Natahimik naman kaming dalawa ni Ice habang patingin-tingin sa dinaraanan namin. Hayst. I really miss my life back then, I really miss my people kneeling in front of me, begging for my mercy, begging to spare their useless life. Tsk. I miss eliminating those traitors even my business everything. I miss everything. Bumalik na lang ako sa katinuan ko ng hinila ako ni Ice, nagpadala nalang ako sa hila nya total alam nya rin naman ang pasikot sikot sa bayang to. "Ate gusto ko po dito." Iginala ko naman ang tingin ko sa buong tindahan "I--" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng makitang wala na sa tabi ko ang makulit na tigre. Asan na naman yun? Kahit kailan ka talaga Ice kung sa-- "Master." Agad akong napatingin sa bandang gilid ngadinig ko ang bosses ni Ice. Napataas ang kilay ko