CHAPTER 4: Inutil

1258 Words
Geoffrey Kinagabihan ay pabaling-baling ako sa higaan. Drowsiness doesn't visit me and I can't get my mind off what my mom said a while ago about having an eye donor. Sa totoo lang ay wala na akong plano pang magpa-opera ng mga mata ko. I want to accept this punishment 'cause I just deserve it. I no longer have the right to assume and ask for forgiveness from heaven 'cause life has been lost because of me. My chest tightened as Elise's face reflected in my mind. Her smiles were so beautiful as she stared at me, so my conscience pierced me even more. 'Patawarin mo 'ko, mahal ko. Ako ang may kasalanan ng lahat. I wanna accompany you wherever you are right now.' I could feel my tears streaming down the side of my eyes. I wiped it off immediately and decided to get up. Biglang kumalam ang aking tiyan kaya minabuti ko na lang bumaba ng kama at lumabas ng aking silid dala ang tungkod ko. The whole resthouse was still so quiet and I could still hear the chirping of crickets outside since this house has balconies that are open and just let the fresh and cold breeze enter here inside. Kaya alam kong gabi pa rin, siguro ay magmamadaling araw na sa mga oras na ito. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang nakahawak sa pasimano nito at kinakapa ang bawat baitang gamit ang tugkod na hawak ko. Nagtungo ako sa kusina at maingat na nangapa ng mga pagkain sa loob ng refrigerator. Alam kong palaging may nakahanda ditong pagkain na sinasadyang iwan ni tita Hazel para sa akin if I ever get hungry. I no longer know how I can repay all the good she does for me. Hescikaye is so lucky to have a very good mother. I hope I can do something for them. I know their situation right now. Nagtatago sila mula sa mga taong naghahanap sa kanila. Pero anong magagawa ng isang bulag? I took a plastic bowl from the refrigerator and smelled its contents. Mas lalo akong nagutom nang malanghap ko ang mabangong amoy ng dinuguan. Ito pa rin 'yung ulam namin kagabi. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ng microwave at ininit ito. Sa ilang buwan kong paninirahan dito ay nasasanay na rin akong kumilos ng mag-isa kahit hindi ko sila nakikita. Kailangan ko lang tandaan kung saan sila naroroon. Ilang beses na rin naman akong nanatili sa resthouse na ito noong ako ay nakakakita pa dahil kay Silver. This is where I used to go when I needed to be alone and away from Elise for a while. Muli akong napahinga ng malalim. Nang tumunog ang microwave ay nangapa ako ng kahit anong panapin sa kamay at maingat na kinuha ang bowl mula sa loob nito. Kumuha na rin ako ng plato, kutsara at tinidor. Kinapa ko ang kinaroroonan ng rice cooker at binuksan ito, alam kong palaging nagtitira dito ng kanin si tita Hazel. When I got everything I needed, I went to the table and ate quietly. Ilang minuto ang ginugol ko sa pagkain bago ko naisipang magtimpla ng kape. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit dito sa kusina. Pinakiramdam ko itong mabuti hanggang sa maramdaman ko ang isang presensya na pumasok dito sa loob. I can also feel her momentary pause. Maybe she was surprised to find me here in the kitchen at this hour. Yeah, I know she's a woman dahil si Hescikaye at tita Hazel lang naman ang alam kong kasama ko ngayon dito sa resthouse. "Kakain lang ako," dinig kong sabi niya. Hescikaye. I didn't answer and just continued drinking coffee. Naramdaman kong muli ang kanyang mga yabag at ingay ng mga plato at kubyertos sa lababo. Sumunod ay ang paglapit niya dito sa mesa at tahimik na kumain. Alam kong naiinis siya sa akin dahil sa ipinakita kong kabastusan sa kanya noong unang salta niya dito. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko dahil ang ayoko sa lahat ay ipinamumukha sa akin na wala akong kakayanan sa sarili ko dahil lang bulag ako. Nang maramdaman ko ang ingay ng upuan at alam kong tumayo na siya ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hindi magsalita nang maalala kong nagmamatigas siya at tinitiis niya ang kanyang ina na hindi kausapin. "Being rocky is not good," I said without emotion. "Ako ba ang kinakausap mo?" she asked. "I should be the one telling you that." I can feel the sarcasm in her tone. I didn't answer but just seconds later we heard a crash that I think came from the resthouse living room. Kaagad sumibol ang kaba sa dibdib ko at nabuhay bigla ang aking dugo. "Hey, stay there." I immediately stopped her as I stood up quickly. "What?" she asked but I ignored her. I hurried to the kitchen door even though I couldn't see it. I was still holding my cane and poking it on the floor. Ilang kalabog pa ang aming mga narinig. I continued walking towards the living room. Ilang presensya ang naramdaman kong nakapasok dito sa loob kaya naman mas lumakas ang kabog ng dibdib ko at walang iba akong naiisip sa mga sandaling ito kundi ang mag-ina na kasama ko dito, ang kaligtasan nila. Aegia also informed me last night that she'll also be leaving due to the heavy operation that the group will carry out. Mas binabagabag ang kunsensya ko dahil sa mga sinasabi niya sa akin. I know the group needs me but my heart and my mind are still arguing. "Who are you? G-Geoff..." Hescikaye's voice is what I heard from my side and fear can be traced to it. Naramdaman ko rin ang paghila niya sa laylayan ng aking damit. "Sumama ka na lang sa amin ng maayos, Miss," I heard the voice of an unfamiliar man who I think was in front of us. Napatiim-bagang ako at napakuyom ang aking kamao. "H-Hindi. Anong gagawin niyo sa akin. Sino ba kayo?" sagot ni Hescikaye. Ramdam ko rin ang matinding kaba na kanyang nararamdaman. "Umalis na kayo," I strongly command them. "Huh! Anong magagawa ng isang bulag?" maangas na saad ng isa kaya naman nagpanting ang tainga ko at sumiklab ang galit sa dibdib ko. "Geoffrey!" biglang sigaw ni Hescikaye kasunod niyon ay naramdaman ko ang mabilis na kilos patungo sa aming kinaroroonan. Pinakiramdaman kong mabuti kung saang bahagi ko siya naroroon bago ako umiwas sa parating na lakas na dadapo sa mukha ko. Sa pag-ilag ko ay saka ko siya pinaulanan ng suntok sa dibdib, paitaas na alam kong sasapol sa kanyang baba at tagiliran na sasapol naman sa kanyang pisngi. Ngunit pagkatapos niyon ay naramdaman ko na ang sunod-sunod na paglapit sa akin ng karamihan at alam kong wala na akong magagawa dito. "Kaye, run! Go inside!" sigaw ko na kay Hescikaye habang pilit kong pinakikiramdaman ang bawat bahagi ng kinaroroonan ng aking kaharap. May ilan akong tinamaan ngunit halos mahilo ako at nagmanhid ang ulo ko nang may malakas na tumama sa sentido ko. "Kaye, run! Ugh!" I still shouted at Hescikaye followed by a series of fists that hit different parts of my body. "Geoffrey!!" Hescikaye shouted loudly but I finally lay down on the floor. Pinilit ko pa ring bumangon ngunit malalakas na tadyak ang naramdaman ko sa aking likuran, mga braso, binti, mukha at ulo. "Kaye!!!" tinig ni tita Hazel ang huli kong narinig. 'Patawad tita Hazel, isa akong inutil!' naibulong ko sa aking isipan bago tuluyang kinain ang aking ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD