"Dito ka makikikain? Apollo naman, baka naman puwedeng doon ka na sa loob kumain. Nakita mo naman na kasama ko ang boyfriend ko," halos maiiyak na paliwanag niya sa lalaki. Bakit ba ang hirap nito pakiusapan? "Bakit? Mauupo lang naman ako, eh. Hindi ko kayo iistorbohin." Humila na ito ng upuan at naupo ito roon. Napahilot siya sa sentido niya. Parang biglang sumakit ang ulo niya sa lalaking ito. Nagkatinginan sila ni Jonas. Parang maiiyak siya na ewan. Hindi niya alam ang gagawin niya sa mga sandaling ‘yon. Nakaka-stress na talaga itong si Apollo. Nang tingnan niya ito ay kumakain na ito sa mismong mesa nila. Para tuloy gusto niyang tumakbo sa gitna ng swimming pool at magpakalunod na lamang doon. Narinig niya ang pagtunog ng cellphone. Napatingin siya sa dalawang lalaki, kung sino sa m