CHAPTER 4

1357 Words
"This is it! Whoa!" Malakas na sigaw ni Apollo. Mula sa mataas na bahagi kung saan nagsisimula ang daloy ng tubig sa talon ay lumundag siya papunta sa gitna ng malalim na tubig. Sobrang taas ang talon na ito at sobrang lalim din ang tubig na binabagsakan n'on. Sa mga oras na ito ay muli niyang hiniling ang kaniyang kamatayan. Na sana sa pagbagsak niya sa gitna ng malalim na tubig ay mabubugok ang ulo niya sa bato at iyon ang maging dahilan ng pagkamatay niya. Pero mailap ang kamatayan sa kaniya kahit na matagal na niya iyong hinahabol. Kahit na natapos na ang kaso ni Caroline ay naroon pa rin ang hangarin niya na mamatay. He maybe sounded like a fool, pero gusto niyang mamatay siya sa madugong paraan. He also wanted a sudden death. "Damn it, Francis Apollo!" Sigaw ni Tyler sa kaniya na tumakbo pa sa tabi ng malalim na tubig. A big splash of a water made his cousins stunned and worried at the same time. Niyaya niya kasi ang apat na mag-inuman dito dahil kumalas na siya sa Underground Armored, bagay na matagal nang hiniling ng apat sa kaniya na gawin niya 'yon. Ang last na lamang niyang trabaho na related sa trabaho niya sa Underground Armored ay ang hiniling ng Daddy niya last time na bantayan niya raw si Sabrina Elyse Ruiz. Pero hindi pa niya alam kung kailan siya magsisimula, tatawagan na lamang daw siya ni Mr. Ruiz kapag magsisimula na siya sa pinapatrabaho nito sa kaniya. Good thing, dahil magkakaroon pa siya ng oras para sa kaniyang negosyo. He owns a biggest construction supply dominating the whole Philippines. "What the hell is he doing?" Mabilis din na lumapit sa tabi ni Tyler si Joaquin na pilit siyang inaaninag sa tubig na halos madilim na dahil sa sobrang lalim. "Oh, f**k! Where is he?!" Ang nakahiga na si Dean sa damuhan ay napatayong bigla at lumapit sa dalawa. "He must be out of his mind!" Naitapon pa ni Nathan ang hawak nitong bote ng beer dahil kaagad din itong tumakbo palapit sa tatlo pa nilang mga pinsan. "I'm still alive!" Bigla niyang inangat ang kaniyang ulo mula sa pagkalublob n'on sa ilalim ng tubig. He was holding his breath under the water for about five to ten minutes. Sinubukan niya kung mamamatay na ba siya sa paraang iyon. But hell, no! "Damn you, Apollo! Hindi ka pa rin ba tumitigil sa kahibangan mo na 'yan?!" Joaquin's facial expression made him laughed so loud. Magkasalubong ang malalago nitong kilay at tumatagis ang bagang nito. "s**t, Apollo! You could have at least warned us before you line yourself with death row!" Galit din na sabi ni Dean. "You are hell out of your head, Francis Apollo! Umahon ka diyan at matingan ko kung maayos pa ba ang puwesto ng mga buto mo!" Sigaw naman ni Nathan sa kaniya. "Mag-asawa ka na, Apollo! That way, hindi ka na padadaig sa tentasyon ng demonyo sa 'yo! You are enjoying that s**t!" Si Tyler na parang biglang nanghina na naupo nang pasalampak sa lupa. "Saka na lang kayo mag-alala kapag duguan at nakahandusay na ako! And, Doc. Nathaniel, sorry dahil wala kang tatrabahuhin sa 'kin ngayon, intact pa ang pagkakapit ng mga buto ko sa sa katawan ko!" He laughed and swam away from his cousins. Natawa pa siya lalo nang marinig niya ang halos chorus na mura ng apat dahil sa ginawa niya. Matapos siyang mapagod sa kaniyang paglalangoy ay umahon na siya. Lumapit siya sa cooler na may lamang mga inumin nila. Kumuha siya ng isang bote ng beer and he open it using his teeth. Kaagad siyang uminom, halos napangalahati niya ang laman ng beer. Inilapag niya ang bote sa tabi niya at walang anuman na hinubad ang suot niyang t-shirt. Ibinagsak niya rin ang kaniyang katawan sa damuhan. Nakapatong ang ulo niya sa pinagsalikop niyang braso niya. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang nakangiti dahil naalala niya ang mga pinsan niya na halos atakehin sa mga puso nila dahil sa ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit naaaliw siya sa mga ginagawa niya. Hindi na yata magbabago pa ang ganitong pananaw niya sa buhay. Iyong madugong kamatayan para sa kaniya. Kaya nga siya pumasok sa Underground Armored dahil nagbabakasakali siya na nandoon ang suwerte niyang mamatay. Hindi naman siya ang tipo na gusto na lang mamatay ng paganoon dahil kaya naman niyang gawin iyon. Puwede naman siyang magpakamatay, pero kakaiba ang mindset niya, eh. Normal pa ba siyang tao dahil ganito siya kung mag-isip? Gusto niya pa rin kasing mamatay na may laban muna siya. Iyong mag-ala Tyler Rake siya sa Extraction. Iyong matinding labanan ang mapagdaanan niya bago siya mawalan ng buhay. Iyong ilang beses na siyang na-head shot pero patuloy pa rin siyang lumalaban, na mauubos niya munang mapapatay ang kalaban niya bago siya. He's weird, but that is him. Anong magagawa niya? May mga laban na rin siya na nadaanan sa trabaho niya sa Underground Armored, pero sa tingin niya ay sisiw lang iyon. Hindi siya mamatay sa ganoong laban lamang. Kung baga ay mga small time lang na sindikato ang nakakalaban niya. Mayabang na ba siya n'on? Napangiti pa siya. Folks, hindi mayabang si Francis Apollo Contreras, sadyang ganito lang ako mag-isip. Mainis na kayo kay Francis Apollo, pero sasabihin niya sa inyo. Wala siyang pakialam! "Relax ka pa sa lagay niyan habang kami ay parang ibinagsak mula sa langit dahil sa ginawa mo?" Sermon ni Dean sa kaniya. Natawa lang siya na hindi niya binuksan ang mga mata niya. He's fed up of this line from his four cousins. "Nakikinabang din naman kayo sa kahibangan ko, hindi ba? Una, ikaw Dean, kapag na may problema ka kay Sandrine. Ganito sinasabi mo, Apollo, I need your help. And you, Joaquin, ganiyan ka rin, bubulabugin mo ako sa gabi, eh, kakapikit pa lang ng pagod kong mga mata. Alam ko na sasabihin mo, Apollo, please, get this information for me. Ikaw Tyler, mas malala pa dahil magkaklase pa tayo noong college. Palagi mong sasabihin sa 'kin, Apollo, what am I going to do now? Apollo, help me with Alex, please, nagagalit siya sa 'kin. Itong si Nathan ay mamanduhan pa ako nito, Apollo, huwag mo munang ituloy ang construction ng farm ayaw kong makalat dahil pupunta si Amara, doon. kahit na may deadline na hinahabol ang construction na 'yon. Huwag ako, uy! Ako na lang ang sumasalo sa problema ng mga love life n'yo!" Bumangon siya matapos ang mahabang litanya niya at muling tumungga sa bote ng beer niya. "Pero hindi ibig sabihin niyan ay type ka na naming mamatay," sagot ni Tyler na hindi inaalis ang paningin sa kaniya. "Pero balita ko, itong si Sabrina ay masama raw ang ugali," pag-iiba ng paksa ni Joaquin. "Huwag niya sa 'kin mapakita iyang ipinagmamayabang niyang sama ng ugali niya. Baka sa dalawang araw naming magkakasama ay babait siyang parang isang tupa." Mayabang pa niyang itinuro ang kaniyang sarili. "Pero maganda siya," si Nathan. "Hindi ikinagaganda ng isang babae ang pagkaipokrita. Sinisiguro ko na matuturuan ko siya ng leksyon. Iyang death threat niyang 'yan dahil iyan sa kasamaan ng ugali niya. If I know mga small time na tao lang naman iyan. Baka pa nga tinatakot lang siya pero hindi naman siya kayang patayin. Kung ako nga ang titingin sa kaso niya ay hindi naman talaga niya kailangan ng personal body guard. Ang tatay niya lang ang mukhang OA dito, eh, hindi nga takot ang anak niya." "Baka ibang leksyon ang ituturo mo sa anak ni Mr. Ruiz, Apollo?" Natatawa na tukso sa kaniya ni Joaquin. "Kung aabot naman sa ganiyan ang lahat, Joaquin, iisa lang ang ibig sabihin n'on, type niya ako. Pero sorry siya dahil hindi ko siya type!" Nakangising tugon niya. "Yabang, ah. Sige nga, titingnan namin five months from now kung sino sa inyo ang hindi type ang isa't-isa," si Nathan. "Ipupusta ko pa ang share ko sa farm na ito, pero hindi ako 'yon!" Sigurado sa sarili na sabi niya sa mga pinsan. Sabay naman na natawa ang mga ito sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD