bc

Her Beauty In His Eyes (Tagalog-R18)

book_age18+
19.2K
FOLLOW
99.0K
READ
spy/agent
arrogant
brave
twisted
sweet
bxg
city
enimies to lovers
crime
passionate
like
intro-logo
Blurb

ALPHA AND DELTA ORGANIZATIONS/AGENTS SERIES 3

[SPG/MATURE CONTENT]

Si Geoffrey Fairford and Honey Sweet Go ay parehong agents na miyembro ng Alpha at Delta Organizations. Nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa't isa noong maganap ang mabigat at matitinding trial nila sa Baguio kahit pa nga ba mayroon ng girlfriend si Geoffrey. 

Maraming beses na nagawang iligtas ni Geoffrey ang buhay ni Honey nang maka-ilang ulit nalagay sa panganib ang buhay nito. Tinanaw naman itong malaking utang na loob sa kanya ng dalaga.

Ngunit matapos niyon, isang trahedya ang naganap sa pagitan nilang tatlo kasama si Elise na girlfriend ni Geoffrey at bestfriend naman ni Honey. Namatay si Elise at nabulag naman si Geoffrey. 

'Even if you kiss the ground, you can do nothing. Ang mawala ka na sa buhay ko ang kaisa-isang nais ko' Ilan lang 'yan sa mga salitang tumatak sa isipan ni Honey mula kay Geoffrey.

Si Honey ang itinuturong dahilan at sinisisi ng binata dahil sa mga nangyari.

At upang mabayaran niya ang ginawang pagliligtas nito noon sa kanya, maging ang pagkasawi ng girlfriend nito at pagkabulag ng binata ay hahayaan niyang ipasa dito ang sarili niyang mga mata, makamit lamang ang pagpapatawad nito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Mundo
Honey 'I don't like him but I owe him my life so now I have to pay him.' "Thank you ulit, ha. Kundi dahil sa 'yo, siguro ay pinaglalamayan na ako ngayon. Kaya utang ko sa 'yo ang buhay ko. Ahm, so...p-paano kita mababayaran?" Hindi siya kaagad sumagot. Pinagmasdan ko ang ginagawa niyang paglilinis ng kanyang mga braso sa batis. Ilang oras na rin kaming naririto sa gubat para sa suungin ang mabibigat na trials na ibinigay sa amin ni General. At pare-pareho na rin kaming pagod at marurungis ang katawan. "You don't have to," walang emosyon niyang sagot at ni hindi man lang niya ako tiningnan. Kaagad niya na rin akong tinalikuran. Kani-kanina lang ay pinaulanan kami ng mga sibat sa kagubatan. Muntik na akong tamaan sa leeg ngunit kaagad itong nahagip ni Geoffrey. Iniligtas niya ako kaya naman sobrang laking pasasalamat ko sa kanya ngayon. Kahit napakasungit niya at hindi ako pinapansin ay may puso pa rin naman pala siya. "Pero hindi naman pwedeng gano'n na lang iyon. Anong gusto mong gawin ko? Sige na, sabihin mo sa akin. Gusto kong makabayad sa 'yo," pangungulit ko pa rin sa kanya. Siguro ay mas lalo ko pa siyang kukulitin ngayon dahil sa ginawa niya sa akin kanina. Hindi ko rin alam kung bakit natutuwa akong kulitin siya. Siguro ay dahil sa hitsura niya na hindi katulad ng mga kasama naming naririto. Mukha kasi siyang bumbay. Ang ganda-ganda ng mga mata niya. Ang kakapal ng mga kilay niya at sobrang lalantik ng kanyang mga pilik-mata. Namumungay ito at kay sarap titigan. "Geoff, sige na!" sigaw ko pa rin dahil papalayo na siya sa akin. Ang mga kasama naman namin ay nagkalat sa paligid. Hindi niya pa rin ako pinansin. "Geoff! Bumbay!" Bigla siyang huminto. Oooopppss. Magagalit na naman siya! Bumaling siya sa akin at binigyan ako ng napakatalim na tingin. "Sorry. Pansinin mo kasi ako." Kaagad akong nag-peace sign. Pakiramdam ko kasi ay para na niya akong lalamunin! Mabilis akong naglakad palapit sa kanya ngunit kaagad din siyang humakbang paatras. "Never come near me. Never show me again. That's all I want," mariin niyang saad sa akin. Natigilan naman ako sa kanyang sinabi. "Bakit? Hindi naman ako mabaho ah. Wala naman akong nakakahawang sakit." Sumunod pa rin ako sa kanya. "Geoff." Lumapit pa rin ako sa kanya pero mabilis niya akong hinarap. "Are you deaf or dumb? Don't you understand? Ayokong lumalapit ka sa akin. I don't want to be with you. I don't like you," mariin at hayagan niyang sinabi sa aking harapan bago niya ako mabilis na tinalikuran at naglakad palayo. "What the hell?" Natawa ako ng pagak sa aking sarili. "Okay, fine! Kung ayaw mo, eh 'di huwag mo!" sigaw ko sa kanya kahit alam kong hindi na niya ako maririnig dahil napakalayo na niya. "Sinong bang may gusto sa lalaking 'yon? Ako? Sinabi ko bang may gusto ako sa kanya? Ang sabi ko lang ay gusto kong makabayad sa kanya dahil sa ginawa niyang pagliligtas sa akin. Feeling ba niya ay may gusto ako sa kanya? Nah, never. Bahala nga siya. Kung ayaw niya eh 'di huwag. Madali akong kausap." *** FOUR YEARS LATER I calmed myself down before placing my hand on the closed door of Geoffrey's room. Marahan ko itong kinatok. Nagsisimula na namang tumambol ng malakas ang aking dibdib. Alam kong kahit paulit-uli akong magtungo dito sa kanya ay paulit-ulit niya rin lang akong itataboy. But I will never give up. Ngayon niya ako mas kailangan. Marahan ko ng pinihit ang seradura ng pinto. Dahan-dahan ko siyang sinilip sa loob ngunit hindi ko siya nakita. He wasn't in his bed but I saw him on the balcony of his room. Palagi siyang tumatambay d'yan para magpahangin ng mag-isa. I don't know what's running through his mind right now, but I know how much he hates me. Kinasusuklaman niya ako ng sobra at ako ang sinisisi niya sa nangyaring pagkamatay ng girlfriend niya at sa pagkabulag niya. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng silid at tinungo ang kanyang kinaroroonan. Napansin kong bahagya siyang natigilan sa aking pagdating. Habang tumatagal ay napapansin kong lumalakas na ang kanyang pakiramdam at nasasanay na rin siya sa kanyang paligid. He also quickly recognized the people around him even though he couldn't see them. Mula sa gilid ay napansin ko ang pag-igting ng kanyang panga at pagkuyom ng kanyang kamao. "Ahm, s-sorry f-for b-" "You again," putol niya kaagad sa aking sinasabi. Ni hindi man lang siya gumalaw mula sa pagkakatayo niya at pagkakaharap sa madilim na paligid. Napalunok ako ay hindi ako makakilos mula sa aking kinatatayuan. "Aah, n-nakahanda na ang pagkain sa baba. B-baka nagugutom ka na. D-don't worry, h-hindi ako ang nagluto niyon. Si tita Hazel." Alam ko kasing hindi niya kakainin ang pagkain kapag sinabi kong ako ang nagluto. "I lose my appetite when you're here." Bawat mga salitang ibinabato niya sa akin ay sinasambot kong lahat at itinatatak ko sa puso't isipan ko. "D-don't worry, t-tapos na ako. Aalis na rin naman ako." "And never come back again." Napakagat ako sa aking labi at nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. "H-hindi ko magagawa 'yun." Mas lalong nag-igting ang kanyang panga sa aking tinuran. "I hate you even more every time you're near me." "I know pero hindi pa rin ako susuko hanggang sa mapatawad mo na ako." Mas lumapit ako sa kanya. "Alam kong kahit ano pa ang gawin ko, hinding-hindi ko na maibabalik pa ang buhay ni Elise. Pero kaya kong tanggapin ang lahat ng parusa na ipapataw mo sa akin. Parusahan mo na lang ako, Geoffrey! Gawin mo na lang akong alipin mo o kahit na ano! Tatanggapin ko ang lahat ng iyon!" Dahan-dahan akong lumuhod sa kanyang harapan habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. "Even if you kiss the ground, you can do nothing. Ang mawala ka na sa buhay ko ang kaisa-isang nais ko." Pakiramdam ko ay dinurog ang puso ko ng paulit-ulit dahil sa aking narinig. Ang totoo ay hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Nagkahalo-halo na. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya gusto. Hindi ko siya mahal. Utang ko lang sa kanya ang buhay ko dahil sa pagliligtas niya sa akin noon. Pero imbis na bayaran ko siya ay ito pa ang isinukli ko sa kanya kaya paano pa ako makakabayad sa kanya? Huminga ako ng malalim bago muling tumayo. Pinunasan ko ang aking mga luha sa pisngi bago siya hinarap. "Kung sakali bang lumayo na ako, mapapatawad mo na ako? Kung sakali bang ang buhay ko ang maging kapalit ng lahat ng ito, may tyansa ba? Kung meron, sige. Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Pangako, ito na ang huling beses na pupunta ako dito. Hinding-hindi mo na maririnig ang tinig ko kahit na kailan. Maraming-maraming salamat pa rin sa lahat. Ibibigay ko pa rin ang kabayaran sa pagsagip mo sa akin noon. Pangako ko 'yan." Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay muli kong pinagmasdan ang kanyang hitsura. Hindi ko na makita ang magaganda niyang mga mata na paborito kong titigan noon dahil natatakpan na ito ng sunglasses. Muling pumatak ang aking mga luha. "Paalam." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Pangako, ibabalik ko ang mga matang iyan. Muli mong masisilayan ang mundo. Ang ganda ng mundo, kapalit niyon ay ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
390.2K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
839.3K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
553.0K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
297.5K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
635.1K
bc

SILENCE

read
386.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook