CHAPTER 8

2057 Words
Isang umaga ay talagang kumuha siya ng timing para na makausap ang Daddy niya para sa gagawin niyang paglabas. Gusto na niyang makita ulit si Jonas. If it is love, then, she doesn’t know. Basta ‘yon ang gusto niya. Period. Maaga siyang nagising para abangan ang paggising din ng ama niya. Doon siya tumambay sa porch ng kanilang bahay kung saan ay nakatapat siya sa malaking bintana. Binuksan niya ang bintana kung saan nakikita niya ang kanilang salas. Gusto niyang makita ang Daddy niya kapag na bumaba na ito roon. Nakaupo siya sa harap ng mesa kung saan nakapatong ang tasa ng kaniyang kape. Natigil siya sa gagawin sana niyang pagpulot sa tasa ng kaniyang kape nang makita niya ang kaniyang ama na nasa salas na nila ito. Naupo ito sa sofa at kumuha ng diyaryo saka binuklat iyon. Time to talk to him, Sabie. Tumayo na siya para pumasok sa kanilang salas. Nang nandoon na siya sa harapan mismo ng kaniyang ama ay hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Tumikhim muna siya para kunin ang atensyon nito bago sinimulan ang gusto niyang sabihin. “Gusto ko nang lumabas, Dad.” Napatingin ang ama niya sa kaniya. Itinigil nito ang pagbabasa nito sa hawak nitong diyaryo nang marinig ang sinabi niya. “Hindi pa puwede, Sabrina. Will you please listen to me even just this time, Sabrina? Hindi mo ikakapahamak ang makinig sa ‘kin minsan sa buhay mo.” Nakita niya ang tila matinding kapaguran sa mukha ng kaniyang ama habang nakatitig sa kaniya. Parang gusto niyang lapitan ito at yakapin pero ipinako niya ang sarili niya sa kinatatayuan niya. Masama ang loob niya sa ama niya. “I’m getting tired of here, Dad,” napapagod din niyang sagot sa kaniyang ama. Ilang araw na ba siyang hindi lumabas sa kanilang bahay simula ng insidenteng iyon sa buhay niya? Tatlo, apat, o isang linggo na? She hates to count it. “Hintayin mo lang na magsimula na si Apollo at puwede ka ng lumabas kahit saan mo gustuhing pumunta, Sabrina.” Muli nitong pinulot ang newspaper na binabasa nito kanina at hindi na siya binigyan pa ng pansin. She breath heavily. Ganito sila mag-usap ng ama niya. Para bang nandoon lang ito para punan ang pangangailangan niya sa materyal na bagay. Pero pagdating sa oras nito ay mahaba na ang fifteen minutes na ibibigay nito sa kaniya. “Pero kailan nga siya darating, Dad? Nababagot na ako dito sa loob ng bahay.” Muli itong natigil sa pagbabasa nito. “Kung nagtrabahao ka na ba sa kompanya natin, eh, ‘di sana ay magkakaroon ng silbi iyang sinasabi mong oras mo,” patutsada nito. Iyon na ang linya nitong palagi nitong ginagamit kapag na magrereklamo siya. And she used to it. Sanay na sanay na siya roon. “Dad, wala pang isang taon simula nang gumradweyt ako sa kolehiyo, siguro naman ay deserve ko ang mahaba-habang pahinga. Pero hindi iyan ang sagot na gusto kong marinig mula sa ‘yo, Dad. Kung hindi pa darating bukas iyang sinasabi mong personal body guard ko ay lalabas na talaga ako bukas. Hindi naman talaga ako natatakot sa nagbabanta sa ‘kin, eh. Ikaw lang naman itong may gustong ikukuha ako ng tagapagbantay,” nakasimangot na saad niya. “Shut up, Sabrina Elyse! Bueno, bukas ay darating na si Apollo. Bukas na siya magsisimula sa trabaho niya. Bukas na bukas din ay makakalabas ka na kung iyan lang naman ang pinaghihimutok mo diyan!” Tumayo na ito at humakbang palayo. Hinabol naman niya ito at yumapos sa katawan nito mula sa likod nito. After how so many years ay ngayon niya lang ulit nayakap ang kaniyang ama. Hindi siya yumayakap kapag na walang malalim na dahilan gaya nito. Lumayo ang damdamin niya rito simula ilang taon na nag-asawa ito. “Thanks, Dad,” mahinang sambit niya na pinigilan ang kaniyang emosyon. Masarap sa pakiramdam ang ganito. Para bang nakakauwi siya sa totoo niyang bahay kapag na nayayakap niya ang kaniyang ama. She could feel his dad stiffened. Natigil ito sa paglalakad at matagal na hindi nakagalaw. Maya-maya ay naramdaman niya ang malambing na paghaplos nito sa kaniyang kamay na nakayakap sa katawan nito. “Everything for you, Darling.” Iyon lang at bumitiw na ito sa pagkakayakap niya at mabilis ang mga hakbang na pumasok ito sa komedor para siguro mag-almusal na. Napasunod na lamang ang paningin niya sa likod nito habang papalayo ito. *** KINABUKASAN ay naitakip ni Sabrina ang unan sa kaniyang mukha nang marinig niya ang sunud-sunod na pagkatok sa labas ng pinto ng kaniyang silid. Nang hindi iyon tumigil ay napilitan siyang bumangon at napaupo sa kama. Kinusot niya muna ang kaniyang mga mata bago niya tinapunan ng tingin ang digital clock niya na nakasabit sa dingding na nasa paanan ng kaniyang queen size bed. Quarter to five. Iyon ang oras na nakasaad sa kaniyang orasan. “Damn!” Sino naman ang nagmamadali sa pagkatok sa kaniyang pinto sa ganito kaaga? Tumayo siya at tinungo ang kaniyang banyo. Matapos siyang maghilamos at mag-toothbrush ay nagmamadali na siyang lumabas sa kaniyang banyo. Hinablot niya ang nakapatong na roba niya sa rack at mabilis iyong isinuot. Nasa labas pa rin ang kung sino man na kumakatok sa kaniyang pintuan. “Bakit?” Iritado niyang tanong nang mapagbuksan niya ang isa sa mga katulong nila sa labas ng kaniyang silid. “Kanina ka pa po pinapatawag ng Daddy mo, Ma’am Sabrina,” nakayuko nitong tugon na para bang ilap na ilap sa kaniya. “Bakit daw ba?” Muling tanong niya. “Hindi ko po alam, basta pakibilisan mo lang daw, Ma’am,” alanganing sagot nito. “Alright. Sabihin mo, susunod na ako.” Nang makita niyang tumango ang babae ay isinara na niya ang pinto ng silid niya at nagtuloy sa walk-in closet niya para magpalit ng kaniyang damit. Nagsuot siya ng kaniyang hanging fitted blouse at cotton jogger pants. Pagkatapos niyang magsuklay ay lumakad na siya para babain ang kaniyang ama. Hindi niya alam kung bakit siya nito pinapatawag sa ganito kaaga. Natigil siya sa pagbaba sa huling baitang ng kanilang grand staircase nang mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang kaniyang ama na nakaupo at sa harap nito ay may lalaki itong kausap. Nakatalikod ito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit parang bumilis ang t***k ng kaniyang puso habang nakatitig siya sa malapad na likod ng lalaking nakaupo. From behind she saw his nice built. Malapad ang pangangatawan nito pero nasa tamang puwesto ang muscles nito. Nakahulma ito sa suot nitong kulay itim na t-shirt na parang braso ng isang babae na nakayakap nang mahigpit sa matipunong katawan nito. Parang dumagdag sa kaastigan na taglay nito ang ball cap na suot nito na itim din ang kulay. Hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan nang parang slow motion na humarap ito sa kaniya. Napalunok siya nang mahuli siya nitong nakatitig nang mataman sa likod nito. Awtomatiko ay napatingin siya sa mukha nito. Marami na siyang nakilalang guwapong mga lalaki. At hindi naman sa nagmamayabang siya pero never siyang nagka-boyfriend ng hindi guwapo. But looking at this guy in front of her made her heart skip a beat without her knowing why. Kakaiba ang dating ng isang ito kahit na magkasalubong ang malalagong mga kilay nito. Mapilantik din ang mahahabang mga pilik-mata nito na nababagay sa bilugan at mapupungay nitong mga mata. Mapupula rin ang mga labi nito na napapalibutan ng bahagyang humahabang stubbles nito. Ang mga labi na para bang hindi pa kailan man nahalikan. Oh, damn you, Sabrina Elyse! Masyado pang maaga. And to think na matindi ang interest mo na lumabas para makita mo na si Jonas! Pagalit na paalala ng isang bahagi ng kaniyang isipan. Pinilit niyang maging normal ang kaniyang umaga. Humakbang siya palapit sa lalaking ito at sa kaniyang ama. Noong ilang hakbang na lamang siya mula sa dalawang lalaki ay natigil naman siya sa kaniyang paglalakad. Paano kasi itong lalaki na ito ay hindi siya hinihiwalayan ng paningin nito. Gusto niyang magsisi kung bakit nagsuot siya ng maikling blusa. Doon kasi nakapirme ang paningin nito sa kaniyang tiyan na halos hindi na natatakpan ng damit dahil sa ikli niyon. Hindi naman siya naiilang magdamit ng mga damit na gaya nito. But in front of him para bang mortal sin ang pagdamit niya ng gaya nito. Iyong uri ng tingin nito na kaya siyang tunawin. Kakaiba sa tingin ni Jonas sa kaniya noong isang araw. Titig pa lamang nito ay parang kinakabahan na siya, to think na hind naman siya takot dito. “There you are, Sabrina!” Saka lang siya natauhan nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama. Mula sa kausap nitong lalaki ay lumipat ang kaniyang paningin sa kaniyang ama. “G-Good morning, Dad.” Lumapit siya rito at binigyan ng halik ang isang pisngi nito. Hindi rin niya alam kung bakit nauutal siya nang magsalita siya. Wala sa sarili na napatingin siya sa paligid, nagpasalamat siya at hindi niya nakikita si Marga na nandoon. Baka pagtatawanan pa kasi siya nito kung makikita nito na parang tensyonado siya. “Pinapatawag n’yo raw ako sabi ni Layla,” tukoy niya sa katulong na tumawag sa kaniya. “Puwede ka naman sigurong maupo habang nag-uusap tayo, Miss Ruiz.” Napatingin siya sa lalaking nagsalita. Ang ganda rin ng boses nito na parang kakabangon lang mula sa kama. Baritono at parang tinatamad na boses. And, oh dear, inutusan pa talaga ako sa aking gagawin sa loob ng pamamahay ko! The nerve of this man! Hindi niya sinunod ang sinasabi nito. Tinaasan niya rin ng kaniyang kilay ang lalaki. Hindi pa siguro isinilang ang taong mag-uutos sa dapat niyang gawin. Ang paghanga na meron siya kanina sa physical na anyo nito ay parang bula na biglang naglaho. “We can talk this way, Mr., isa pa, kahit na nakahiga naman ako ay puwede naman tayong mag-usap. Hindi naman siguro iyon makakaapekto sa topiko na gusto nating pag-usapan,” she rant. “Oh well, puwede ka nga talagang mahiga kapag mag-usap tayo. Especially, you wearing that thing. At sana sa pag-uusap natin na nakahiga ka ay tayong dalawa lang. Missing the presence of your Dad.” Tiningnan siya nito mula ulo niya at tumagal iyon sa katawan niya at sa bilugan niyang balakang. His smile slipped. At ewan ba niya kung bakit biglang may kumislot sa kaniyang dibdib sa uri ng ngiti nitong iyon. Kung ngiti nga bang matatawag iyon? Oh dear! Paano nitong sinabi ang vulgar na bagay na iyon sa harap mismo ng ama niya? Parang nakipag-bargain lang ito sa kaniya ng paninda nitong saging kung makapagsalita ito. Hindi ba nito alam na bastos na ang dating n’on sa kaniya? Talagang bastos, Sabie! Her eyes went round so as the color drained out of her face. Kailan man ay hindi siya nakakaramdam ng kahihiyan gaya ng ipinaparanas na ito sa kaniya ng lalaking ito. At kaharap pa mismo nila ang Tatay niya sa lagay na ‘yan, ha! Napatingin siya sa kaniyang Daddy. Gusto niyang malaman ang reaction nito. Nababstusan din ba ito sa sinabi ng lalaki gaya sa nararamdaman niya? But she got disappointed when she saw her Dad’s shoulder were shaking. Pinipigilan nito ang sarili nitong matawa. Her jaw dropped to knew his Dad’s reaction. Hindi niya alam kung magagalit siya rito, o mapapahiya sa sarili niyang mindset. Baka kasi siya lang naman ang nag-iisip na may ibig sabihin ang sinabi ng lalaki. Baka nga kasi wala naman. Pero maliwanag talaga na bastos ang sinabi nito. Sasabihin ba nito na puwede naman daw silang mag-usap nang nakahiga siya sa suot niyang ito, pero iyong dalawa lang daw sila at wala ang presensya ng Daddy niya. Damn, Sabie. Nakakabastos talaga! “Bueno, I came here to start my job for you,” balewalang anunsyo nito. Ang naisip naman niya nang sabihin nitong job ay ang gusto nitong mag-usap sila na nakahiga siya. Oh, heavens Sabrina, enough. Please, enough! Galit niyang suway sa kaniyang sarili. She managed to cough softly to clear her throat. She crossed her arms over her chest and knitted her brows as she look at him. And he gave her a lopsided grin. Muntik na ulit na mawala ang poise niya sa ginawa ng lalaki. Sa tingin niya sa lalaking ito ay mayabang ito. That’s it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD