"Ano ba?! Slow down!" Sigaw niya nang hindi na siya nakatiis pa. Magkakasakit na talaga siya sa puso. Hindi man lang ito nakikinig sa kaniya. Patuloy lang ito sa mabilis na pagpapatakbo nito sa sasakyan. "Slow down, please, Apollo! Please.." Naiiyak nang sabi niya dahil sa takot niya. Hindi na rin niya napansin ang ginawa niyang pagmamakaawa. Hindi siya dating ganito, but this man made all impossible be possible. Lalo lang siyang nakakadama ng matinding takot nang makita niya na ibang daan ang tinatahak nila. Hindi niya matandaan na may ibang daan na papunta sa kanila maliban sa mga main way. "Saan tayo pupunta?!" Magkahalong nerbiyos at pagtataka na tanong niya rito. "Maghahanap tayo ng gulo para ipaalam ko sa 'yo na hindi ako duwag gaya ng sinabi mo!" Malakas na sabi nito na hindi