ICE'S POV Patuloy lang ako sa pagtakbo ramdam ko ang pagbigat ni master pero, mahigpit pa rin s'yang nakakapit sa balahibo ko. Sariwang-sariwa pa rin sa memorya ko ang pagsagip ni master sa'kin. (FLASHBACK) Tumatakbo lang ako sa kakahoyan no'n in my tiger form, para maghanap ng pagkain. Mabilis na pumintig ang tainga ko nang makarinig ako ng mahinang tunog ng mga naapakang tuyong dahon. Oh s**t! Huli na ang lahat para umiwas, nakaramdam nalang ako ng biglang pagsakit ng tagiliran. "Natamaan ko!" dinig kong sigaw no'ng lalaki "Hulihin sya!" tumatawang hiyaw ng isang matanda, dahan-dahan na ring lumabo ang paningin ko at nagsisimula na ring mamanhid ang paa ko. Tumakbo ako papalayo, wala akong planong magpakain sa mga 'yon taong iyon. Mahal ko pa ang buhay ko. Tumakbo lang ak