Geoffrey's POV
"Tell me how many it is."
"Two," I answered after I could see the Doctor's two fingers in front of
"How about this." He showed me his five fingers.
"Five."
"And this." Tatlong daliri niya naman ang inilabas niya sa mukha ko.
"Three."
"Alright. How are you feeling now?"
"Still blurred. Itchy and irritated."
"Natural lang 'yan. Your vision may be blurry for a period of time after surgery and it may take 6 to 12 weeks to get the full benefits of surgery and to see as clearly as possible. Don't worry, I will give you eye drops to help your eye heal and prevent your body from rejecting the donor tissue. At kabilin-bilinan ko sa iyo, not to rub your eye. Rubbing your eye could damage it. Masasayang ang bagong mga mata mo."
"A'right. Thanks, Doc." Tumango naman ako sa kanya.
"It's not like your old green eyes but these are the eyes I can say are the most beautiful of all. Full of cleanliness and beauty."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Para bang may ibig siya ipakahulugan sa mga salitang binitiwan niya.
"Can I borrow a mirror?"
"Aah--m-may salamin ba kayo d'yan?" Bumaling naman siya sa mga Nurse na naririto ngunit hindi ko pa rin maaaninaw ng malinaw ang kanilang mga mukha.
Maging si Yaya Tess na naririto sa aking tabi ay malabo pa rin. Kundi lang dahil sa kilala kong katawan niya na may katabaan ay hindi ko pa rin siya makikilala.
"Ah, w-wala po kaming dala, Doc," sagot naman ng mga Nurse.
"Kukuha lang po muna kami."
Kaagad na lumabas ang dalawang Nurse na tila nataranta.
"Just wait for the Nurses to come back. Lalabas na ako dahil may pasyente pa akong pupuntahan," paalam ng Doctor na hindi ko masabi kung saan siya nakatingin.
I blinked my eyes a few times but it was still really too blurry.
"Are you okay?" tanong ko naman sa kanya nang mapansin ko ang pagmamadali niyang tumalikod.
"Yeah. Don't worry," sagot niya bago siya mabilis na lumabas ng silid ko.
Napahinga na lamang ako ng malalim. Iniikot ko sa buong paligid ang paningin ko ngunit malabo pa rin ang lahat nang mga nakikita ko.
"Oh, kumusta, Iho? Nakikita mo na ba si Yaya? Nakikita mo na ba ulit ang kagandahan ko?"
Napabaling naman ako kaya Yaya na nasa harapan ko at inaninaw kong mabuti ang kanyang mukha.
"Wala akong makitang ganda," seryoso ko namang sagot at napansin kong natigilan siya at naaninag ko ang paghaba ng nguso niya.
"Huwag mong sabihing, pangit si Yaya! Isusumbong kita kay Tonyo!"
Natawa naman ako sa pagmamaktol niya.
"I can't really see your face yet, Ya. My vision is still blurred."
"Gano'n dapat ang sabihin mo! Teka nga muna. Tatawagan ko ang Mommy mo para ibalita sa kanya na nakakita ka na. Siguradong matutuwa ang Mommy mo at magiging maayos na rin ang Daddy mo!"
Kaagad siyang umalis sa harapan ko habang nakayuko at napansin kong may hawak siya na bagay na hindi ko maaninaw. Pero sa tingin ko ay phone ang hawak niya.
Muli na lang akong nahiga. Masaya din akong malaman ng family ko ito ngunit ramdam kong hindi ako gano'n kasaya. Hindi talaga ako masaya lalo na sa tuwing naaalala ko ang nakaraan.
***
Honey's POV
"Ma'am, wala po bang susundo sa inyo dito? Baka po kasi delikado kung sasakay kayo ng taxi nang mag-isa," dinig kong sabi nang babaeng kanina ay nagpakilalang staff dito sa Mactan-Cebu International Airport.
Ipinasa ako kanina sa kanya ng isang stewardess at ngayon ay nakalabas na kami ng airport at naririnig ko na rin ang mga sasakyan dito sa labas. Nakasuot ako ng sunglasses at cap upang hindi gaanong ma-expose ang mga mata ko na may eye pad pa.
"Ahm, oo. May susundo sa akin dito kaya lang, wala akong dalang phone. Hindi ko alam kung naririto na siya." I left all my gadgets in Manila 'cause there is a possibility that agents will trace me.
"Pero may contact number po ba kayo ng susundo sa inyo, Ma'am?"
"Meron. Nandito sa bulsa ko." Kinapa ko ang bulsa ng suot kong pantalon at hinugot mula doon ang papel na ibinigay sa akin kanina ni Tonyo.
I immediately handed it to her.
"Ma'am Sheryl po?"
"Oo, ayan nga."
"Sige po, Ma'am. Tatawagan ko po."
"Sige, salamat."
Saglit siyang nanahimik ngunit nararamdaman ko pa rin siya sa aking tabi. Maybe she's already contacting Tonyo's sister.
Pinakiramdaman ko at pinakinggan mabuti ang mga ingay sa buong paligid. Maraming ingay ng mga tao akong naririnig at mga sasakyan na paroo't parito.
"Ma'am, out of coverage po ang number eh."
"It's okay. Hayaan mo na. I'll just take a taxi, kaya ko naman."
"Sigurado po kayo, Ma'am?"
"Yeah, no worries. Magpapahatid lang ako sa bayan. Doon kasi nagtatrabaho si Sheryl. I can handle myself, don't worry."
"P-Pasensiya na po talaga, Ma'am, ha. On duty pa rin po kasi ako kaya hindi ko po kayo masasamahan."
"It's alright. . Thank you for assisting me. Malaking bagay na ito." I gave her a sweet smile even though I couldn’t see her. I knew she was on my right 'cause that's where I could hear her.
Matagal ko naman nang sinanay ang sarili ko sa dilim. Matagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito kaya hindi na ako nakakaramdam ng takot.
"Ipapara ko na po kayo ng taxi, Ma'am. Kakausapin ko na lang po ang driver."
"Don't. Don't ever let the driver know about my condition." Bahagya kong ibinaba sa mukha ko ang suot kong cap upang mas matabunan ang mga mata ko kahit may suot naman akong sunglasses.
"P-Pero--"
"Trust me," kaagad kong sagot.
"S-Sige po, Ma'am. Kayo po ang bahala. P-Pero, Ma'am, hawakan niyo na lang po itong phone ko. Luma naman na po iyan. Kakailanganin niyo po ito." Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang sa tingin ko ay phone nga.
"Ang bait mo naman. What's your name?"
"Grace po. Grace Oliveros."
"Grace Oliveros, thank you and God bless you. Heto, kunin mo ito." Kaagad akong dumukot sa kabilang bulsa. Alam kong may lilibuhin pa ako ditong pera.
"Naku, Ma'am, huwag na po! Salamat na lang po. Kailangan niyo po iyan. Sa inyo na po."
"Sigurado ka?" Huminto naman ako mula sa pagdukot sa bulsa ko. Hindi na rin ako magpupumilit dahil ito na lang din naman talaga ang pera ko.
"Opo, Ma'am. Siguradong-sigurado po. Mag-iingat po kayo. Tatawagan ko po kayo d'yan at aalamin kung nakarating kayo ng safe sa pupuntahan niyo."
"Sige."
"Ipapara ko na po kayo ng taxi."
"Salamat." Ramdam ko ang pag-alis niya sa aking tabi.
I moved the stick I was holding to pinch the location of my luggage and the stick hit it on the right. Tinusok-tusok ko ito bago ko ginagap ang hawakan.
Nang mahawakan ko ito ay kaagad kong tiniklop ang stick at isiniksik sa baywang ko, sa likurang bahagi ko.
I heard a car stop in front of me and pull down its sliding window.
"Kuya, pakihatid si Ma'am. D'yan lang sa bayan!" dinig kong malakas na sabi ni Grace.
Wala naman akong narinig na isinagot ng driver ngunit narinig ko ang pagbubukas ng pinto ng sasakyan. Segundo lang ay may naramdaman akong mabilis na paglapit sa kinatatayuan ko.
"Ma'am, UWK.620 ang plate number ng taxi, kulay yellow at Jomar Calderon ang name ng driver na nakita ko sa ID niya sa harapan and nasa thirty minutes lang po ang ibibyahe niyo hanggang sa bayan," bulong ni Grace sa malapit sa kanan kong tainga.
"Salamat. Tatandaan ko," mahina ko namang sagot sa kanya. Kasunod niyon ay narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto at mga yabag na palapit sa kinaroroonan namin,
"Ito lang po ba? Sa compartment na po ito," I heard a man say. His voice was baritone mixed with tenderness. Based on his voice, I think he is in his twenty-five to thirty years.
"Oo, Kuya," sagot naman ni Grace. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at inalalayan niya ako sa paglalakad patungo sa taxi.
Diretso naman akong naglakad na parang wala lang hanggang sa mahawakan ko na ang pinto ng taxi. Humawak din ako sa gilid ng bubungan nito bago ako pumasok sa loob. Narinig ko naman ang pagsara ng compartment sa likuran.
"Mag-iingat po kayo, Ma'am. May ni-dial po ako dyan, nasa recent calls lang na number ng malapit na presinto kung sakali po. At saka, hitsura po ng driver. Gwapo, maputi, matangkad, mukhang artistahin," muli niyang bulong sa akin.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Artistahin?
I just smiled at Grace and nodded at her. She was very kind and I knew she really cared for me.
"Noted," I answered her softly.
Naramdaman ko na ang paglayo niya at pagsara ng pinto sa aking tabi. Narinig ko rin ang pagbukas-sara ng pinto sa kaliwa, sa unahang bahagi ko. Ramdam ko ang mabigat na pag-upo ng driver sa upuan, sa unahan.
"Sa bayan lang po ba, Ma'am?"
"Yeah." I looked at where he was for a moment before I straightened my face forward.
Hindi rin naman nagtagal ay umandar na ang taxi. Namayani na ang katahimikan dito sa loob. Minabuti kong yumuko at pindutin ang phone na ibinigay sa akin ni Grace habang pinakikiramdaman ko ang paligid.
Fortunately, this phone has a keypad. It's really old but it will help me more.
Kinapa ko at pinindot ang keypad na sa tingin ko ay sa phone calls. Grace dialed the Police station number earlier so that means Sheryl's number is in the second. I pressed it and then I put it in my ear.
Hindi naman nagtagal ay narinig ko itong nag-ring.
"Hellow! Sino po ito?"
"Hellow, Sheryl. Ang ate mo ito, malapit na ako sa bayan. Nariyan ka na ba?" I answered her directly.
"Ay hala...kayo po ba si ate Honey?! 'Yong girlfriend ni Kuya Tonyo?!" Bahagya kong inilayo ang phone mula sa tainga ko dahil sa pagsigaw niya.
Bakit ba kailangan pa niyang sumigaw? At saka--what the f**k? Girlfriend?! Ipinakilala ako ni Tonyo sa kapatid niya na girlfriend niya?!
Sira-ulo din 'yon, ah.
"Sakay na ako ng taxi. Abangan mo na lang ako."
"Sige po, ate! Narito po ako sa tapat ng Sm Savemore!"
"Savemore, okay. Kuya, sa Savemore tayo," I turned to the driver but he didn't answer.
"Malapit ka na ba, ate?!"
"Oo. Kulay yellow ang taxi. Plate number UWK.620." Sinadya kong iparinig sa driver ang usapan namin ni Sheryl habang kalmado akong nakaupo dito sa backseat.
"Sige, ate. Aabangan ko kayo dito!"
"Okay." I immediately turned off the line and waited a few minutes.
Gustuhin ko mang magtanong sa driver kung nasaang part na kami ngunit hindi maaari. There's a possibility that he knows my condition. I just secretly counted in my mind and estimated the time.
Ngunit sa tingin ko ay lumipas na ang mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin kami humihinto. Nagsimula na akong kabahan ngunit nanatili pa rin akong tahimik.
Lumipas pa ang mahabang minuto, saka ko ito naramdamang huminto.
"Narito na po tayo," I heard him say as I heard the front door open.
Kaagad kong ginagap ang bukasan ng pinto sa aking tabi at mabilis itong hinila. Nakahinga naman ako ng maluwag nang bumukas ito. Kaagad akong bumaba habang nakahawak sa pinto nito. Pinilit kong ginawang normal ang sarili ko na para bang nakakakita.
I heard the compartment open in the back.
"Magkano ang bill ko?" tanong ko habang pinakikiramdaman ang paligid.
Hindi ko masabing naririto kami sa Savemore dahil dapat ay narinig ko na ang boses ni Sheryl. Wala din akong maramdamang ibang tao na kasama namin dito o anumang hugong ng sasakyan.
"Hindi niyo po ba nakita sa metro?" balik-tanong naman sa akin ng driver.
"Nakalimutan kong tingnan," walang emosyon ko namang sagot sa kanya.
He didn't answer. I felt the heavy object come down, close to my foot. This was followed by closing the compartment again. Sigurado akong ang luggage ko na ito.
Moments later, I felt air pass through my face. I think it was his hand.
"Because you can't really see," he answered softly as I felt him go behind me.
Bahagya akong natigilan sa way nang pananalita niya. I remember Grace’s description of this driver earlier. And now, I have a strong feeling that he is not really a taxi driver.
Sino siya?
Nanatili akong tahimik habang pinakikinggang mabuti ang bawat galaw ng paa niya. At segundo lamang ay bigla na akong nanigas nang hawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko at ini-lock niya sa aking likuran. Kasunod niyon ay matigas na bagay na dumiin sa tagiliran ko.
"Just give me everything I need, if you still want to live," mariin niyang utos sa tainga ko kasabay nang mas mahigpit pa niyang paghawak sa mga braso ko.
"I'll also give you ten seconds to think about your next step," I calmly answered him.
"Ang angas mo, ah. What can a blind woman do?" I heard his sarcastic laugh.
Ako naman ang napangisi.
"Try it. You'll know after ten f*****g seconds."