Nagpasalamat si Sabie dahil noong dumilim na ay nakita niya si Apollo na bumaba mula sa kaniyang silid. Ito na talaga ang nagmamay-ari ng silid niya samantalang siya ay doon na lang tumatambay sa garden, sa library, at salas nila habang nagbabasa ng libro. Pinaangkin na niya nang tuluyan ang silid niya sa lalaking antipatiko. 'Di ba sarap ng buhay ng isang 'to? Natulog ito buong maghapon sa silid niya. Bumaba naman ito noong magtanghalian na, mukhang alam na rin ng mga tao sa bahay na ito ang role nito. Binigyan kasi kaagad nila ng pagkain ito, siguro ipinagbilin na ito ng Daddy niya. Pero matapos itong kumain ay kaagad din itong umakyat sa silid niya. Hindi na rin siya nito pinansin pa. Mukhang pagod na pagod talaga ang walang hiya. Ilang babae ba ang kinalaban nito kagabi? Naiinis na