo na ito pagkasabi non.
"Daddy, galit ka na kay Ate Shine?" tanong ni Feya.
Tumikhim siya at wala sa sariling tumingin dito.
"Kasi mukhang umiyak si Ate Shine dahil sayo daddy, hindi kayo bati!" galit na sabi pa nito.
Nanlaki ang mata ni Russel sa inasal ng anak nito. Mahina siyang tumawa sa naging reaksyon ni Russel.
"Hindi ako umiyak dahil sa daddy mo, little angel. Umiyak ako kasi may monster kagabi. At natakot ako sa kanya." Tumingin siya kay Russel. "He's a bad monster." Ibinalik niya ang tingin kay Feya.
Lumapit si Russel sa anak nito.
"Of course not, sweetie. Hindi kasi kami friend ni Ate Shine mo, pero hindi ko siya pinaiyak dahil bad iyon." Tumingin ito sa kanya.
Binalingan siya nito at sinenyasan kung pwede silang mag-usap ng malayo kay Feya.
"Ikaw muna ang bahala kay Feya. Gusto talaga niyang magpunta rito para makipaglaro sayo, kung ako lang ang masusunod ayoko sana pero mapilit siya, kaya wala akong magawa."
Tumango siya at ngumiti rito. "Para kay Feya..."
"Sandali lang." Pigil nito sa kanya nang akma siyang tatalikod dito.
"May sasabihin ka pa?" kunot-noong tanong niya.
"Iyong... iyong lalaki kagabi..."
Hinarap niya muli ito. "Si Henry?" Mahinang tawa ang ipinukol niya rito. "Kilala mo ba siya?" balik-tanong niya.
Umiling ito. "No... siya ba 'yong sinasabi mong---"
"Ex ko." Putol niya sa sinasabi nito. At muling iniwas ang tingin dito. Hindi niya gustong pag-usapan ang tungkol kay Henry dahil masasaktan lang siya.
"O-okay... babalik na lang ako mamayang hapon." Hindi na ito nag-usisa pa.
Inihatid niya ito ng tingin. At nang makaalis ito ay pinuntahan niya si Feya na nakangiti habang hinihintay siyang lumapit.
"Ano ang lalaruin natin, little angel?" magiliw niyang tanong.
"I don't know," sagot ng bata na tila nag-isip pa.
"Kung ganoon tuturuan na lang kitang mag-paint," nakangiting inilahad niya ang kamay sa harapan nito.
Sumama sa kanya ang bata sa bodega kung saan naroon ang paintings na ginawa niya kahapon. Ito ang pinagkaabalahan niya para maalis sa isipan niya si Russel ngunit hindi nangyari dahil mayroong batang paslit na gustong makipagkaibigan sa kanya.
MASAYA silang nagpinta, narumihan ang mukha nito at ang buo nitong kasuotan. Halos maubos ang mga pintura niya dahil sa paglalaro nito.
Doon na rin sila sa bodega kumain ng tanghalian. Ipinalinis niya kay Manong Poldo ang bodega para gawin niyang work place niya. Nasa likurang bahagi lamang ito ng mansyon.
Naroon ang mga pictures niya na nakaipit isa-isa sa string. At kapag gabi ay sinisindihan niya ang mga led lights na ikinabit niya.
Sa pagpi-paint niya nakakalimutan niya ang mga problema niya sa buhay.
May folding bed ang loob ng bodega. At mga upuang kawayan na ipinagawa niya sa mga tauhan nila sa hacienda. Sariwa ang hangin na pumapasok dahil may malaking bintana ang bodega na nilagyan na lamang niya ng sunflower plastic curtains.
"Ate Shine, nasaan po ang Lola Minda mo?" tanong ni Feya habang kandong niya ito.
"May inaasikasong negosyo sa kabilang bayan. Baka kasama siya ng daddy mo."
Ginulo niya ang buhok ng bata. "Mabait ba ang daddy mo... I mean mabait ba siya sayo?" kandautal-utal niyang tanong.
"Yes, lahat ginagawa po ni Daddy para sa kinabukasan ko, at laging sinasabi ni daddy na mahal na mahal niya ako."
Niyakap niya ito. "Alam mo dapat mahalin mo ang daddy mo."
"Ate Shine, bakit hindi na lang po ikaw ang maging mommy ko?" diretsong tanong nito sa kanya at nakatingala pa.
Naubo siya sa sinabi nito. "Ikaw talagang bata ka." Kiniliti niya ito at malakas itong tumawa sa ginawa niya.
Nagkuwentuhan pa sila hanggang sa mapagod na ito at nakatulog sa kandungan niya.
"Pag-iisipan ko kung magiging mommy mo ako," nakangisi niyang sambit dito habang natutulog ito.