"Hindi ako interesado na malaman ang tungkol sa kung paano kayong naging manok ng pinsan mo sa dalawang araw." Itinaas niya ang kaniyang noo para ipakita na hindi siya tumawa sa kuwento nito. "Hindi naman iyon ang sasabihin ko sa 'yo, eh. Advance mo rin mag-isip, ano? Ang sasabihin ko sa 'yo ngayon ay kung gaano ka kaganda. May lakad pa ba tayo ngayon? Nakabihis ka kasi, eh." Titig na titig ito sa kaniya at bigla siyang nailang sa klase ng titig nito. Pati na rin sa compliment nito na maganda siya. Kung compliment ngang matatawag 'yon. Baka naman kasi bola. Iyon naman ang personalidad nito, eh. Nagsipulasan naman ang mga kasambahay nang makita siya ng mga ito. She gave them a warm smile. "Okay lang," sambit niya. Ikinagulat pa niya ang ginawa niyang 'yon. Hindi kasi siya dating ganito