CHAPTER 9

1739 Words
"Mukhang masiyadong tanghali ang oras ng paggising ng anak mong ito, Tito Rudy. Sa tingin ko kasi ay hindi pa tuluyang nagigising ang kaniyang diwa sa mga oras na ito," ani Apollo sa ama niya. Ang Dad niya ang kausap nito pero sa kaniya naman nakapako ang paningin nito. Pangalawang beses na siyang napahiya sa lalaking ito. At hindi na nasisiyahan si Sabrina sa tabas ng dila nito. Lumapit siya sa kinauupuan nito at naupo siya sa armrest ng mismong kinauupuan nito. Sumusobra na ito, ha. Akala ba nito kung aatras siya nang paganoon lang? Hindi pa nga naipanganak ang makapag-dominate sa kaniya, 'no! Naramdaman niya na natigilan si Apollo sa gunawa niya. He stiffened. Dama niya iyon sa balikat nito na dumikit sa katawan niya. Intentionally, she slightly brushes her body to his shoulder. She looked at his facial expression then. He looks like a little bit upset. Idinikit pa niya lalo ang katawan niya. Tingnan lang niya kung magsusungit pa ito. Gusto niyang matawa nang makita niya ang paggalaw ng adams apple ni Apollo, tanda na napalunok ito sa ginawa niya. Sige, magmatapang ka pa. Hindi mo pa kilala ang isang Sabrina Elyse. She thought devilishly. "Hindi pa nga tayo pormal na magkakakilala ay ang dami mo nang sinasabi na observation sa 'kin. Huwag gano'n," sinadya niyang hinaan ang boses niya. Gusto niyang ito lang ang makakarinig sa sinabi niya. Inakbay pa niya ang isang braso niya sa sandalan ng kinauupuan nito. Napatingin si Apollo roon. She wanted to stir up his morning. Tumawa naman ito. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pagtayo. "Tama ka, hindi ko pa pala ipinakilala ang sarili ko sa 'yo. Ganito kasi ako ka observant, eh. Sa unang kita ko pa lang sa isang tao ay alam ko na ang hulma ng personalidad nito. Isa iyan sa mga trabaho ko, Sabrina Elyse Ruiz. I already knew you, ikaw na lang ang hindi nakakakilala sa 'kin. By the way, I am Francis Apollo Contreras." He held out his hand to her for a handshake. Siya naman ang natigilan sa ginawa nito. Napatingin siya sa nakalahad nitong kamay. Nang hindi siya gumalaw ay kinuha na ni Apollo ang isang kamay niya at kinamayan siya. Shit. Pati pakipagkamay sa kaniya ay marunong talaga itong magkusa. Tama ba ang nakuha mong body guard na ito para sa 'kin, Dad? Gusto niyang itanong iyon sa Daddy niya. Baka kasi nagkamali lang ang ama niya sa taong napili nito. Hindi niya sukat akalain na ganito pala ka antipatiko ang maging bantay niya. Sa tingin niya ay hindi sila nito magkakasundo kahit na mas hot pa ito kay Bucky Barnes. Nang lumapat ang mga palad niya sa palad ni Apollo ay parang biglang may malaking boltahe ng kuryente ang sumanib sa palad niya mula sa mga kamay nito. It went straight to her heart. Tumigil kasi ang t***k ng puso niya. Especially, he's looking at her eyes keenly. Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi rin niya kayang alisin ang paningin niya sa kulay blue-gray na mga mata nito. He has a beautiful set of eyes, symbolizes his personality. Napakapit siya nang mahigpit sa upuan nang marinig niya ang pagtikhim ng kaniyang ama. Saka niya lang na-realize na matagal palang nasa ganoon ang tagpo nila ni Apollo. Binawi niya ang kaniyang kamay at padausdos na naupo roon sa upuan na gamit ni Apollo kanina. Bakit kasi nawawala siya sa kaniyang sarili? "Kilala mo ako siyempre, dahil palagi naman yata akong laman ng news," sabi niya nang makabawi siya sa pagkabigla sa ginawa nito. "News? May knowledge akong tao, Miss Ruiz. Alam ko some of it was fake, and some were true. Pero kung ano pa man iyon ay wala akong pakialam. Kilala kita dahil personal kung inaalam ang bagay tungkol sa taong kinasasangkutan ng trabaho ko. Don't worry, I haven't yet read those shameful news about you," he used that kind of voice that full of disgust. Is he disgusted with her? Ano naman pakialam ko? Nang ma-realize niya ang sinabi nito ay napatayo siyang bigla. How dare him! "Shameful? Paanong nalaman mo na shameful iyon kung hindi mo naman pala binasa?" Mataas ang boses na sabi niya. Instead of planning to stir up his morning, it bounced back to her own morning! Damn! "Sabrina!" Her dad warned her. Apollo, walks towards the sofa and take a seat there, carelessly. Kita mo na? Natutuwa pa ang herodes na ito na parang ito ang pinapanigan ng Dad niya, eh! Binalingan niya ang kaniyang ama, "Dad, are you sure na siya ang maging body guard ko? Mukha po kasing siya ang maging boss ko, eh!" Reklamo niya sa kaniyang ama. Nakita niya kung paanong pigilin ng ama niya ang pagtawa dahil sa sinabi niya. "Hindi ako nagkakamali, Sabrina. Apollo is one of the best. Hindi kita bibigyan ng ikakapahamak mo, darling. Just believe me, so as to Apollo. At hindi ka makakalabas ng bahay kung hindi si Apollo ang kasama mo, Sabie. Bueno, aalis na ako." Gusto niyang pigilin ito nang tumayo na ito. Ayaw niya sa Apollo na ito. "Ikaw na ang bahala sa anak ko, Apollo. Buong puso ko siyang ipinagkakatiwala sa 'yo," bilin nito kay Apollo. Saka siya nito muling binalingan. "You'll be free going anywhere, but... you must be with, Apollo." Kinuha nito ang attache case nito na nakapatong sa isang bakanteng upuan at lumakad na ito palabas sa kanilang bahay. Napahabol na lamang ang paningin niya sa likod ng kaniyang ama habang papalayo ito. Hanggang sa tuluyang mawala ito sa kaniyang paningin. "Nakapag-isip ka na ba ng pupuntahan mo sa araw na ito? Kung hindi pa, ay marami akong alam na mga pasyalan na siguradong magugustuhan mo." Napatingin siya sa nagsalitang si Apollo. Relax pa itong nakasandal sa upuan na animo'y wala itong sinabi na kabalastugan sa kaniya kanina. "Bakit mo ba ako uutusan? Mas marunong ka pa yata kaysa sa 'kin!" Inirapan niya ito. Ikinairita niya lalo nang marining niya na tinawanan siya nito. "To be honest, Miss high level etc., tama ka, I am more knowledgeable than you. Huwag kang masaktan dahil iyan ang totoo. How old are you? 23, 24, or 25? Ako naman ay 32 na at--" "I'm not interested about your age--" "Kalma. Advance ka masiyado. Patapusin mo muna kasi ako. Hindi ko sinasabi sa 'yo ang edad ko to catch your interests." Tumawa pa ito bago nagpatuloy, "Sinasabi ko na 32 na ako at ikaw ay nasa edad na binanggit ko para ipaalam sa 'yo na hindi hamak na mas nauna akong ipinanganak kaysa sa 'yo. That explained everything. Kung hindi mo pa gets, ito sasabihin ko na sa 'yo, hindi hamak na mas marami akong alam sa buhay dahil sa agwat ng edad natin, kung ikompara sa 'yo. Hindi ako nagbanggit ng mga edad natin para sabihin na baka babagay tayo dahil sa edad na 'yan." His laughter almost filled their house. Iyong tawa na masiyadong mapang-asar. "Wala kang sense na kausap! Antipatiko!" Hindi niya alam kung bakit mabilis siyang magalit ngayon dahil sa lalaking ito. "Antipatiko? Me?" Turo nito sa sarili nito. "Baka simpatiko." He stretched forward his long and muscled legs. "Oh, damn!" Tanging naiusal niya dahil sa inis sa lalaking ito. Inis niyang tinalikuran ang lalaki. Mabilis ang hakbang na ginawa niya para umakyat sa itaas. Mas gugustuhin na lang yata niya ang huwag na lang umalis ng bahay kung itong lalaki lang rin lang ang makakasama niya. Hindi niya kilala ang lalaki at ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking kagaya nito. Nasanay siya na tinitingala siya ng mga kalalakihan at hindi niya kailan man naisip na may ganito palang lalaki na nabubuhay dito sa mundo. "Dito lang ako maghihintay kapag na kailangan mo ako!" Malakas nitong sabi nang medyo malayo na siya rito. "I won't be needing you!" Ganting sigaw niya. "Then stay here in your house for the rest of your life! Hindi rin ako aalis dito kung hindi sasabihin ng Daddy mo na aalis ako!" Hindi na lamang siya sumagot dahil kapag pinatulan pa niya ito ay lalo lang nitong sisirain ang araw niya. Nang marating niya ang silid niya ay pabalya niya itong binuksan at halos mayanig iyon nang isara niya iyon noong makapasok na siya. Ibinagsak niya ang katawan niya sa kama. Tuluyang nawala ang antok na nararamdaman niya kanina bago siya lumabas sa silid na ito. Alien ba itong si Apollo? O baka naman human robot ito na binili ng Dad niya abroad? Mukha kasing walang hiya at wala rin itong damdamin. Hindi nagtagal na nakahiga siya nang tumunog ang cellphone niya. Padabog niyang hinablot iyon sa kaniyang bedside table. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Bagong numero. Kaagad na pumasok sa isip niya si Jonas. Napangiti siya for the first time sa umagang ito. Excited niyang sinagot ang tawag nito. "Hello, Jonas!" Excited niyang bungad. Hindi na niya hinintay pa na magsalita muna ito. "Jonas, who? Boyfriend mo? Mukhang pangalan pa lang ay hindi na mapagkatiwalaan." Napatuwid siya ng higa. Dahil sa ginawa niya ay hindi niya napansin ang portable laptop table niya na nasa gilid lang ng kama niya. Bumangga ang ulo niya sa kanto n'on. Nasapo niya ang nasaktan niyang ulo. Malakas din siyang napamura sa matinding sakit ng ulo niya. "Paano mo nakuha ang numero ko?" Inis niyang sabi nang makilala ang boses ng lalaki na kinaiinisan niya sa baba. "Nahulog ka ba sa kama mo? Hell! Did it hurt your butt?" Naitampal niya ang isang kamay niya sa sariling ulo niya. Uubusin ba talaga ng lalaking ito ang pasensya niya? Human robot nga talaga siguro ito! "Anong kailangan mo?" Inis niyang tanong. Para pa siyang maiyak sa sakit ng ulo niya na bumangga sa mesa. Dumagdag pa ang lalaking robot na ito! "I just wanted to check you, baka kasi hindi ka safe diyan. And about your number, bago ko sinisimulan ang trabaho ko sa isang tao ay nakukuha ko na ang lahat ng info ng isang tao, kaya huwag ka ng magtaka kung marami akong alam tungkol sa 'yo--" Hindi na siya muli pang nagsalita. Hindi niya rin hinayaan na matapos ang sinasabi nito. Inis niyang pinatay ang kaniyang cellphone at nagtalukbong ng kumot. God, please help me get through this biggest challenge I have right now. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, wishing that everything was just a nightmare na magigising siyang hindi pala totoong nag-e-exist itong si Francis Apollo Contreras sa totoong mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD