"Salamat naman at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko sa 'yo, Sabie." Ang isang kamay nito ay ipinatong nito sa ibabaw ng kamay niya. Napangiti siya. "Oo naman, 'pag sinabi ko na darating ako, ay talagang darating ako niyan," nakangiti niyang tugon. Sinusandan niya ang ginagawa ni Jonas. Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya. "About your bodyguard, he is Francis Apollo Contreras, right?" tanong nito na hindi niya alam kung bakit sinadya nitong hinaan ang boses nito. Siguro nakikita rin nito na hindi magpapautang itong si Apollo kaya ayaw lang din nito ng gulo. "Yes. Don't mind him." Pinulot niya ang baso ng juice niya at sumimsim siya roon. "Hope I can invite you to dinner tomorrow night. Umuuwi naman ang bodyguard mo sa kanila kapag gabi, hindi ba?" Tanong nito na bahagyang tinapunan