PROLOGUE
Umalis si Apollo sa ibabaw ng puntod ni Caroline na magaan ang dibdib. He can finally sleep so well at night, dahil nakamit na ni Caroline ang hustisya sa kamatayan nito. He loved Caroline so much na ng mamatay ito ay parang kasama na rin siyang namatay. Matagal niya na itinago ang sarili mula sa mga taong nagmamahal sa kanya, dahil hindi niya kayang harapin ang mundo ng wala ito.
Nagpapasalamat siya sa apat niyang pinsan, and they're always there at the lowest part of his life. Pilit siya na initindi ng mga ito kahit na itinataboy niya ang apat. Dumating pa nga sa punto ng kanyang buhay na hiniling niya ang kamatayan. Hindi siya natatakot sumuong sa ano mang gulo.
Naisipan niyang pumasok sa isang ahensya kung saan ang trabaho ay magbantay sa mga matataas na tao na nanganganib ang buhay dahil sa may nagbabanta na mga kalaban ng mga ito. Nag-private investigator at kung ano pang mapanganib na trabaho ang ibinibigay ng agency sa kanya. And he loved what he was doing, kahit na parang atakihin na sa puso ang kanyang mommy, at halos itakwil siya ng ama.
Kababata niya si Caroline, anak ito ng kumpadre ng kanyang daddy. Maliit pa lang si Caroline nang maulila sa ina. Aside from his four cousins, Caroline used to be his playmate. Sinasabayan niya ito kahit na ayaw niya ng mga nilalaro nito, dahil gusto niyang makita ang matatamis na ngiti at malambing na halakhak nito kapag nagkunwari siyang nag-e-enjoy sa nilalaro nila. He hated ladies things sa totoo lang, pero hindi niya iyon maamin kay Caroline.
At nang magdalaga at magbinata na sila, he had these feelings that she was ideal for a housewife. She was so submissive, sweet and beautiful. Lahat na yata ng katangian ng isang mabuting babae ay nasa kay Caroline na. Linigawan niya ito noong nasa tamang edad na sila, and she didn't fail him. Sinagot siya nito at naging masaya ang relasyon nila, dahil walang humadlang sa pag-iibigan nila. Natuwa pa nga ang mga magulang nila.
Pero ang saya na ‘yon ay unti-unting nahaluan ng lambong. Nang isang araw ay namatay ang ama nitong si Romulo. Naging malungkutin na rin si Caroline simula noon. At ang labis na nakakagimbal ang natuklasan nila sa autopsy result ng ama nito. Ang dahilan ng kamatayan nito ay dahil sa unti-unti itong nilason. At wala silang ideya kung sino ang may gawa no’n sa kanyang Tito Romulo.
Nagpapasalamat siya at na riyan ang tiyuhin nito na gumagabay kay Caroline at namahala pansamantala sa naiwang negosyo ng kapatid nitong si Romulo.
Pero hindi niya akalain na susunod si Caroline sa ama nito. Pinatay ito sa mismong bahay ng mga ito, at walang ideya ang mga katulong kung sino ang may gawa noon sa dalaga. Natagpuan na lang itong wala ng buhay sa loob ng silid nito. Karumal-dumal ang ginawang pagpaslang sa dalaga. Parang galit na galit ang gumawa noon.
At hindi siya tumigil kung hindi niya napanagot ang may gawa noon sa pinakamamahal niyang babae. He had no idea if how many deaths had he chased para lang mahuli ang taong walang puso. At sa ilang taon na dumaan hindi niya akalain na nasa tabi niya lang pala ang gumawa ng krimen na ‘yon.
Ang tiyuhin ni Caroline na si Roland!
Naging ganid ito sa pera at para mapasakanya ang yaman ng kapatid nitong si Romulo kaya niya ginawa iyon sa mag-ama. Later he learned na ampon lang pala ito. Kung hindi siya napigilan ng mga pinsan baka napatay niya lang ito.
Malungkot man na hindi na babalik si Caroline but God knows kung gaano siya ngayon kasaya at nagawa niya ang mission niya. At oras na siguro na tumigil na rin siya sa ganito ka delikadong uri ng trabaho.
May ngiti na sa mga labi niya ng bumaba sa motorsiklo niya at pumasok sa kanilang mansyon. Naratnan niya pa ang ama sa kanilang living room na may kausap na kasing-edad din nito na lalaki. At kilala niya ang lalaking ito. Si Rudy Ruiz, kilala sa business world at palaging laman ng society pages ang anak nito na palaging nasasangkot sa gulo.
Spoiled brat. Naiiling siya ng maisip iyon.
"Hi Dad," bati niya sa ama na agad namang sumenyas sa kanya nang makita siya. Lumapit siya sa dalawa at tinanguan ang bisita ng kanyang ama.
"Francis Apollo Contreras," bati nito saka tinapik siya sa balikat.
"Tatawag ako sa ‘yo Rudy," sabi ng kanyang ama na ikinangiti nito.
"Paano kumpadre mauuna na ako sa ‘yo. Apollo," tumango lang siya at hinatid na ito ng ama sa labas.
Lumapad ang kanyang ngiti nang makita niya ang kanyang Siberian husky na alagang aso. Winawagwag nito ang buntot habang lumalapit sa kanya.
"Carrie, come here baby," sabi niya na tila bata na nakaintindi na lumapit at naglambing sa kanya. Kinarga niya ang malaking aso at akmang aakyat na sa itaas nang tawagin siya ng ama.
"We have to talk," seryosong sabi nito.
"About what Dad? Kung tungkol ito sa trabaho ko, I am quitting effective today, Dad," nakangiti siya at siguradong masisiyahan ito sa sinabi niya, pero nanatili lang itong seryoso. Ibinaba niya ang kargang aso saka kunot-noong hinarap ang ama.
"May hihilingin lang ako tungkol sa trabaho mo bago mo tuluyang iwan ito, Apollo."
"Ano ang ibig sabihin n’yo Dad?" Naguguluhang nakatingin lang siya sa ama.
"Be the body guard of Rudy's daughter and her life is in danger!" Nagulat siya sa sinabi ng ama at gusto niyang matawa sa isiping babantayan niya si Sabrina Elyse Ruiz. Matatagalan kaya niya ang ugali nito? He heard rumor's na napakasama daw ng ugali nito. Kaya siguro nanganganib ang buhay nito at marami ang may galit sa kanya.
"Dad, I heard about the girl's attitude, kaya ‘yan may banta kasi ang daming naagrabyado. Hindi naman siguro kailangan pa na may body guard talaga iyon. Puwede naman nilang ipa-blotter iyon sa police eh," balewalang sabi niya na akmang bubuhatin muli ang aso.
"Listen Apollo, this is something serious. Binaril ang sasakyan ng anak ni Rudy kahapon. At sa tingin mo mabilis itong masolusyonan ng mga pulis?"
"Of course Dad, mayaman si Ruiz and he can manipulate the officers para mapadali ang kaso ng anak niya."
"Kung nagawa mo dati iyon ng walang rason Apollo, ngayon na may matibay na dahilan ayaw mo bang gawin para sa kaligtasan ng isang babae na nangangailangan ng tulong mo?"
"Gusto ko nang magbagong buhay, Dad, sorry pero ayoko ng humawak pa ng baril."
"C'mon Apollo, gustuhin mo ba na muling may matulad na babae kay Caroline?" Natigilan siya sa sinabi ng ama.
"But Dad, Mom was so happy nang malaman niya kanina na titigil na ako sa trabaho ko, and I don't want her to be upset again ‘pag malaman niyang muli akong babalik sa dati kong ginagawa. I promised to her na last day ko na ngayon."
"Ako na ang bahala sa Mommy mo Apollo. This is the last time na gagawin mo ito."
"Bakit ba parang ikaw ang naninikluhod na gawin ko ito, Dad? They're not even our relatives," hindi niya maintindihan ang ama, kung bakit nito iyon ginagawa, gayon na muntik na siyang itakwil noong malaman nito ang ginagawa niya.
"Because I believe ikaw lang ang may kakayanan nito, at naniniwala ako na may pagbabagong mangyari sa anak ni Rudy pagkatapos nito. At parang kaso lang ito ni Caroline dati. You don't want to repeat her fate to other women, right?" Napabuntong hininga siya bago napatango.
"Okay, but this is the last time Dad. Next time hindi ko na kayo mapagbigyan pa," itinaas niya ang dalawang kamay for resignation.
"There will be no next time, son. Trust me," tumango siya.
"So, when do you want me to start my job?" Tanong niya na parang bigla ring na-excite.
"As soon as possible, Apollo," he secretly smiled when Sabrina's beautiful face appeared playfully in his mind.