Hindi na puwede itong ginagawa ng lalaking ito. Galit niyang hinablot ang cellphone niya sa kama. Maingat siya habang pinupulot niya iyon dahil baka masagi niya ang katawan ng lalaki na halos akupahin na nito ang buong kama niya sa haba at laki nitong tao. Nang nasa kamay na niya ang kaniyang cellphone ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Kaagad niyang tinawagan ang kaniyang ama. "Dad, this can't be!" Bulalas niya nang sagutin ng ama niya ang kaniyang tawag. "What is it this time, Sabrina?" Tanong naman sa kaniya ng ama niya sa paraang wala itong interes sa sasabihin niya. "Dad, this man you got for me is too confident. Hindi puwede itong ginagawa niya!" Pagalit niyang sumbong sa ama niya. She's rambling. She got so upset for the first time of her life. Wala na rin siyang pakialam