CHAPTER 6: Hopefully

1929 Words
Geoffrey's POV "It's good to know that you've already decided to have eye surgery. Sa pangalawang araw na ang schedule mo so, you need to prepare yourself. Nalalapit na ang araw na muli ka nang makakakita," I heard the Doctor say in front of me. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa opisina niya at si Yaya Tess ang siyang kasama ko ngayon. Napahinga na lamang ako ng malalim. Hindi ko man kagustuhan ito ngunit ayokong mas lumala pa ang kundisyon ni Dad nang dahil sa akin. Mas hindi ko kakayanin kung pati ang mahal kong ama ay mawawala din nang dahil na naman sa akin. "Can I know who my eye donor is?" Napansin kong saglit na natahimik ang Doctor. "It came from a patient who passed away recently." "What?" I frowned at what he said. "Yeah. Before he passed away, he asked that if anyone needed a part of his body, that other people could use, he would be happy to donate it." "Who is this?" "He also asked not to let others know for the peace of his soul." Natahimik naman ako sa sinabi niya. I don’t know why I feel strongly that he’s not telling me the truth. Why do I think he's just lying. *** Dumating na nga ang araw ng eye surgery ko but I'm still confused by the thoughts of who my eye donor is. It’s also been two weeks and until now, I can’t even feel Honey’s presence around. Talagang tinutoo na niya ang sinabi niya sa akin na hindi na siyang magpapakitang muli. At ngayon ay hinahanap-hanap ko naman siya. Tsk. "Yaya," I called to Nanny Tess who wasn't leaving my side. I'm currently in a wheelchair at maya-maya lang ay dadalhin na nila ako sa surgery room. May nakakabit na rin sa akin ngayong swero at handa na para sa transplantation. "May kailangan ka ba, Iho? Nandito lang ako sa tabi mo, hindi ako aalis." "Wala ka bang napapansin sa paligid?" mahina kong tanong sa kanya. "Anong napapansin? Maraming tao sa labas, mga pasyente at Doctor." "Hindi mo napapansin kung may ibang tao tayo ditong kasama na baka iyon ang eye donor ko?" "Ha? Hindi ba't sinabi na ng Doctor na patay na ang eye donor mo? Huwag ka ngang nagsasalita nang ganyan, bata ka! Kinikilabutan ako sa iyo! Baka mamaya ay nasa tabi ko na pala ang nilalang na 'yon. Hindi ako makakatulog nito mamaya! Ayaw naman akong tabihan ni Tonyo sa higaan ko!" "Tsk."  Napailing na lang ako sa dami nang sinabi niya at pati si Tonyo na twenties pa lang ay pinag-interesan pa. "W-Wala bang kumausap sa inyo at tinanong ang kundisyon ko?" "Ang mommy mo lang naman ang nakausap ko kaninang umaga. Bakit? May inaasahan ka pa bang iba?" "N-Nothing." "Hindi ba't may babaeng nag-aalaga sa iyo noon sa resthouse? Nasaan na nga pala siya? Bakit hindi ko na yata siya nakikita." Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. "Huwag na lang po natin pag-usapan. Hindi ko rin alam."  Honey's gentle face suddenly flashed through my mind. She's like an angel. Her very sweet smile, ang bawat pagtitig niya sa akin noong nakakasama ko pa siya. Ngunit kaagad ko rin itong pinalis.  I have to forget her. 'Yon ang nararapat sa aming dalawa. "Are you ready, Mister Fairford?" Napaayos naman ako nang pagkakaupo nang marinig kong bigla ang tinig ng Doctor ko na siyang nagha-handle sa akin ngayon. "Yes, Doc." "Good. All right, take him to the surgery," I heard him say, and just seconds later, I felt someone go behind me and slowly push the wheelchair I was sitting in. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kahit siguro anong pabango pa ang gamitin niya, makikilala at makikilala ko pa rin siya. "Y-Yaya," I called again to Yaya who suddenly fell silent. "I-Iho, nandito lang ako sa tabi mo. Huwag kang mag-alala." Napansin ko ang pagbabago sa tono nang pananalita niya kaya alam kong may ibang tao na sa paligid. Nanahimik na lamang ako at nakiramdam. Hanggang sa lumiko sa kanan ang sinasakyan ko at minuto lang ay kaagad na rin itong huminto. "Narito na po tayo, Sir. Lilipat na po tayo sa surgery bed, ha?" said one of the female nurses softly. I feel like she is on my left side and the presence behind me still stays there. I got up and the Nurse on my left supported me until we reached the bed where I was going to lie. Humiga ako doon habang pilit ko pa ring pinakikiramdaman ang buong paligid. Ramdam kong marami na ang nakapalibot sa akin ngayon.  "Relax lang, Sir." Kaagad din nila akong sinaksakan ng anesthesia noong mga oras ding iyon na siyang nagpamanhid kaagad ng buo kong pakiramdam.  Mabilis akong hinila ng matinding antok ngunit bago 'yon ay naramdaman ko ang dalawang pamilyar na palad na humawak sa magkabila kong pisngi. Kasunod niyon ay paglapat ng mainit na bagay sa mga labi ko at pagpatak ng mainit na likido sa pisngi ko. My chest throbbed harder for some inexplicable reason. I know she is that, she is here. "H-Honey..." I said before I was finally brought to a deep sleep with tears streaming down the corners of my eyes. *** Honey's POV A few hours passed. "Heto po, para po ito sa inyo?" Ginagap ko ang kamay ng Yaya ni Geoff at iniabot ko sa kanya ang isang sobreng inihanda ko na bago ako nagtungo dito sa hospital. "Naku, anak, huwag na. Mas kailangan mo 'yan ngayon. Hindi ko 'yan matatanggap." Mahigpit niyang hinawakan ang sobre sa mga kamay ko. Hindi kaagad ako nakasagot. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.  "S-Salamat po. N-Nakikiusap na lang po ako sa inyo, huwag na huwag niyo pong ipapaalam kay Geoffrey ang tungkol dito. Ayokong pong dagdagan pa ang bigat na pinapasan niya ngayon." "Makakaasa ka pero okay ka lang ba talaga? Ipapahatid na lang kita kay Tonyo kung saan ka man umuuwi." "Okay lang po ako. Salamat po." "Ma'am, ang sabi po ng Doctor ay kailangan niyo po munang manatili dito ng ilang araw para magpahilom ng sugat," dinig kong sabi ng isang Nurse na sa tingin ko ay nasa kanan ko. "Bigyan niyo na lang ako ng mga gamot na kakailanganin kong inumin. Pakilagay na lang sa mga lagayan na mabilis kong matatandaan." "Pero, Ma'am--" "Ako na ang nakikiusap. Hindi ako maaaring magtagal dito. Kailangan ko nang makaalis." I can’t stay here long 'cause there's a chance that Silver or any of the agents will follow me and soon, they will discover what I did. Naalala ko rin na baka nakilala ako ni Geoffrey nang halikan ko siya kanina. Anumang oras ay magigising na siya.  I would be the happiest woman in this world if he looked for me but no, he could never see me again. At hinding-hindi niya pwedeng malaman ang ginawa kong ito. "S-Sige po, Ma'am. Ipapaalam ko lang po kay Doc." Naramdaman ko ang pag-alis ng Nurse sa aming harapan. Muli kong ginagap ang kamay ni Yaya Tess at hinawakan ito ng mahigpit.  "Kayo na po ang bahala kay Geoffrey. A-Alagaan niyo po siyang mabuti." Nabasag ang tinig ko at naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata kong nababalutan pa ng eye pad. "Nag-aalala ako para sa iyo. Heto, ibibigay ko na ito sa iyo. Kinakailangan mo ito ngayon." Isang stick ang ipinahawak niya sa akin na pamilyar sa akin. Pagmamay-ari ito ni Geoff at ngayon ay ako naman ang gagamit. "Salamat po." Okay na ito sa akin. Isa sa mga gamit niya na madadala ko sa paglayo ko. *** "Kuya Tonyo, p'wede bang pakihatid ako sa airport? Bibigyan na lang kita ng panggasolina at bayad para sa isang araw mong trabaho," I said to Kuya Tonyo even though I think I'm older than him. Ilang beses ko na rin naman siyang nakausap noong palagi silang nagtutungo sa resthouse ni Silver sa Baguio. Kasalukuyan na kami ngayong nasa biyahe at siya ang maghahatid sa akin. "Naku naman, Ma'am, ihahatid pa rin kita kahit walang bayad. Sobra-sobra na nga 'yong naitulong mo kay Sir Geoff eh." "Salamat, Kuya. Sana sa atin na lang po ito. Huwag na huwag niyo pong ipapaalam sa amo niyo." "No problem, Ma'am! Sagot kita. Pero teka, saan po ba kayo pupunta? Sa ibang bansa po ba?" "Opo." "Ah, masyado pong malayo 'yon ah."  Hindi kaagad ako nakasagot. Ang totoo ay dito lang naman sa Pilipinas. I'm just looking for a secluded place. I could no longer afford to go abroad dahil hindi na kaya ng pera ko. Umabot nang kulang-kulang 1 million ang binayaran ko sa hospital, kasama na rin ang bayad ko sa Doctor. Iyon lang ang tanging naiipon ko mula sa mga sinahod ko bilang agent at doon napunta lahat. Hindi bale, makakaya ko naman ito. Malakas yata ako. "Kung gusto niyo, Ma'am, doon na lang kayo sa lugar namin sa Cebu. Sa isla. Liblib po 'yon, nasa gitna ng dagat. Hinding-hindi kayo mahahanap ni Sir doon. Mababait pa ang mga tao do'n at aasikasuhin ka nila ng mabuti. Huwag po kayong mag-alala, secret lang po natin. Hindi ko ipapaalam kay Sir o kahit kay Yaya Tess." Hindi ako kaagad nakasagot at napaisip na lang ako kung maaari ko bang pagkatiwalaan itong si Tonyo. "Saka, huwag niyo na po akong tawaging kuya. Para naman pong hindi tayo nagkakalayo ng edad niyan. Saka single pa ako, Ma'am!" Hindi naman halatang binibida niya ang sarili niya. Lihim na lang akong napangiwi sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may nais siyang iparating sa akin. "Pag-iisipan ko...Tonyo," pambibitin ko sa pangalan niya. "Ayown! Whoa! Sarap sa ears!" Halos mabingi naman ako sa pagsigaw niya. Tsk. *** We arrived at the airport. He gave me the address of their place. Itinawag na lang niya sa kapatid niyang babae na nagtatrabaho daw sa bayan, na salubungin ako dahil sasakay pa raw ng bangka bago makarating sa Isla nila. Kung sa lugar daw nila ay mabubuti ang mga tao ngunit hindi sa bayan. Marami pa rin daw doon ang mapagsamantala. "Salamat talaga. Kaya ko na ito." "Sige po, Ma'am Honey. Mag-iingat po kayo. Saka ko na lang po kayo tatawagin ng Honey lang, nahihiya pa ako ngayon eh." Hindi ko naman napigilan ang matawa sa sinabi niya. "Ayown! Nakita ko rin ang napakagandang ngiti niyo. Mas lalo po kayong gumaganda. Tama po 'yan, ngiti lang kayo. Wala namang problemang tumitira na lang sa atin habambuhay. Sila rin ang mapapagod at aalis na lang ng kusa sa atin. Habambuhay buhay may pag-asa." Muli akong napangiti sa sinabi niya. "Salamat ulit, Tonyo." Kahit papaano ay lumuwag na rin ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya. "Sige po, babalik na po ako sa hospital. Sinabihan ko na po ang gwardya, alalayan kayo hanggang sa makapasok kayo ng eroplano." "Salamat ulit." Bahagya akong yumuko sa kanya bago ko ibinaba sa harapan ko ang automatic walking stick at ikinapa ito sa sahig. "Ma'am, dito po tayo. Sasamahan ko na po kayo. Ako na po ang maghihila ng luggage niyo," dinig ko namang sabi ng gwardyang babae na kinausap ni Tonyo kanina bago niya marahang kinuha sa akin ang hawak kong luggage bag kung saan naroroon ang ilan lang sa mga gamit ko.  "Salamat." I took a deep breath before starting to walk slowly with the help of the cane I was holding. Madilim man ang paligid ko sa ngayon, ayos lang. Isang tao naman ang makakakita ng liwanag at siyang babalik sa dati niyang buhay. Sana sa pamamagitan nito ay mapatawad na niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD