CHAPTER 2

1127 Words
"Ano na naman ang ginawa mo?" Nahihimigan niya ang galit sa boses ng ama, nang maabutan niya ito sa dining table, isang umaga. Natigil naman siya sa ginawang pag-iinat nang marinig ang sinabing 'yon ng ama. She rolled her eyes upward, bagong gising lang siya, at masama namang bati ito sa umaga niya. "Ang alin dad?" Nagtatakang tanong niya sa ama, at kita niya ng ibagsak ng ama ang hawak nitong dyaryo sa mesa. Akmang tatayo ang madrasta niya para lapitan siya para kunwari ay aluin siya. Pero hindi pa man din ito nakatayo ng tuluyan nang tinaasan niya ito ng mga kilay niya. She even motioned her hands to her, na parang sinasabi niya na 'huwag na, kalma ka lang diyan'. Mabilis naman itong nakaintindi. Kung titingnan ay para itong napakauliran na asawa at balak na gampanan ang pagkaina sa kanya. But only her, and God knows that she only shows that attitude when her dad was just around. Marami ang napagdaanan niyang hindi magandang karanasan kay Marga. Inaasahan niya na ang daddy niya ang tanging tao na makakaintindi at malalapitan niya. Pero hindi nangyari iyon simula nang dumating si Marga sa buhay nila, noong sampong taon pa lamang siya. Siyam na taon siya nang mamatay ang mommy niya. At hindi niya alam kung bakit mabilis na nag-asawa ang daddy niya, kahit na wala pa halos isang taon simula ng mamatay ang ina niya. Hindi naman siya tutol, infact gustong-gusto pa nga niya, dahil nangungulila siya sa kalinga ng isang ina. But Marga wasn't an ideal for the role of being a fine mother. O, baka hindi lang siya nito gusto? Gano'n pa man ay hindi niya pa rin ito maintidihan, kung bakit kinailangan nitong gumawa ng mga bagay na ikakagalit ng ama niya sa kanya. Pilit niya itong inintindi noong una, thinking that she was just jealous of her, dahil nakikihati siya dito ng oras ng daddy niya. But as she grows old, unti-unti niyang nahahalata na hindi 'yon ang rason kung bakit nito nagawa ang mga bagay na 'yon sa kanya. Kung ano man 'yon, ay wala siyang ideya. "Hindi mo na talaga ako binibigyan ng hiya, Sabrina Elyse! Mas tumatanda ka, mas naging isip bata ka!" Galit na hinagis ng ama niya sa harapan niya ang dyaryo. Bumalandra iyon sa harapan niya, at bumulaga sa mga mata niya ang litrato niya. Kitang-kita doon ang pagbuhos niya ng juice sa ulo ni Rowell. And the caption, really made it bad. Parang bagay nga sa litrato niya. She lifted her face up. Hindi niya ipapakita sa harapan ni Marga na apektado siya. Matutuwa lang ito kapag makita siyang nasasaktan. Tiningnan niya pa ito at nginitian. Tumaas din ang kilay nito sa ginawa niya. "Dad, mas gugustuhin n'yo pa ba na madedehado ako ng taong manloloko? Hayaan mo na ang mga ganyang balita. News will naturally die, sa pagdaan ng mga araw. Tingnan n'yo bukas, o sa makalawa makakalimutan na ng mga tao 'yan, lalo na kapag may bagong trend na naman. Believe me!" Sabi niya sabay talikod at kumuha ng mug para magtimpla ng sariling kape niya. Natigil siya sa paghakbang nang maramdaman ang pagbato ng ama niya ng dyaryo sa likod niya. Napapikit ng mariin ang mga mata niya. Totoong hindi masakit, but it pained her heart that it could almost make her tears fall down. Pero hindi niya hinayaan na malaglag ang mga luha, lalo na at nakatingin si Marga. No way! Tumingala siya sa kisame para pigilin ang luha na nagbabadyang pumatak. Ikinurap-kurap pa niya ang mga mata para pakalmahin ang sarili. "C'mon Rudy, hindi mo dapat hinahayaan na umiral ang bugso ng 'yong damdamin. Huwag mo naman hayaan na masaktan ang bata," malamyos ang boses na sabi ni Marga. Naikuyom niya ng mahigpit ang mga kamay niya. Heto na naman ito sa drama nito. Kung siya ang tatanungin ay tatalunin pa nito si Angelina Jolie sa galing nito kung umarte. "Kaya lumalaki ang ulo niyan kasi palagi mong kinukonsinte. And just to remind you, hindi na 'yan bata, kaya nakakahiya sa pinanggagawa niya!" Hindi pa rin humupa ang galit ng ama niya sa kanya, at dahil na rin iyon sa panunulsol ni Marga sa ama. "Dad, mas nakakahiya kapag ilalathala diyan sa dyaryo na ang anak n'yo ay naglulupasay ng iyak dahil sa naluko ng isang walang hiya na lalaki. Isa pa, wala akong pakialam sa sasabihin ng iba," she managed to not cracked her voice, because of tears ready to fall down any time soon. "Ikaw wala, pero ako meron! Mahalaga pa rin ang sinasabi ng mga investors ko sa 'kin, tungkol sa 'yo! At ayaw kong darating ang araw na wala ng magtitiwala sa 'kin pagdating sa negosyo dahil sa mga pinanggagawa mo sa buhay mo!" Pagalit pa rin na sabi ng ama niya. And if you asked me what to do right now? All I wanted is to run to the place where I'll be alone. Na puwedeng isigaw ang lahat ng hinanakit niya sa buhay. "I'm sorry, dad. But I'm not sorry for what I've done dahil pinanindigan ko 'yon. Kung uulitin ang pagkakataon ay ganoon pa rin ang gagawin ko. I am sorry for you for feeling ashamed because of me," iyon lang ang sinabi niya. Hindi na niya hinintay pa na magsalita, either ang ama niya, o si Marga. Mabilis siyang humakbang palabas ng komedor at patakbong umakyat sa silid niya. "Sabrina Elyse, come back here! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Malakas na tawag ng daddy niya. But she was damn hurt to still hear him talking. Lalo lang nagpapabigat sa damdamin niya ang makita ang nakangising mukha ni Marga kapag hindi nakaharap ang daddy niya. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng silid niya nang makapasok siya. Patakbo din niyang tinungo ang kama niya, at padapa na ibinagsak ang katawan doon. Saka niya lang hinayaan na bumagsak ang masaganang mga luha mula sa mga mata niya. Hindi niya alam kung kailan siya maiintindihan ng ama niya. Kung kailan siya nito kakausapin at pakikinggan ang mga tampo niya sa buhay simula nang mag-asawa itong muli. Paulit-ulit lang ang tagpo nilang ito ng ama niya. Ni hindi nga niya maalala kung nag-usap pa ba sila ng usapang may sense simula nang dalhin nito sa bahay nila ang pangalawang asawa nito may ilang taon na ang nakalipas. Matagal niyang hinayaan ang sarili na umiyak bago makaisip ng gagawin niya. Tumayo siya at lumakad papunta sa banyo. Maliligo siya at may naiisipan siyang puntahan. Ayaw niyang magmukmok ng buong araw dito sa kanilang bahay na nasa paligid lamang si Marga. Nakakasira lang sa utak ang mag-isip ng seryosong bagay. Gusto niya ng masayang buhay, ayaw niya ng malungkot. That's why she was trying her best to be brave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD