Kinabukasan ay maaga pa nga siya nagising. nag-set talaga siya ng alarm, kaya 5:00 AM pa lang ay talagang nagising na siya kahit na halos hindi siya pinatulog sa pagkainis niya kay Francis Apollo Contreras. At ngayong araw na 'to ay magkikita na ulit sila ni. Nakaka-bad trip talaga. Matapos siyang maligo at mag-blower ng kaniyang buhok ay pumasok na siya sa kaniyang walk-in closet. Namili siya ng puwede niyang maisuot sa mga damit niyang nakahilera roon. Napangiti siya nang makita niya ang kulay silver velvet blouse niya na spaghetti strap. Binili niya pa iyon sa New York nang magbakasyon siya roon last year. It is a limited edition. Naghanap siya ng puwede niyang maipares sa damit na 'yon. "There you are, baby!" Bulalas niya nang mahagip ng paningin niya ang blue denim ripped mom jeans