Third Person's POV "Are you sure kaya niyo na?" tanong ni Sean pagkatapos niyang maibaba ang luggage ni Honey sa isang ferry boat na maghahatid sa kanila patungong Pangan-an Island. "Kaya na namin. Thank you, Sean," sagot naman ni Honey na bahagyang kumikiling ang ulo at tila pinakikinggan at pinakikiramdaman ang nangyayari sa paligid niya. Si Sean naman ay nananatiling nakatitig sa dalaga. "Salamat, gwapong tsuper, ha! Baka gusto mo ring sumama sa ami--" "Sheryl," kaagad na putol ni Honey sa sinasabi ni Sheryl. "Ah, eh...s-sige, sumunod na lang po pala kayo. Hehe," tila kinikilig naman na sabi ni Sheryl habang hindi pa rin mapigilan ang pagtitig kay Sean. Napapailing na lamang si Honey habang nararamdaman ang inaakto ng dalaga sa kanyang tabi. "I'm leaving. Be careful," paalam na