CHAPTER 6

1153 Words
“Ano ang nangyari sa ‘yo kahapon, Sabrina?” Maawtoridad na tanong ng Daddy niya. Naabutan niya ito na nag-almusal. Kasama siyempre ang huwaran kuno na asawa nito. Tiningnan niya ito, parang interesado itong makikinig sa sasabihin niya. Ngayon niya lang itong nakikita na parang gustong-gusto na makikinig sa sasabihin niya kahit na hindi nakatingin ang Daddy niya sa mukha nito. “Kung ano ang nakita o nabasa n’yo sa news ay ‘yon na ‘yon, Dad,” malamig niyang tugon. Naupo siya sa isang bakanteng upuan at inayos ang platong nakataob sa mesa. Bigla siyang nagutom pagkakita niya sa mga pagkaing nakahanda. Hindi pala siya naghapunan kagabi. Ang last niyang kinain kahapon ay ang gawa ng Nanay Ramona niyang palamig sa kaniya. At anong oras pa iyon. “Nabaril ang sasakyan mo.” Hindi iyon tanong mula sa Daddy niya, pahayag iyon. Natigil naman siya sa pagkuha ng kanin. Ang una niyang tiningnan ay hindi ang ama niya kundi si Marga. Tila nagulat pa ito nang makita na umangat ang paningin niya rito. “Wala namang nangyari, Dad. Bulletproof ang sasakyan ko.” Nagkibit siya ng mga balikat niya at muling kumuha ng kanin. “At sa tingin mo ay hindi iyon seryoso?” “Hindi.” “Maldito seas!" Mura nito in Spanish, "anong hindi?” Magkahalong gulat at galit ang tono ng boses nito. “Alam ko. Dahil ipinarada ko pa ang sasakyan ko at saka binuksan ang bintana ng kotse ko, but the two jerks didn’t approach me. Kung seyoso silang patayin ako, eh, ‘di sana ay linapitan na nila ako. But they run like a scared robber who was caught by the cops,” sabi niya habang kumakain. Muling bumalik sa kaniya ang kilabot sa nangyari kahapon. Muling napapamura ang ama niya sa sinabi niya. “Kung balewala sa ‘yo ang buhay mo, Sabrina, ay hindi sa ‘kin uubra ‘yan!” Napatingin siya sa kaniyang ama. Seryoso ang mukha nito. “Ano ang ibig sabihin n’yo niyan, Dad?” “Ikukuha kita ng personal body guard mo. Iyong kaya kang protektahan sa lahat ng oras!” Walang gatol nitong wika. Parang naalibadbaran naman ang umaga niya dahil sa sinabi ng ama niya. Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kaniya. Hindi niya kilala kung sino man ang kukunin ng Daddy niya. Paano kung lalo lamang niyang ikakapahamak iyon? Wala siyang dapat na aasahan kundi ang sarili lamang niya. Wala siyang tiwala sa ibang tao. “Do you think kailangan pa iyan ni Sabie?” Agaw pansin naman ni Marga. “Of course!” Siguradong sagot ng ama niya. “Baka mas lalo lang na makukulong ang bata niyan, Rudy. Iisipin niya na hindi na siya makakakilos ng maayos dahil lang sa may nagbabantay sa kanya.” Matindi ang pagprotesta nito sa sinabi ng Daddy niya. At ayaw man niyang aminin pero nagtataka siya sa ikinikilos nito. Dati pa naman itong nagpoprotesta sa ano mang hangarin ng ama niya para sa kaniya. Pero kakaiba ngayon. Kung dati ay ginagawa lang nito iyon to despise her. Kakaiba ang nakikita niya sa babae ngayon. Dahil nais nitong harangin ang sinasabi ng ama niya. Nagnanais itong pigilin iyon. At wala siyang ideya kung bakit. “Hindi mangyayari iyan, Marga. Kukuha ako ng professional pagdating sa bagay na ‘yan. Kailangan ni Sabrina ang body guard hanggang hindi pa nalalaman ang motibo ng gumawa n’on sa kaniya kahapon,” determinadong sabi ng ama niya. “At huwag kang magdesisyon sa kung ano ang iniisip ko,” makahulugan at maanghang niyang tugon sa madrasta niya. “Sabrina!” Mariin naman na suway ng ama niya sa kaniya. “Totoo naman, Dad, eh. Hindi siya ang magdesisyon kung talagang nangangailangan ako ng body guard o hindi!” Ayaw niya ng ideya na magkakaroon siya ng tagapagbantay pero sa sinabi ni Marga ay nagbago na ang isip niya. Hindi niya ipapakita rito na susundin niya ang payo nito. Na kino-consider niya ang ano mang suggestions nito. She doesn’t want to satisfy her just like that. “Ang sa ‘kin lang naman ay inaalala ko lang naman ang kalayaan mo. Ayaw kong isipin mo na hindi ka malaya dahil sa may nagbabantay sa ‘yo.” Gusto niyang tumawa ng malakas dahil sa sinabi nitong iyon. Kailan pa ito naging concern sa damdamin niya? Oh, well, palagi pala kapag na kaharap nito ang Daddy niya. “Maging malaya rin si Sabrina kapag na mahuli na itong nagtatangka sa buhay niya. Hindi naman ito forever. At may alam akong isang tao na makakagawa niyon para kay Sabrina. Subok na maasahan ang isang ito. Kaya huwag mo nang alalahanin pa iyan.” Ipinagpatuloy na ng ama niya ang pagkain nito. Lihim niyang tiningnan ang madrasta niya. Hindi niya alam kung bakit parang namutla ito sa sinabi ng ama niya. Baka guni-guni niya lang iyon. “Sige, Dad. Pumapayag na ako sa gusto mo. Pero matapos ang gulong ito sana ay malaya na akong muli. I mean, matatapos na rin ang trabaho ng taong ito,” sagot niya na lihim na binabantayan kung ano ang maging reaction ng babae sa sinabi niya. Nakikita niya kung paanong nanlalaki ang mga mata nito. “Sigurado ako na mabilis na malulutas ito ng taong kukunin ko. Sa tingin ko ay sisiw lang ito sa kaniya, ang mga ganitong bagay. He is too expert and well-experienced. Pagkatapos kong mag-almusal ay sasadyain ko na siya sa kanila,” ani Daddy niya. “Sino siya, Rudy?” Tanong ng babae matapos itong uminom ng tubig. “Makikilala n’yo rin siya kapag magsimula na siya sa trabaho niya kay Sabie,” walang ano man na sagot ng ama niya habang hindi ito tumitigil sa pagkain nito. Kung siya lang ang tatanungin ay talagang ayaw niya ng suggestion na ito ng ama niya. Pero dahil nga gusto niyang ipakita kay Marga na mali ito sa iniisip nito ay pumayag na lamang siya. Isa pa, baka nga kailangan na niya talaga ang taong ito. Hinihiling na lamang niya na sana ay mapagkatiwalaan niya ito, gaya ng pagtiwala niya kay Lilo at sa Nanay Ramona niya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang silid para magbihis ng damit niya pang-swimming. Ayaw niya munang lumabas ngayon sa kanilang bahay. Naramdaman niya na hindi siya safe sa labas. Kaya minabuti na lamang niyang maligo na lang muna sa swimming pool nila. Saka na lang siya lalabas kapag na malamig na ang pangyayari at kapag na mayroon na siyang personal body guard. Nang muli siyang bumaba ay wala na ang kaniyang ama. Alam niya na umalis na ito. Naabutan niya sa puno ng hagdanan si Marga na hawak ang cellphone nito. Natigil ito sa pagsasalita nang maramdaman ang mga yabag niya. Nagpatuloy lang siya sa pagbaba at pinakiramdaman lang ang kilos nito. Ramdam niya ang pagsunod ng mga paningin nito habang bumababa siya sa hagdanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD