Dahil naka-lock ang mga braso ko sa likuran ko ay nagkaroon ako ng pagkakataong mahugot mula sa baywang ko ang tungkod kong nakatupi at saka ko mabilis na pinindot ang button at tumama naman ito sa bahagi niyang sa tingin ko ay tiyan niya. "Ugh! f**k!" Kaagad niya akong nabitawan kasabay nang pagbagsak sa lupa ng anumang bagay na sa tingin ko ay ang ginamit niya sa tagiliran ko kani-kanina lang. I felt his foot move backwards. I quickly turned to where he was. Sa tingin ko ay bahagya siyang naka-bend. Mabilis kong inihampas sa ibabang bahagi ang hawak kong tungkod at tumama naman ito sa matigas na parte. "Ah! f**k!" dinig kong daing niya kaya napangisi ako. Muli akong umikot ng mabilis at sa kaliwang bahagi naman ako humampas ngunit bigla itong na-stock at hinigit ng malakas dahilan up