"Ayoko nang magtrabaho pa ng pinapatrabaho n'yo po sa 'kin, Tito Rudy. Masiyado pong matigas ang ulo ng anak n'yo, nasisira ang diskarte ko sa kaniya. Alam ko po na hindi simpleng bagay lang ang nangyayaring ito sa anak mo. Matagal na po akong nagtatrabaho sa industriyang ito at alam ko na seryoso ang bagay na ito. Pero mahirap trabahuhin ang isang trabaho kung wala itong cooperation sa mismong subject, Tito," mahabang salaysay ni Apollo nang puntahan niya isang araw si Rudy Ruiz sa opisina nito. Ilang araw na siyang hindi napagawi sa bahay ng mga Ruiz at sinabi ng Daddy niya kanina na pinapatawag nga siya ni Rudy. Inabala niya ang ilang araw niyang 'yon sa kaniyang negosyo. Nawala naman sa isip niya ang tungkol kay Sabrina dahil naging busy na rin siya. May mga proyekto pa siya sa kasalu