CHAPTER 5

2136 Words
Habang nagmamaneho si Sabrina sa kaniyang sasakyan ay tinawagan na niya ang kaibigan niyang si Lilo. “Where are we going, Sabie?” Halatang inaantok pa na tugon ni Lilo nang sagutin nito ang tawag niya. “Let’s go shopping, Lilo. Sagot ko na. Pumili ka ng kahit na anong gusto mo, ako ang bahala,” pamimilit niya rito nang mahalata niyang parang walang gana si Lilo na umalis sa araw na ito. “Akala ko pa naman ay yayain mo akong maghanap ng trabahao ngayon, mukhang may sense pa yata ‘yon. Pero dahil sinabi mong libre mo ako today. Sige na nga lang,” kunwari ay napipilitan nitong sagot sa kaniya. “Alam ko naman na hindi mo ko mahihindian kapag libre na ang pag-uusapan, eh.” Natatawa siya sa kaibigan. “Naman! Mahirap tanggihan iyang libre mo, eh. Minsan lang ako makakabili ng mamahaling bagay ‘no! At hindi ko naman mabibili ‘yan kung mula sa sarili kong bulsa. Saka na kapag na makahanap na ako ng afam!” Lumakas naman ang tawa niya sa obsession ng kaibigan niya. Naiinggit kasi ito sa mga Pinay na nakikita nito sa mga internet na nakapag-asawa ng mga foreigner, kaya ganito ang mindset nito. “Diyos ko, Lilo! Kung gusto mo lang naman ng mga mamahaling gamit, hala sige, ibibili na kita. Pero sobrang na-bother lang ako sa ambisyon mo na ‘yan na mag-asawa ka ng afam. Saka, Lilo, mukhang mga exotic beauty lang yata ang gusto ng mga afam na ‘yan. Hindi kagaya mo na mestisa. Sobrang ganda mo, Dear!” And she’s not lying. Lilo is so beautiful. Ang namatay kasi nitong ama ay isang full-blooded Korean. Nakuha nito ang singkit na mga mata at kutis ng ama nito, pati na ang balingkinitang katawan nito. “No more argumentation, Sabie. Saan tayo magkikita?” Nahimigan na niya ang excitement sa boses ni Lilo. Kaya hindi na rin siya nagpaliguy-ligoy pa nang sabihin niya ang isang sikat na mall kung saan niya gustong makipagkita kay Lilo. Linakasan niya ang volume ng stereo sa kaniyang sasakyan. Naghe-head bang pa siya habang sinasabayan niya ang masayang tugtugin na kasalakukuyang tumutugtog ngayon. Paborito rin niya ang kantang ito. Ang astig kasi ng Lyrics, eh. Kanta iyon ni Gayle na ABCDEFU. Astig, eh. Kantang hindi pabebe. Malapit na siya sa mall na sinasabi niya kay Lilo nang biglang makarinig siya ng putok. Para bang nasa bintana lang iyon ng sasakyan niya. Napamura siya nang muli niyang marinig ang isa pa ulit na putok. “Damn!” Pasigaw niyang sabi nang isa pa ulit na putok ang narinig niya. Itinigil niya ang sasakyan niya sa gilid ng daan. Alam niyang hindi na biro ito. Nang mai-park niya nang maayos ang sasakyan niya ay kaagad niyang binuksan ang dashboard ng sasakyan niya. Kinuha niya ang baril niyang nakatago roon. May lisensya iyon at inilalaan niya iyon sa mga pangyayaring kagaya nito. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya at plano sanang paputukan ang kung sino man ang nagbabalak sa kaniyang buhay. Pero bago pa man niya iyon nagawa ay nakita na niya ang papalayong motorsiklo na may dalawang lalaking nakasakay na nakasuot ng helmet at itim na pantalon at itim din na longsleeves. “Go back here, bastards!” Sigaw niya pero mabilis iyong nawala sa paningin niya. Ni hindi niya nakuha ang plate number ng motorsiklo o kung meron nga niyon. Akala ng mga ito ay matatakot siya ng paganoon lang? No way! Pero may konti rin siyang kaba na nararamdaman. Kung hindi pala pinasadya ng ama niya na gawing bulletproof itong sasakyan niya ay paniguradong nabura na siya sa mundong ito ng ganoon lamang kadali. Nanginginig ang katawan niya na napasandal siya sa backrest ng kotse niya. Noon lang siya nakadama ng kaba nang ma-realize niya ang nangyayari. Pinatay niya ang stereo ng sasakyan niya at mariing ipinikit ang mga mata niya. Nasa ganoon siyang ayos nang marinig niya ang malakas na serena ng patrol ng pulis. Dahan-dahan niyang binuksan ang bintana ng sasakyan niya nang may kumatok doon. “Miss Ruiz! May nakakita ng pagbababaril sa ‘yong sasakyan. May nakapag-report sa aming tanggapan, kaya kaagad kaming nagresponde rito? May tama ka ba?” Pilit na sinisipat ng pulis ang kabuuan niya mula sa bintana ng sasakyan niya. Umiling siya. “Hindi ako nasaktan. Good thing dahil bullet proof itong sasakyan ko.” Sinikap niyang maging matapang ang kaniyang boses kahit na sa totoo lang ay may kaba pa sa kaniyang dibdib. “May nakaaway ka ba na matindi, Miss Ruiz?” Tanong nito sa kaniya. “Kaaway? Marami ako niyan. Alam ko na alam n’yo ‘yan,” walang paliguy-ligoy na sagot niya. Totoo naman, ah. Isa pa, alam niya na alam ng mga ito na marami siyang kaaway. Na may pagka-war freak siya. Mag-deny man siya ngayon ay walang halaga ‘yon. Palagi siyang laman ng pahayagan, eh. “Siguro isa iyan sa mga gumawa sa ‘yo nito, Miss Ruiz. Puwede ka ba munang sumama sa presinto, para makunan ka namin ng statement? Para mapadali natin ang kaso mo na ‘to.” Tiningnan niya ang pulis. Ganito kasi siya, kinikilatis niya muna ang isang tao. Mapanghusga siyang tao, ayaw niyang kaagad magtiwala sa hindi niya gaanong kakilala. Dala siguro ng mga karanasan niya sa buhay kung bakit siya ganito. Tanging si Lilo at ang Nanay Ramona niya ang pinagkatiwlaan niya ng lubos. May tiwala naman siya sa Daddy niya pero hindi sa asawa nito. “Puwede namang dito n’yo na lang ako kunan ng pahayag ko. Hindi ko na siguro kailangan pang pumunta sa presinto n’yo. You can ask me questions here, same, if I am in your office, right?” Alanganin na tumango ang pulis sa sinabi niya. Maya-maya ay kumuha na ito ng ball pen at notebook nito. Inilista nito ang ilang detalye na nakukuha sa kaniya. At wala siyang inilihim o ipinagsinungaling sa mga sagot niya sa bawat tanong nito. “Tatawagan kita kapag may development na sa nangyari sa ‘yong ito, Miss Ruiz,” sabi nito matapos ang ilang katanungan sa kaniya. Itiniklop na nito ang maliit na notebook at isinilid sa bulsa ng uniporme nito. “Okay,” maikling sagot niya. “Can I leave now?” dagdag niya. Pinayagan naman siya ng pulis. Kaagad niyang isinara ang bintana ng kotse niya at pinatakbo iyon ng mabilis. Nawalan na siya ng ganang gumala kung kaya’t ipinasya niya na lamang na bumalik na sa kanilang bahay. Sa daan ay tinawagan na niya si Lilo na hindi na sila matutuloy. Labis naman ang pag-alala ni Lilo sa nangyari sa kaniya. “Naku, Sabie. Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo, eh. Ang huli mong sinaktan ay si Rowell at ang bago niyang girlfriend. Hindi kaya sila ang may kagagawan niyon sa ‘yo?” Natawa siya sa boses ni Lilo. Para itong maiiyak dahil sa matinding pag-alala sa kaniya. “Kung sino man siya ay wala akong planong alamin. Isa pa, nananakot lang ang mga iyan. Noong binuksan ko ang bintana ng kotse ko ay parang mga ulol naman na nagsitakbo ang mga iyon palayo sa ‘kin,” sagot niya. Pero sa totoo lang ay kinakabahan din naman siya pero ayaw niyang ipahalata iyon sa iba. Mas natatakot siya ay mas tatakutin siya ng kung sino man ang nagpaplano sa buhay niya. At hindi makakatulong iyon sa kaniya. “Huwag kang papasiguro, Sabie. Baka hindi ka lang natyempuhan sa ngayon. Nasaktan ka ba?” “Wala nga. Parang sira ‘to, paulit-ulit sa tanong.” She laughed so hard to cover the tensed she has right now. “Pupuntahan kita sa inyo,” mungkahi nito. “Huwag na muna, Lilo,” napaseryoso na wika niya. “Baka masundan ka nila at pati ikaw ay madamay pa.” “Eh, ano kung madamay ako? Magkaibigan tayo, Sabie. Deserve mo ang support ko. Teka nga muna, maaaring kilala mo ang taong gumawa niyan sa ‘yo. I mean iyong alam ang bawat galaw mo. O baka pinasubaybayan ka na talaga, alam niya kung saan ka pupunta, eh.” Matagal niyang pinag-isipan ang sinabi ni Lilo. May point si Lilo. Maari nga na malapit sa kaniya ang taong ito. At simula ngayon ay wala na siyang pagkakatiwalaan pa, maliban kay Lilo at sa Nanay Ramona niya. Mabuti na iyong nag-iingat siya. “Sige na, Lilo. Tatawagan na lang kita, nandito na ako sa labas ng bahay,” sabi niya nang matanawan niya ang mataas na gate ng kanilang bahay. Sunud-sunod siyang nagbusina at hindi nagtagal ay binuksan ng kanilang hardinero ang gate para sa kaniya. Nang pumasok siya ay naabutan pa niya ang madrasta kung saan niya ito iniwan kanina. Abala ito sa binabasa nitong magazine, at sobrang maaliwalas ang mukha nito. Matagal siyang tumayo para mag-obserba sa bawat kilos nito pero parang wala naman siyang kakaibang nakita sa babae. Humakbang na siya papasok at naagaw ng mga yabag niya ang atensyon nito. Kaagad siya nitong tiningnan. “Akala ko ba ay aalis ka?” Gulat na tanong nito sa kaniya. “Hindi ko kailangang sabihin sa ‘yo ang bawat gagawin ko. Hindi kita Nanay para gawin ko sa ‘yo iyon,” malamig niyang sagot sa tanong nito. “Itong bata na ito ang sakit talaga kung magsalita–” hindi na niya pinansin ito. Nagtuloy-tuloy na siya sa komedor. Kailangan niyang magpalamig muna. “Nanay Ramona!” Bulalas niya nang makita niya ang matanda na may ginagawa roon. Kaagad siyang lumapit sa matanda at yumapos nang sobrang higpit. Gusto niyang maiyak nang malakas noong nakayakap na siya sa matanda pero hindi niya gagawin iyon. Alam niya na mag-alala ang matanda kapag na umiyak siya ng walang rason. “Itong batang ito talaga, oo! Ano ba ang nangyari sa ‘yo?” Nag-alala itong humahaplos sa buhok niya. “Gusto ko lang pong kumain ng palamig na gawa n’yo po. Puwede po ba?” Buong lambing na sabi niya sa matanda. Ayaw niyang may mahalata ito sa kilos niya. Hindi siya nito tatantanan kapag na alam nito na may hindi magandang nangyari sa kaniya ngayon lang. “Kow, eh! Iyon lang pala kung bakit payakap-yakap ka pa diyan, eh! Sige na, hintayin mo lang diyan at gagawa ako para sa ‘yo.” Tumalikod na ito para gawin ang request niya. “Iyong maraming ice po, ha?” Hirit niya. “Sinabi mo, eh.” Pumasok ito sa dirty kitchen para doon gawin ang request niya. Mabilis niyang pinahid ang luha na nangilid sa pisngi niya nang mawala ang matanda sa paningin niya. Hindi niya alam kung kanino siya magtiwala. Gusto niya sanang may mag-comfort sa kaniya pero walang gagawa niyon sa kaniya. Si Lilo ay ayaw niya munang makipagkita sa kaibigan niya, ayaw niyang madamay ito sa mga nangyayari sa kaniya. Ang Dad niya? Ayaw niyang sabihin din sa Daddy niya dahil tiyak na sermon lang ang aabutin niya, lalo kapag pumapel ang asawa nitong daig pa ang pang-Oscar ang award sa acting. Pero alam niya na malalaman ng Dad niya ang nangyari dahil sigurado siyang laman na naman iyon ng balita dahil may police report iyon. Baka nga ngayon ay nasa balita na talaga iyon, eh. Tumingala siya para tuluyang mawala ang luha na gustong kumawala sa kaniyang mga mata. Hindi nagtagal ay bumalik na si Nanay Ramona dala ang hiningi niyang palamig na palagi nitong ginagawa sa kaniya at paborito niya. “Tatapusin ko lang ang ginagawa ko, Sabie,” Paalam nito matapos nitong maiabot sa kaniya ang hiningi niya. Tumango lang siya. Gusto niya sanang habulin ito at pigilan. Gusto niya muna sana na may nakakausap siya at may nakakasama. Subalit magtataka ito kung gagawin niya ‘yon, at magtatanong talaga ito kapag na ginawa niya ‘yon. Kaya wala na siyang nagawa pa. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito kung sakali. Ayaw niyang mag-alala ito sa kaniya. Inubos niya ang inihanda nitong palamig sa kaniya at mabilis na siyang lumabas ng komedor. Hindi niya gustong maabutan siya rito ng madrasta niya. Pumasok na siya sa kaniyang silid at nang dumaan siya sa salas ay hindi na niya nakita pa si Marga roon. Wala na rin siyang pakialam kung nasaan man ito ngayon. It’s non of her business kung ano ang gagawin nito sa buhay nito. Nang makapasok siya sa kaniyang silid ay doon niya pinakawalan ang damdamin na kanina pa niya kinikimkim. Malaya niyang iniiyak ang nangyari sa kaniya kanina. Sa silid na ito ay malaya niyang pinapakawalan ang sarili niya. Ito ang talagang sakisi sa mga hinanakit niya sa buhay. Dito niya inaamin na hindi naman talaga siya totoong matapang. Ang silid na ito ang may alam kung paano siyang minsan manghina. Dito niya hinuhubad ang kaniyang maskara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD