CHAPTER 7

1755 Words
Hindi nagtagal ang pagbabad niya sa swimming pool nang may taong biglang lumitaw sa tabi ng pool. Natigil siya sa ginagawa niyang pag-floating nang makita niya ang hindi pamilyar na lalaki na ‘yon. Mabilis siyang lumangoy sa gilid ng pool malapit sa paanan ng lalaking nakatayo. “What do you need? Why are you here?” Nagtatakang tanong niya kung bakit ito nakapasok sa kanilang bakuran. Hindi niya kilala ang lalaking ito, pero sa tingin niya ay halos magkasing edad lang sila nito. Matangkad at guwapo ang lalaki. Maganda ang kutis nito na halatang nanggaling sa isang mayamang angkan. “I’m so sorry for entering here without permission from anyone here in this house. Bukas kasi ang gate n’yo kaya pumasok na ako sa pagbabakasakaling may hardinero akong makikita sa inyong hardin, pero walang tao roon. It’s too late to go back outside dahil nandito na rin ako sa loob. Any ways, I’ve done a lot of explanation. Hinahanap ko kasi si Mrs. Margarita Ruiz. Ito ba talaga ang address niya?” He handsomely said while his gaze didn’t leave her face. Ngumiti rin ito at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. She found him cute and pretty boy. Iyong mga pang-Korean ang datingan. Boy-next-door. Iyong tipong neat and clean. Napangiti na rin siya sa lalaki. “Bakit? May kailangan ka ba sa kaniya? Ito nga ang address niya.” She flirtatiously smiled back at him. Magaan na kaagad ang loob niya sa lalaki. Ito iyong tipo na parang open page ang pagkatao, iyong parang walang misteryo na nakatago sa katawan nito. Hindi siya madaling nagkakagusto sa isang tao. Ang ibig niyang sabihin sa pakakaibigan niya ay napakapili nga niya, hindi siya iyong tipo na madaling magtiwala. Pero sa lalaking kaharap niya ngayon ay parang madali siyang nagtiwala rito. Umahon siya at sexy na lumakad palapit sa silya kung saan nakasampay ang suot niyang roba. Kinuha niya iyon at ipinatong sa kaniyang two-piece swim suit. Alam niya na sinusundan ng binata ang bawat galaw niya. Naaakit ito sa kaniyang alindog, she was pretty sure about it. Tumikhim ito bago muling nagsalita, “May in-order kasing pizza pie si Mrs. Ruiz. Kinulang kasi ako sa tauhan ngayon, kaya ako na lang ang nag-deliver nitong order niya.” Saka niya lang nakita ang bitbit nitong box ng pizza pie nang iangat nito iyon. Napangiti pa siya lalo. Not bad, may-ari siguro ito ng pizza parlor. At sikat na pizza parlor ang pangalan ng nakasulat sa box na dala nito. Why this man is so cute and handsome. “Gano’n ba? So, you’re the owner?” Tanong niya upang makasiguro siya. Mabuti na iyong sa umpisa pa lang ay alam na niya. Hindi naman sa matapobre siya pero ayaw niya namang pumatol sa isang lalaki na iyong pang-date pa nga lang nila ay sakit na ng ulo nito, ‘no! “Yes,” parang nahihiya pa nitong tugon. Shy type, huh. “Okay. Wait me here, ipapatawag ko lang siya.” Nakailang hakbang na siya nang tawagin nito ang pansin niya. “Ahm, Miss,” nakabakas sa boses nito na parang nahihiya ito. “Yes?” Nakangiti naman niyang tugon. “Kung hindi kalabisan ay baka puwede kong malaman ang pangalan mo. Oh, never mind, baka isipin mo na masyado akong mabilis.” His mouth curved into a smile. A shy one. Natuwa pa siyang lalo sa lalaki. Parang gusto niyang lapitan ito at kurutin ang namumula nitong pisngi. “Of course not!” Humakbang siya palapit sa kinatatayuan nito. She extended her right hand for a shake hand before she gladly intoduced herself to him, “I’m Sabrina Elyse Ruiz. I’m pretty sure na kilala mo ako, sikat ako sa buong Batangas, eh.” Her whole face lit up. Ganito siya kaprangka, ayaw niyang magpaliguy-ligoy pa sa isang bagay. Hindi siya ang ganyang tipo. Ang sa kaniya kasi ay kapag gugustuhin siya ng isang tao, kahit ano pa ang katangian na meron siya ay gugustuhin pa rin siya nito. Kung ayaw nito na ganyan ang katangian niya ay problema na nila ‘yon. Basta siya ay ayaw na ayaw ang mag-pretend. Kinuha nito ang nakalahad niyang kamay at mahigpit iyong kinamayan. Dama niya pa ang mahinang pagpisil nito sa palad niya, “Of course. Pero hindi naman ako mapagpaniwala sa mga sabi-sabi lang without getting to know the subject.” He simpered, “Opps!” Mabilis nitong niyuko para pulutin ang nalaglag na tuwalya niya. Noon lang din nito binitiwan ang kaniyang kamay. Halos magkasabay silang yumuko para pulutin iyon kaya bumunggo ang ulo niya sa baba nito. “What the heck! Nasaktan ka ba?” nag-alala na tanong nito nang halos magkasabay din silang tumayo. Sabay pa silang natawa nang malakas. “Not so, pero masakit pa rin.” Natatawa niyang sagot. This guy really made her day. Biglang nawawala ang pagkabagot niya. “I’m so sorry, Sabrina.” Hinging paumanhin nito na mas ikinatuwa niya pa. “It’s okay… Uh, by the way you are?” she asked and tapped her forehead. Muntik na niyang hindi nakuha ang pangalan ng cute na lalaking ito. Destiny kaya kung bakit kinulang ang tauhan nito at nang mag-order ang madrasta niya ng pizza ay talagang ito ang nag-deliver, at nagkataon pa na bukas ang gate nila? At dito mismo ito napadpad sa swimming pool kung saan ay naliligo siya at wala namang ibang tao sa paligid maliban sa kaniya? Ngayon niya lang ito naramdaman, iyong parang hindi sinasadya ang pagkakilala nila ng isang lalaki. Ang mga boyfriend niya kasi dati ay iyong nagkakilala sila sa parang sinasadyang paraan. Iyong talagang matagal nang gustong makipagkilala sa kaniya dahil siya ay si Sabrina Elyse Ruiz. “I’m Jonas Salazar.” He pleasantly introduce himself to her. “By the way, Jonas, baka kanina pa ‘yan hinihintay ng um-order sa ‘yo.” Itinuro niya ang loob ng kanilang bahay. “Oh, yes! Muntik ko nang makalimutan itong pizza na in-order ng Mom mo.” Turo nito sa dala nitong box ng pizza. “I wish I brought another box for you. If I only knew–” “Never mind, Jonas. And, she’s not my Mom. She is Dad’s second wife, My Mom’s already died,” she explained. Ayaw niyang ipagkamali nito na Nanay niya ang babaeng pinakaayaw niya. Napakabait ng Mommy niya para ikompara lang kay Marga. Ewan ba niya kung guni-guni lamang niya ang nakita niya sa mukha ni Jonas. Nang tingnan niya ito ay nakita niya ang biglaang pagtalim ng mukha nito noong banggitin niya ang totoong relasyon niya kay Marga. Pero baka nga guni-guni lamang niya iyon, isang iglap lang naman iyon at bigla rin namang nawala. “I’m sorry sa mali kong akala.” He pouted. The spark in his eyes was again effortless appeard. “Tutal itinanong ko na sa ‘yo ang pangalan mo, puwede bang pati na rin ang cellphone number mo?” Inilabas nito ang mobile phone nito mula sa bulsa ng pantalon nito at binigay sa kaniya. Wala namang pag-alinlangan na tinanggap niya iyon at inilagay ang kaniyang numero. “Thank you, Sabrina. By the way kung hindi man kita nadalhan ngayon ng pizza, baka sa susunod ay puwede naman akong mag-deliver ulit dito. Pero this time ay hindi na para sa Stepmom mo, kundi para na talaga sa ‘yo.” Minsan niya lang naramdaman ito pero kinilig naman siya. “Nasa ‘yo na ang cellphone number ko, Jonas, just text me away.” Iyon lang at mabilis na niya itong tinalikuran para pumasok sa kanilang bahay. Nakangiti pa siya habang lumalakad siya sa loob ng kanilang bahay. Parang nakalimutan niya ang nangyari na pag-ambush sa kaniya kahapon. Nang makapasok siya sa loob ay nakasalubong niya ang isa sa kanilang mga katulong. Tinawag niya ito at pinakiusapan na tawagin nito si Marga dahil may naghihintay dito na delivery sa labas. Kaagad naman na tumalima ang babae sa kaniyang utos. Parang nawalan na rin siya ng gana na ituloy ang kaniyang paliligo kaya umakyat na rin siya sa kaniyang silid. Kaagad siyang pumasok sa kaniyang banyo at nagbanlaw. Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit na rin siya ng damit pambahay niya. Katatapos lamang niyang magsuklay sa kaniyang buhok nang umilaw ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng kaniyang kama. Pinulot niya ‘yon at tiningnan kung sino ang nag-text sa kaniya. Bagong numero ang nakita niyang nag-text kaya binuksan niya ang mensaheng ‘yon. Hi, Sabrina. It’s me, Jonas. Muntik na akong matumba sa minamaneho kong motorsiklo dahil habang nagmamaneho ako ay ikaw ang iniisip ko. Napangiti siya sa mensahe sa kaniya ni Jonas. Ang cheezy n’on, huh, pero parang ang cute ng dating n’on sa kaniya. Kaagad siyang nagtipa ng reply niya sa mensahe ni Jonas sa kaniya. Sure ka? Kasalanan ko pa pala. Wala pang limang segundo simula nang ma-send niya ang kaniyang reply ay nag-ring na ang kaniyang cellphone. Lumapad pa lalo ang pagkakangiti niya nang makita na tinatawagan na talaga siya ni Jonas. In love na ba siya? Love at first sight? Iyon ang simula ng pagkakilala nila ni Jonas. Nase-sense niya na mabait naman itong si Jonas kung kaya’t mabilis siyang nagtiwala. Simula rin sa araw na ‘yon ay halos hindi na siya tinantanan ni Jonas. Is he feeling the same way she has for him? Nagyaya na ring lumabas si Jonas sa kaniya at para siyang walang lakas na tanggihan iyon. Actually nag-invite lang naman ito sa kaniya na bumisita siya sa pizza parlor na pagmamay-ari nito sa kabilang bayan, para daw matikman niya ang specialty ng pagmamay-ari nitong kainan. At gustong-gusto niyang gawin iyon. But when she asked her Dad later that night ay mahigpit nitong inayawan ang hiling niyang lumabas. “No more buts, Sabrina. Mananatili ka rito sa bahay hangga’t hindi pa dumarating ang personal body guard mo.” Tinalikuran na siya nito. Naiwan naman siyang laglag ang mga balikat. Pero sisiguraduhin niya na sa susunod niyang hilingin dito na lumabas ay hindi na ito makakatanggi pa sa kaniya. She is aching to know more about this Jonas Salazar. Ngayon lang nag-raise ang matinding atensyon niya para sa isang lalaki. Pakiramdam niya ay maraming misteryo kay Jonas kahit na parang wala naman itong itinatago. Sinabi na nga niya na parang open page kung ihambing niya si Jonas, at walang ano mang itinatagong misteryo. Pero hindi naman niya maintindihan kung bakit napaka-eager naman siyang makilala nang lubusan ang binata. Basta ang gulo niyang mag-isip pagdating kay Jonas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD