CHAPTER 3: Donor

1156 Words
"What is it?" nagtatakang tanong ni Erhwin nang iabot ko sa kanya ang isang papel. Siya muna pansamantala ang pumalit kay Cedric bilang leader ng aming grupo habang hindi pa naaayos ang kondisyon ni Cedric. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, "I'll be gone in a few weeks, months or so, maybe even years." "What?! W-what do you mean? Why is it so sudden?" kunot-noo niyang tanong at tila nagulat sa sinabi ko. "Is there something wrong? Why do you suddenly decide something like that? Is there a problem? Or maybe you just don't wanna be with me anymore?" sagot naman ni Yuan na kapapasok lang ng safehouse. Talagang magtataka siya dahil siya ang partner in crime ko. Siya ang palagi kong kasama sa tuwing may transaction kami sa labas at sa tuwing may laban ay kaming dalawa ang palaging magkasangga. "No, walang problema. I just need a vacation. I'll just...ahm...go somewhere." "We're family here. Please don't forget that," sagot naman ni Jett habang nakaharap sa computer. Nginitian ko sila at ipinakitang okay lang ako. "There's just one thing I need to fix....on my own. Don't worry, guys. Babalik din naman ako." "Are you sure you can do that alone? We're here for each other," sagot naman ni Ghian na bumaling na rin sa akin mula sa kaharap niyang computer. "Sorry but I have to do it alone." Sabay-sabay silang bumuntong-hininga. "Kailan ka aalis? You can tell us where you're going so we can make sure you are really okay," saad naman ni Lyka. "Hmnn. Thank you. I'll just call you, guys when I get there. Ipagpaalam niyo na lang ako Cail. Kayo na ang bahala. Be safe always." "I love you." Napalingon ako kay Yuan. "We love you. Always remember that." Isang ngiti na lang ang isinukli ko sa kanilang lahat. I stared at them one by one and memorized their faces. "See you when i see you." Sumaludo ako sa kanila lalo na kay Erhwin na siyang pinuno namin at ganun din sila sa akin. Kaagad ko na silang tinalikuran at lumabas ng safehouse. Napakabigat ng aking mga paa sa pag-alis na ito pero kailangan kong gawin. Oo, sila na ang naging pamilya ko simula noong mapasok ako sa grupong ito at hindi nila maaaring malaman ang gagawin ko dahil siguradong gagawin nila ang lahat para pigilan ako. At hindi pwedeng mangyari iyon dahil buo na ang desisyon ko. *** Isa-isa ko ng niligpit ang aking mga gamit. Napatunghay ako at pinagmasdan ang kabuuan ng apartment na aking inuukupa. Apat na taon din akong nanirahan sa apartment na ito simula noong magtapos ako sa kolehiyo. Mami-miss ko ang lugar na ito. Maraming memories din akong naipon sa lugar na ito kahit mag-isa lang ako. Sana ay maging masaya din ang taong papalit sa akin dito. *** Geoffrey's POV "Oh, iho. Halika na, kumain ka na. Hindi ka naghapunan kagabi, siguradong gutom na gutom ka na," I heard tita Hazel say as I entered the kitchen. Kinapa ko ang lamesang alam kong malapit na sa akin dahil mula sa pinto ay apat na hakbang lamang iyon. "Thank you po," I answered politely. Even though I don't wanna be a burden to her, I'm still thankful that she's here dahil napakasipag niyang mag-asikaso. Dahil din sa kanya, kahit papaano ay nababawasan ang pagka-miss ko sa aking ina na ngayon ay naninirahan sa England kasama ang aking ama. Si tita Hazel ay alam kong nakikitira lang din sa resthouse na ito dahil si Silver ang totoong nagmamay-ari nito. Silver is like me who is also an agent in the Delta Organization, a third organization founded by General Vincent Parker. Ngunit ilang buwan na rin akong wala sa grupo dahil sa sinapit ng aking mga mata. I'm already blind. I'm useles. Ano pa ang magiging pakinabang ko? Wala na. Habambuhay na lang akong ganito and I just deserve it. It's a punishment for the sins I have committed. "Ipaghahayin na kita ha. Kumain ka na. Dadalhan ko lang ng pagkain ang anak ko sa itaas." I nodded softly at her. "Thank you po ulit." "Dinuguang baboy ito, ha. Katulad ng paborito mo at pinili ko na ang mga laman niyan. Narito rin sa kaliwa mo ang dalawang pirasong saging at dito naman sa iyong harapan ang baso ng tubig. Narito rin ang pitsel kung sakaling kulangin ka." "Thank you so much, tita. Kaya ko na po." "Oh sige, aakyat na muna ako ha." I just nodded in response. I could feel her footsteps left out of the kitchen. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang namumuong hinanakitan sa pagitan niya at ng kanyang anak dahil sa ama nito na alam kong pumupunta dito. But I can't interfere with them, it's their family and I can do nothing but keep silent. I've already started eating. Dinampot ko ang kutsara at tinidor at dinama ang mga nilalaman ng aking plato. When I tasted the dish, I immediately stopped. I know this kind of food taste and in the few months I stay at this house I also know the taste of tita Hazel's dishes. At alam kong hindi sa kanya ito. Napahinga na lang ako ng malalim at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Alam kong kahit aso ay hindi matatanggap ang mga binitawan kong salita sa kanya ngunit iyon lang ang paraan para layuan na niya ako. I'm not the man who deserves her. I'm a sinner and this is all my fault so, I just deserve to be punished. After I ate, I immediately went back to my room. Inabutan kong tumutunog ang aking cellphone na alam kong nasa mesa sa gilid ng aking kama dahil doon ko iyon palaging inilalapag. I grabbed it quickly. I know mommy is the caller 'cause her number is set to another ringtone. "Mom," i answered softly. "A-anak." I was stunned when I heard her cracked voice. I can also hear her weak sniffles. "Mom, what's wrong? You crying?" Kaagad akong kinabahan. "Your dad had a heart attack, anak. He already knows about what happened to you. He already knew the truth." "W-what? H-how? How did he know? Who told him?! Wait. How's daddy? What is his condition?" I couldn't help but panic. I strictly keep secret my blindness from my father. Mahigpit niyang tinutulan noon ang napili kong propesyon na ito dahil mapapahamak lang daw ako dito. Pero dahil nagpumilit ako ay wala na rin siyang nagawa at nangako ako sa kanya noon na walang mangyayaring masama sa akin. Pero ngayon, binigo ko siya. "Naka-confine pa rin siya sa hospital at inoobserbahan ng mga doctor. The Doctor who examined you called here in England and informed us that you already had a donor, anak. Ang daddy mo ang nakausap niya kaya nalaman niya ang nangyari sa iyo." I was stunned by what my mom said. "W-what? D-donor?" I don't know why a strange nervousness hit me when I heard the word donor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD