ICE'S POV Pagkatapos naming kumain bigla akong siniko ni Pula. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Mabait ba 'yan?" Nguso n'ya kay ate na ngayon ay busy na patingin tingin sa paligid. Halata talaga sa mukha niya ang na bago lang siya sa paligid. Weird weird n'ya pa hays. Napaigtad ako ng bigla akong sikohin ni Pula ang kamay ko, sinamaan ko siya ng tingin. "Ano?" Nakataas pa ang dalawa niyang kilay na para bang naghihintay talaga sa sagot ko. "Oo naman," agad kong sagot "Nga pala ba't kayo napunta dito, diba nasa east side kayo ng isla?" tanong ko sa kanila nagkibit balikat lang siya. "Magkasabay na namatay ang amo namin," singit ni asul na ikinangisi ko "Mabuti nga sa kanya, eh halos di na kayo pakainin ng bwesit na 'yon." Sinamaan naman ako ng tingin ni Pula "Tumahimik ka nga, kah