Pagkatapos niyang magbihis ay mabilis na siyang lumabas sa kanyang silid bitbit ang susi ng kanyang sasakyan. Pagkababa niya sa kanilang living room ay naabutan pa niya doon si Marga na naka de kwatro ng upo sa magarang sofa nila at nagbabasa ng isang fashion magazine. Huminga muna siya nang malalim bago patuloy na lumakad at hinayaan na ito. Alam niya na sa ganitong oras ay wala na ang kanyang Daddy dahil nasa opisina na niya ito.
"Where are you going, darling?" Napilitan siyang huminto sa kanyang paglalakad at ikinuyom ng mahigpit ang mga kamay niya. Kung siya ang papiliin ay ayaw niya itong makausap ito kahit saglit lamang. Wala na siyang respeto sa babaeng ito, pero ayaw naman niyang masyadong bastos kaya pilit niyang iniiwasan ang makausap ito kahit saglit lang.
Muli siyang humakbang at pinapanalangin niya ng mataimtim na sana ay huwag na ito muling magsalita pa dahil kung magsalita pa itong muli ay hindi na niya mapipigilan pa ang kanyang sarili. Lalo pa at masyado pang fresh sa utak niya ang nangyaring sagutan nila ng Daddy niya kani-kanina lang.
"Sana ay huwag mo nang intindihin ang galit ng ama mo kanina, Sabbie. Alam mo naman ang Daddy mo—"
Hinarap niya ito at hindi hinayaan na tapusin ang sinasabi nito. Sinasabi na niya na huwag siya nitong galitin dahil oras na ginawa nito 'yon ay wala siyang pakialam kung asawa man ito ng Daddy niya.