Dinukot ko sa secret pouch ng damit ko ang supot na may iba't-ibang klase ng bato. Kumuha ako ng dalawa piraso ng ruby at isang piraso ng emerald, malaki-laki din ang halaga ng mga batong iyon, ayon sa nabasa ko. Ibinalik ko ulit sa bulsa ko yung supot, bago lumapit sa counter. Nakita ko don ang isang matanda, actually hindi naman masyadong matanda, nasa mid 40s pa 'ata? May hawak s'yang magnifying glass at isang rose quartz. "Ehem!" Pang-aagaw ko sa atensyon n'ya. Napataas naman s'ya ng tingin sakin at lumapit siya hawak ang isang magnifying glass. "Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, binibini?" Napataas naman ako ng kilay. "Ano ba itong tindahan mo?" Malamig kong tanong, may pagkatanga din 'tong matandang 'to eh. "Sanglaan ng mga dyamante," tugon pa n'ya "Exactly," mataray na s