CHAPTER 1

1208 Words
Nagpupuyos ang damdamin niya habang nakatitig sa loob ng restaurant. She saw her cheating boyfriend inside. Nakikita niya sa glass wall. They were pinching each other sweetly. At siya si Sabrina Elyse Ruiz, hindi mapapalampas kapag tinatapakan ang pagkatao niya. She rather drags her name in scandals than she just sit in one corner, while the other laughed and looked at her helplessly. She doesn't want that others will be pitied of her. Gusto niya hahangaan siya ng iba dahil sa tapang at lakas ng loob niya. At habang nakatingin siya kay Rowell na may kasamang iba ay umaandar na naman ang pagkabangis niya. She walks inside the said restaurant. Sinubukan pa siyang hawakan ni Lilo habang hinahabol ang malalaki niyang mga hakbang pero masyado siyang galit para pagtuunan pa ng pansin ang nag-aalalang si Lilo. Lilo is her only friend and best friend. Ito lang ang tanging nakakaintindi sa kanya kahit na sinasabi ng iba na masama ang ugali niya. Lilo never left her, ever since. High school pa lang siya ay kasa-kasama na niya ito. Maraming may ayaw sa kanya, and the feeling was just mutual. Ayaw niya din sa mga ito. Kampante siyang tumayo sa harap ng mesa ni Rowell nang sumapit siya doon. She faked a wide smile. Ayaw niyang ipahalata ang galit niya dahil sa tinraidor siya nito. Rowell face got pale. Nginitian niya ito ng ubod tamis kahit nagngingitngit na ang kaloob-looban niya. "You look sweet together. You two look good together, too," sabi niya na tinapunan ng tingin ang babae. Nakita niyang tinaasan pa siya nito ng kilay. Napaismid siya. Who told you that I'm affected? Gusto niyang sabihin but she chose not to. She just raised her brows, too. Huwag siya. "Hon, let me explain," Rowell tried to reach her hand, but she never allowed him to touch her. Never again. "Alam mo kong ano ang nababagay sa mga manlolokong tulad mo?" She looked around. And their scene just caught everybody's attention. Nakita niya ang pag-alala sa mukha ni Rowell. She laughed softly. Dahil kung siya ay wala siyang pakialam. Nakita pa nga niya ang ilan na kinukunan siya ng video. It will be a news break afterwards, but who cares? Mas may pakialam pa siya sa steak na kinakain ng dalawa. It looked gross, it's because she doesn't eat medium rare steak. Gusto niyang matawa sa naisip. "Sabrina, not here, please," halos magmakaawang sabi sa kanya ni Rowell. "Ganyan ka din magmakaawa noong liniligawan mo pa lang ako, Perez!" Sinadya niyang lakasan ang boses para mas marinig pa ng mga naroon ang sinasabi niya. Alam niyang maapektuhan ang trabaho nito. He's one of the best TV host on one of the variety show, in a famous TV station of the country. "Sabie, please. I'm begging for you right now. Halika mag-usap tayo sa labas," akma itong tatayo nang pigilan niya ito sa balikat. "When someone betrayed me once, I don't see any second chance for that someone. Kahit ngayon kaya kitang palitan Rowell, without begging someone to be with me. Kidding aside, kung papipilahin ko ang nanliligaw sa 'kin walang sinabi ang haba ng Edsa," tumawa siya ng malakas, habang nangangati na ang mga kamay niya na may gagawin sa dalawa. Well, everybody calls her b***h, and she stands with that. Pinapatunayan niya. Kinuha niya ang baso na may lamang shake. Nanlalaki ang mga mata ni Rowell habang sinusundan siya nito ng tingin. "Sabie, what are you trying to do?" "My first plan was to let you two on your date. Pero nagbago na pala ang isip ko. Gusto ko bago kita tuluyang ibasura papaliguan muna kita nito. Kayong dalawa pala, correction," sabi niya sabay buhos ng isang basong fruit shake sa dalawa. Napatayo ang babae at galit na sinugod siya. Natawa lang siya. "Don't push your luck! Hindi ako pumapatol sa mga tulad mong tanging pagme-make up lang ang alam gawin sa buhay," hinawakan niya ang braso nito na balak manampal sa kanya. Buong lakas niya itong ibinagsak. Nakita niyang napapangiwi ito sa sakit dahil sa ginawa niya. Nabali yata ang isang balikat nito. "And how about you? You wanna try me? Hindi porke babae ako, wala akong kayang gawin Rowell. Kasalanan mo at hindi mo man lang inalam ang totoong ako," nakangiti niyang tinitigan ang mukha nito na tila tinakasan ng kulay. Gusto niyang mapahalakhak sa itsura nito, basang-basa ang ulo nito sa ibinuhos niyang shake. "The end of the show!" Pumalakpak pa siya saka tinalikuran ang dalawa. Nadaanan niya ang babaeng nakaangat ang cellphone sa kanya. Hindi siya tanga para hindi niya alam na kinukunan siya nito ng video. Inaalala niya ang daddy niya kapag lumabas na naman itong issue niya na ito. Nalampasan na niya ito nang muli niyang binalikan. "Erase mo 'yan," sabi niya sa mapanganib na boses. Biglang nahintakutan ang babae nang makita na seryoso ang mukha niya. Hindi ito nakagalaw. Hinablot niya ang cellphone nito sa kamay saka pinakialaman na niyang burahin ang video. Matapos 'yon ay kinuha niya ang isang kamay nito saka inilapag sa palad nito ang cellphone. "Patay na naman tayo nito sa ginawa mo, Sabie," nag-aalalang sabi ni Lilo sa kanya. Hindi ito nakapagsalita kanina sa ginawa niya. Ngayon lang ito nakabawi. "Mas patay ako kung hinayaan kong hindi nakaganti sa manloloko na 'yon, Lilo. You know me, hindi ko mapapalampas kapag may tumatapak sa pagkatao ko," niyuko niya ang humulagpos na lace ng suot niyang boots. Inayos niya ang pagkakatali no'n. Naiiling lang si Lilo na nakatingin sa kanya. "Alam mo Sabie, hindi ko na mabilang kung ilang boyfriend na ang nagdaan sa 'yo, at nababahala ako na kada-break n'yo may eksena kang hindi pinapalampas sa mga lalaking 'yon," nababahala pa rin na sabi ng kaibigan. Natawa lang siya sa itsura ni Lilo. "Alam mo Lilo, parang kahapon mo lang ako nakakasama kung makapagsalita ka diyan. 'Di ba nga motto ko na mas mabuti pang mapapahiya kesa sa masaktan ako," kibit balikat na tugon niya "Ano kasi Sabie, ngayon na nag-break na naman kayo ni Rowell, hindi ka ba nasaktan? Mukha kasing hindi ,eh," nag-aalangan na tanong nito. Napapakamot pa ito sa sariling ulo. Malakas naman siya na natawa. "Naku Lilo basta mabigyan ko na ng hustisya ang pagtatraidor sa 'kin ng isang tao, parang guminhawa na ang pakiramdam ko. Parang wala ng ano man na sakit na nasa dibdib ko. Mas masakit kasi kapag hindi ko maiganti ang sarili ko," sagot niya. This time ay seryoso na siya sa sinasabi. "Kasi hindi mo talaga sila mahal. Pero ipupusta ko ang lupang kinatitirikan ng bahay namin kapag makatagpo ka na ng lalaking totoong bibihag sa puso mo, hindi na ganyan ang mararamdaman mo. Ilista mo na itong sinasabi ko ngayon sa 'yo, Sabie," muli siyang natawa ng malakas. Saan naman ito kumukuha ng ganoong ideya? "Baliw, hindi mangyayari 'yon. Baka dadami lang silang umiyak ng dahil sa kin," itinaas niya ang noo. Naiiling na lang si Lilo. Alam kasi nito na hindi siya nito matatalo sa argumento. Nawalan na siya ng ganang mag-shopping kaya niyaya na lang niyang umuwi si Lilo. Patungo na sila sa parking area ng mall kung saan nakaparada ang kanyang paboritong luxury car. Lexus brand. Her dad's gift to her just last year.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD