ADVENTURE
The cold metal leeched the warmth of my hand. Its shape seemed suit perfectly into my grasp as if it had always belonged there.
Sumilip ako sa scope ng hawak kong DSR-precision DSR 50 Sniper Riffle, its one of my babies na kararating lang last month. And now gagamitin ko siya para sa isang espesyal na tao.
He's very very special to me.
Napangisi ako ng mahagip ko siyang papalabas na ng building niya, nakapalibot pa ang mga guards niyang wala namang mga kwenta. My jaw clenched tightly, goodness nanggigil talaga ako kahit nakatingin lang sa kan'ya.
"And there you are stupid weak creature, how dare you stole my money," I muttered slowly.
Nag-iinit talaga ang ulo ko sa tuwing naalala kong nanakawan ako ng 700 billion sa sarili kong kompanya tss. This shark! He will pay for that. I'm gonna make sure, he will regret his remaining seconds in this world.
I targeted his forehead, and without hesitation I pulled the trigger. I grin widely nang makita ko kung paano natumba ang walang buhay niyang katawan sa lupa, nagsisimulana ring magpanic at magtilian ang mga taong nakapaligid sa kan'ya.
"You're now paid old man," bulong ko habang nakatingin pa rin sa baba gamit ang scope. Napairap nalang ako, kahit kailan talaga napakabobo pa rin ng mga body guards na kinuha niya. Hindi man lang siya tinulungan. I pity for his soul, napaaga kasi ang paghatid sa kan'ya kay Satanas. Ibinalik ko nalang ulit sa loob ng bag ang dala kong armas at nilinis ang posibleng magagamit na ebidensya.
Well, killing is good when it's safe. Pagkatapos kong linisin ay agad akong umalis doon.
Pasipol-sipol akong bumaba ng building at sumakay sa heavy black bugatti veyron ko at pinaharurot iyon. Dumeritso ako sa Head quarters ng Alpha. My Gang.
"My lady," nakayukong bati ng nagbabantay parking lot nang makalabas ako ng kotse. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagdire-diretso lang ng lakad. Pagpasok ko sa main door ng mansyon, humihiyaw na si Tristan agad ang nabungaran ko, nakatalikod siya sa pwesto ko. Nakaupo siya sa couch habang parang tangang sigaw nang sigaw sa harapan ng CP na hawak niya.
Dumukwang ako para sumilip sa screen niya at tama nga ako, ang kinaaadikan ng mga kabataan ngayon ang tinatawag nilang mobile legends. Anyway, siya ang kanang kamay ko sa grupo, sa tuwing wala ako siya bahala sa lahat. He's a trustworthy man kahit may pagkatililing siya ay napakahusay naman niya sa trabaho.
Nanatili lang akong nakatayo habang malamig na nanonood sa kan'ya. Maya-maya ay tila napansin n'yang may matang nakatitig sa kan'ya, nag-angat siya ng ulo. Agad na nanlaki ang mata niya nang makita ako sa harapan niya, sandali muna siyang natigilan bago kumurap-kurap, tinaasan ko siya ng kilay.
Ano? Tutunganga lang ba s'ya d'yan?
Mabilis siyang napatayo, and he spread his arms as if his welcoming me and smiled widely like an idiot. "Welcome back, my Empress"
Napairap ako sa hangin ng maramdaman ko ang paghagod ng titig niya sa kabuuan ko.
Sumipol pa siya. "Woah sexy." Muntik pang bumaon sa noo niya ang isang kutsilyong hinagis ko kung hindi lang siya nakaiwas.
"Shut up, manyak!" Napangiwi naman ako nang ngumuso siya.
"Grabe ka naman sakin, 'di naman ahh, totoo naman sinasabi ko eh." Hindi ko naman mapigilang mapaikot ng mata.
"Tigil-tigilan mo yang kakanguso mo ha, baka hilahin ko yang nguso mo"
"Oo na. Kumusta naman ang lakad mo?" Parang bula na nawala ang pagkainis ko sa kan'ya at napalitan ng isang ngisi.
"Ayon patay na ang lintek."
"Malaki rin ang nakuha niya sa kompanya mo ha," nakalabing wika niya na sinang-ayonan ko naman. Hindi naman ako maghihirap sa halaga ng kinuha niya pero pera pa rin yon. In this cruel world, Money is important.
"Yeah I know."
That traitor! Tss he's getting on my nerves. Sarap niyang patayin ng paulit-ulit.
"Kayo na ang bahala sa mga natitirang traydor sa loob ng Aiala, naiintindihan mo 'ko?" Sumaludo pa siya.
"Clear as Crystal, Madame," nakangiting tugon niya inirapan ko na lang siya bago tumalikod.
Dumiretso ako sa opisina ko, ngunit napatigil ako at pinulot ang red card na nasa ibabaw ng mesa. Binuksan ko iyon, another invitation card, a cruise ship party. Umupo ako sa swivel chair.
I am known for being the most riches woman alive, in the whole world. Kaya palaging full ang sched ko para sa mga parties at business trip. No time for the other things, only my business and my organization. I'm a famous gangster in underground society. Halos sambahin ng lahat ang lupang nilalakaran ko, my word is their life because I'm their ruler. A gangster Empress to be exact.
Nabalik ako sa diwa ko ng bumukas ang pinto, pumasok doon si Butler Sam. He bowed he's head. "Mistress, ito na po ang susuotin niyo sa party mamaya."
Hindi ko siya pinansin bagkus ay hinarap nalang ang gabundok na papel na nasa ibabaw ng mesa ko.
Napaangat ako ng ulo ng bumukas ulit ang pinto. "Mistress, Ms. Maklov is already here." Biglang nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko.
"Papasokin mo," utos ko. Yumuko naman siya bago nilakihan ang pagkabukas ng pinto.
"Pasok ka na po Ms. Maklov?" magalang na saad niya. Mayamaya ay isang sopistikadang babae ang pumasok sa pintuan. She's wearing a white sando, pinatongan ng cream color blazer, with her cream pencil skirt, and a white killer heels. Tumayo ako upang salubongin siya ng isang malamig na tingin.
"Based on your outfit today, I can see that may hinatid ka na naman kay satanas."
I mentally groaned. Hindi pa nga pala ako nagbibihis.
"May kailangan ka." That's not a question, it's a statement. Natawa pa siya sa ng mahina.
"You're too straightforward, Ms. Aila"
"Mind if offer me some coffee or tea first?"
"Okay, chill may ipapatrabaho lang ako" Biglang nawala ang mapanlarong tono at napalitan ng isang malamig na boses. Naglapag siya ng folder, kinuha ko iyon at binuksan. It's a profile of a person.
"I want to take that person down."
She mean is ipapapatay niya saamin ang taong ito. Yeah, we also do this sometimes, but iilan lang ang nakakaalam na gumagawa kami ng ganito. Hindi nga lang magiging madali ang bayad. Masyadong mabigat para sa isang ordinaryong CEO lang. Tiningnan ko ulit siya sa mata.
"You know my rule."
She grin widely. "Of course."
"200 billion dollar is it enough?" dagdag niya pa. Napatango-tango ako, saka tumayo.
Inilahad ko ang kamay ko, tinanggap naman n'ya.
"Deal." Nakangiting tagumpay niya itong tinanggap.
"I'm leaving."
"Sa diyaryo mo nalang makikita ang resulta."
Lumingon siya sakin bago tumango at tuluyan ng lumabas. Tiningnan ko ulit ang folder.
"Crizza Kristel White," mahinang basa ko.
Hmm...Crizza Kristel White? Sa pagkakaalam ko siya ang CEO ng CK clothing line. Mahigpit na katunggali ng Maklov clothing line. Napailing nalang ako.
Poor lady. Mukhang magtatapos na ang maliligayang araw niya sa mundo. Oh well, this is business world, kung hindi ka titira ng pailalim, ikaw ang bibiktimahin.
Napaangat ako ng tingin sa pinto, pumasok doon si Tristan. Hinagis ko ang folder na agad naman niyang nasalo.
"Your mission."
Kunot noo niyang binuksan ang folder tapos ay ngumisi. Tss I know that smirk, he's really p*****t.
"Do whatever you want," mahinang saad ko.
"Noted boss," huling sabi niya bago lumabas. Sa lahat ng tauhan ko, siya ang pinakamabilis na kumilos, at nakakatapos agad ng mission. He's not called lightning for nothing.
Napatigil ako ng biglang mahagip ng mata ko ang invitation card. s**t, may party pa nga pala akong dadalohan.
Nagmamadali akong lumabas at dumiretso sa parking lot. I climbed into my car saka pinaharurot hanggang sa mansyon ko upang maghanda.
I'm wearing my Black halter neck na may slit hangang sa gitna ng hita ko, may mga desinyo din itong mamahaling bato sa may dibdiban, with my hair tied in a bun may mga ilang strand pa na nakalaglag sa mukha ko and my black killer stiletto.
Pagpasok ko pa lang ay dinagsa na ako ng mga business man. I groan. Another form of hell for me.
Napabuga ako ng hangin at pabagsak na napaupo sa isang couch. I sigh. Walang kang ibang nakikita dito, kundi madilim na lugar. Geez nakakapagod silang kausap, paulit-ulit lang naman sinasabi nila.
Anyway nasa isang mamahaling cruise ship ang venue ng party. Even here in the upper deck ay wala kang ibang mikikita sa paligid, kun'di ang mga nag-uusap na mga business man and woman. Sinandal ko na lang ulo ko tapos ay pinikit ang mga mata ko. All I hear is a sound of waves and dolphins,
Ngunit agad akong napamulat dahil sa malakas na tili ng isang babae. She's in her white mermaid strapless dress but something is in her eyes, nakatingin lang siya sa'kin ng may galit sa mata.
"THERE'S A BOMB!!" she shouted horribly. Mabilis akong napatayo at napatakbo papunta sa edge ng barko, but before I could reach the steel...its already too late.
Isang malakas na pagsabog ang narinig ko bago dumilim ang lahat.