CHAPTER 5: Hope

1205 Words
"Sige na, dalhin mo na 'yan sa sasakyan. Ano pa bang hinihintay mo?" "Eto na nga. Ano na naman ba kasi ang nangyari kay Sir? Malalagot na naman tayo nito kay Ma'am Geolina." "Huwag ka ng marami pang tanong. Pati nga ako ay natataranta na rin dito." I woke up in the familiar voices around me. I tried to get up but I felt very heavy and I could still feel the pain all over my body. "Oh, gising ka na pala, Iho. Hay naku, ano ba naman kasi ang nangyari? Kumusta ang pakiramdam mo? Ano ang masakit sa 'yo? Inabutan ka namin sa sala nitong resthouse na walang malay, marungis at tila binugbog ka ng sampong kabayo! May nakapasok ba ditong magnanakaw? Anong kinuha sa iyo at nasaan na ang mga kasama mo dito?! Bakit nag-iisa ka na lamang? Naku, kapag nalaman na naman ito ng mommy mo, talaga palalayasin na kami niyon, anak. Bakit ka ba kasi hindi nag-iingat?!" sunod-sunod na sabi ni Yaya Tess at nakikinita-kinita ko ang paghihisterya niya sa aking harapan. But I was immediately taken aback when I remembered what had just happened. "Yaya, where are the people with me here? Did you check in their rooms?" Kaagad kong tanong kay Yaya at pinakinggan kong mabuti ang isasagot niya. "Eh wala na nga kaming inabutang ibang tao dito kundi ikaw na lamang? Ano ba kasi talaga ang nangyari? Nagsabog ang mga gamit sa sala. Nangabasag ang mga vase doon." Kaagad akong binalot ng matinding pangamba para kay tita Hazel at Hescikaye. So it's possible that those people got them. "Where's my phone? Did you see it?" "Wala dito, iho. Walang akong nakitang cellphone. Kanina pa nga namin iyon tinatawagan pero operator lang ang sumasagot." Pakiramdam ko ay para akong sinakluban ng langit at lupa. Muli akong bumangon kahit nananakit ang katawan ko. I thought about calling Silver but I knew they were in a big operation right now. And I also can't remember any of their contact numbers. "Iho, kailangan na nating umalis dito. Pinasusundo ka na ng mommy mo. Malubha ang kalagayan ng daddy mo at kailangan ka niya ngayon. Maawa ka naman sa daddy at mommy mo, sundin mo na ang mga ipinag-uutos nila," ramdam ko ang pagmamakaawa ni Yaya Tess sa kanyang tinig. I feel like I'm a f*****g loser. I did nothing to save the people who were kind to me. I'm a damn useless! "Anak, marami ka pang magagawa sa buhay. Marami ka pang matutulungan kung hahayaan mo ang sarili mong magpagamot. Hindi ba at iyan ang propesyon mo? Ang makatulong sa mga tao. Natatandaan mo pa ba na ipinaglaban mo ang kagustuhan mong iyan sa daddy mo? Patunayan mo sa kanya na karapat-dapat ka sa propesyon mong 'yan. Magpa-opera ka na. Hindi pa huli ang lahat." Natahimik ako sa sinabi ni Yaya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. *** "Kaye! Open this damn gate or I'll f*****g destroy it!" I was stunned from walking when I heard a familiar voice screaming from afar. "Sino ba 'yong sumisigaw na iyon? Tonyo, tingnan mo nga kung sino 'yon. Parang may tao sa gate ah," utos ni Yaya Tess sa aming driver. "Meron nga, Ka Tess. Eh parang gusto na yatang akyatin ang gate eh, pagkataas-taas niyon." We continued walking out of the resthouse. Nararamdaman ko ang pag-alalay ni Yaya Tess sa akin kahit kabisado ko naman ang paligid at may hawak naman akong tungkod. "Hey! Can you please open this gate?! I want to talk to Kaye! Is she there?!" Napako ako mula sa kinatatayuan ko nang makilala ko na ang tinig ng boyfriend ni Hescikaye. "Yaya, pakibuksan ng gate," utos ko sa kanila. "Oh sige, eh sino ba ito?" Naramdaman ko naman ang mabilis na yabag ni Yaya Tess palayo sa akin. Ilang sandali lang ay naramdaman ko naman ang mabibilis na yabag palapit sa kinaroroonan ko. "They are not here," I said as soon as I felt he was close to me. Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. "D-Did something happen here? Where did they go?" ramdam ko ang pagtataka at pag-aalala sa kanyang tinig. Siguradong napansin na niya ang hitsura ko. Alam kong marami akong pasa sa mukha at mga braso dahil nananakit pa rin ang mga ito at ramdam ko ang pamamaga. "I don't know," sagot ko at segundo lang ay naramdaman ko na ang mabilis niyang paglapit sa akin at paghila sa kuwelyo ng damit ko. "Why don't you know?! You're here with them!" sigaw niya sa mukha ko at ramdam ko ang matinding galit sa kilos at tinig niya. "Can't you see that I'm blind?" I pushed him hard, hindi ko alam kung saang bahagi ng katawan niya ko siya naitulak. "You're the one who has an obligation to them, so you're the one who should be watching over them." "You know nothing!" sigaw niyang muli sa akin. "Iho, tama na 'yan. Huwag mong saktan ang alaga ko," pag-awat naman sa kanya ni Yaya Tess. "Hindi ba sila nagpaalam sa 'yo?" bigla namang huminahon ang kanyang tinig. Inalala kong mabuti ang nagdaang pangyayari. Baka sakaling may makuha akong clue kung sino ang mga taong iyon at kung saan nila maaaring dalhin ang mag-ina. "Kaye, run! Ugh!" I still shouted at Hescikaye followed by a series of fists that hit different parts of my body. "Geoffrey!!" Hescikaye shouted loudly but I finally lay down on the floor. Pinilit ko pa ring bumangon ngunit malalakas na tadyak ang naramdaman ko sa aking likuran, mga braso, binti, mukha at ulo. "Kaye!!!" tinig ni tita Hazel ang huli kong narinig. "Dalhin ang mga 'yan! Kailangang madala kaagad sila sa isla bago sumapit ang hatinggabi!" "Areglado, boss!" That was the last thing I remembered before I fainted. Island. Biglang sumagi sa isipan ko ang papasuking operasyon ng Delta Org. Silver and Aegia explained it all to me in case they convinced me to have eye surgery. Magdalene Island. The island of the Montgomery family at kunektado ang mag-ina na ito sa pamilyang iyon. "You better go to the apartment they are renting in Manila. Baka sakaling abutan mo pa doon ang mga kaibigan niya," i said to him. That was the only idea I could think of that he could do. "What? I don't understand you. Sabihin mo na lang sa akin kung saan sila nagpunta!" "I heard an island. I don't know where that is. Mas mabuting sundin mo ang sinasabi ko bago pa mahuli ang lahat." Hindi siya pwedeng pumunta doon ng mag-isa dahil maaari siyang mapahamak kung totoo man ang hinala ko na doon nga dinala ang mag-ina. So, he had to go with the agents so that they could protect him too. Naramdaman ko naman ang kanyang pananahimik. "Did something happen here? Where did you get your bruises?" "Umalis ka na. Wala na akong maitutulong." I immediately got into the car. Kailangan ko nang tapusin ang usapan para makaalis na siya at pwede niya pang abutan ang grupo ng mga agents. "f**k!" I could feel the frustration in his voice following the quick footsteps away. Napahinga na lang ako ng malalim. Sana ay magtagumpay siyang mailigtas ang babaeng mahal niya. Sana ay hindi siya matulad sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD