"That's all," saad ng Doctor habang napapahinga ng malalim at mababakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.
Marahan akong napatango-tango at saka napagdesisyunan ng tumayo.
"Thank's, Doc. I hope no one knows about it. Just name your price and i'll settle it right away."
Tumango naman ang Doctor. Kaagad na rin akong lumabas ng kanyang opisina at nagtuloy-tuloy sa paglabas ng private Hospital.
"Hey!" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bumungad sa aking harapan si Silver.
Ano naman ang ginagawa nito dito? Paano niya ako nasundan?
"What are you doing here?"
"I should be the one to ask that," sagot niya habang lumilinga-linga sa loob ng hospital. "Anong ginawa mo sa loob? Are you sick? You're pregnant? How? Eh wala ka namang jowa."
Kaagad niyang hinawakan ang aking noo ganun din ang aking leeg.
"Wow, ha. Parang ikaw, meron."
"Kapag sinagot mo 'ko," nakangisi niyang sabi. Kaagad naman akong napangiwi.
"Tsk. Wala. May dinalaw lang." Nag-iwas ako ng tingin.
"Dinalaw daw? Sino naman ang dadalawin mo d'yan? You have no relatives here."
"At paano ka naman nakakasigurong wala?" Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad patungo sa parking lot ng mga motorsiklo. Kaagad din namang sumunod sa akin si Silver.
"You know what I mean."
"Yeah, right." Oo, alam niya ang lahat-lahat sa buhay ko.
Matapos ang trial namin noon sa Baguio ay hindi na niya ako tinigilan. Naging malapit kami sa isa't isa dahil mabilis ko lang siyang nakagaanan ng loob.
Pero napakadaya niya dahil alam niya ang lahat-lahat sa akin pero ang sa kanya ay hindi. Ni hindi ko nga alam kung saan siya nagtatrabaho ngayon eh. Kung saan-saan lang daw siya rumaraket.
I kept wondering why he wasn't included in the group of agents. I already know all the members of Betha Organizations led by Liam Travis Parker at wala siya doon. Pwera na lang sa hinala ni Cedric na baka daw mayroon pang pangatlong grupo na itinatag si General Parker.
Pero sa ngayon ay hindi na namin nakakausap ang magkapatid Cedric at Liam dahil sa hindi normal na sakit na dinadala nila sa ngayon. Kaya naman nabawasan kami ng sandalan at tanging si Erhwin ang magaling na nagdadala ng grupo namin ngayon.
I have no family. I'm totally alone. Namatay ang aking mga magulang sa isang landslide noong kasagsagan ng bagyo sa probinsya. Kaya ngayon ay namumuhay na lang ako ng mag-isa at tanging ang Alpha Organization na lang ang aking pamilya at si Silver na hindi umaalis sa aking tabi.
Isa akong miyembro ng sikretong Organization na nagngangalang Alpha, mga agents kung saan tumutulong sa gobyerno sa pagresolba ng lahat ng krimen sa bansa na itinatag naman ni General Vincent Parker, ang lolo ni Cedric na siyang namumuno sa amin.
Ito ang dahilan kung bakit kami nasabak sa mga matitinding training na ginanap sa Baguio at doon ilang beses iniligtas ni Geoffrey ang buhay ko.
"Ano pa ba ang ginagawa mo dito? Babalik na ako sa trabaho," tanong ko kay Silver na patuloy sa pagsunod sa akin. Kaagad kong hiniklas ang helmet na nakasabit sa aking motorsiklo at isinuot ito.
Napansin ko naman ang mapanuri niyang pagtitig sa akin pero hindi ko siya pinansin. Sumakay ako ng aking motorsiklo at kaagad binuhay ang makina nito.
"Kilala na kita, Honey. Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling," mahina niyang saad at ramdam ko na ang kaseryusohan sa kanyang tinig.
"Pwede naman siguro, kahit ngayon lang, sa akin na muna ito. Hayaan mo na muna ako dito. Pangako, hindi ako gagawa ng ikapapahamak ko." Binigyan ko siya ng muntik ngiti kasabay ng pagtapik sa kanyang balikat.
Kaagad ko ng iniurong ang motorsiklo at pinatakbo ito paalis sa lugar. Ramdam ko ang paghabol ng tingin sa akin ni Silver.
Kilala ko na rin siya at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang totoo. Pero hindi ko siya hahayaang pigilan ako sa bagay na ito. Ito na lang ang kaisa-isang paraan ko para mapatawad ako ni Geoffrey. Kapag nagawa ko na ito, matatahimik na ako at siya rin.
Mawawala na ako ng tuluyan sa buhay niya at hinding hindi na niya ako makikita pa kahit na kailan.
***
Hindi ko alam kung bakit dito ako napadpad sa Cordillera Academy, kung saan kami nagsimula. Kung saan nagsimula ang lahat.
"Aegia Haven."
"Angelica Leyland."
Kasalukuyang tinatawag noon ang mga pangalan ng bawat estudyanteng nakapasa sa mga naunang trials.
"Tingin ko ay hindi siya uubra sa lakas ko. Mukha siyang mahinhin eh," bulong ko habang tinitingnan ang bawat estudyanteng tinatawag at naglalakad patungo sa harapan.
"Huwag mong ini-small ang panlabas na kaayuan. Baka mamalay tayo eh tumalsik na lang tayo sa malayo," bulong naman ni Lyka na nasa aking likuran.
Kasalukuyan kaming nakahanay ngayon sa isang napakalawak na field ng academy. Punong-puno ito ngayon ng estudyante at nasa aming harapan ang mga opisyales ng kapulisan lalong-lalo na ang Heneral.
"Geoffrey Fairford."
Muling nagkandahaba ang aking leeg sa pagtanaw sa sumunod na estudyante nilang tinawag at napanganga ako nang makita ko na siya.
"Gosh, mukhang bumbay naman 'to," naibulong ko sa aking sarili. Sa lahat ng mga tinawag na estudyante ay siya ang nakaagaw ng aking pansin.
Pagkatapos niyon ay hindi ko na siya tinantanan lalo na noong magkasama-sama na kami sa kagubatan para harapin ang mabibigat na trials.
Pinasok ko ang kagubatan kung saan kami maraming memories na nabuo.
"Tangnang mga uwak 'to ah! Mahuli-huli ko lang kayo! Pulutan kayong lahat sa akin!" sigaw ko sa kanila matapos nila kaming paulanan ng mga bomba.
Ngunit natigilan ako nang mapansin kong biglang bumalik ang isa at tinangka akong sugurin.
"Hoy, hoy, hoy! Nagbibiro lang ako!" Napatakbo ako ng mabilis dahil sa takot. Napakalaki niyan at nakakatakot ang hitsura niya! Nanlilisik ang kanyang mga mata at tila galit na galit sa akin!
Naririnig kong nagtatawanan ang ilan sa aming mga kasama pero maya-maya lang ay nakarinig ako ng lagabog mula sa aking likuran.
Kaagad akong napalingon doon at naabutan ko ang kamao ni Geoffrey sa ere at ang pagtalsik ng uwak sa malayo.
"Yan ang sinasabi ko sa inyo eh! Mapupulutan talaga kayo mamaya!" sigaw ko dahil sa tuwa. "Galing mo don, bumbay ah," baling ko kay Geoffrey.
"Tss," singhal niya sa akin at saka ako mabilis na tinalikuran.
"Aba't suplado? Hindi naman ako mangungutang ah!" nakapamaywang kong sigaw sa kanya pero hindi na niya ako pinansin.
Doon ko rin napansin na mahilig siyang kumain ng saging at hanggang ngayon ay iyon ang paborito niyang kainin kaya palagi ko siyang dinadalhan niyon sa resthouse ni Silver. Pero kapag nalaman niyang sa akin iyon nanggaling ay mabilis niya iyong itinatapon.
"Hoy bumbay! Mamigay ka naman d'yan!" sigaw ko sa kanya nang makita kong sarap na sarap siya sa pagkain ng saging.
Ngunit hindi niya ako pinansin at imbis na sa akin ibigay ay kay Beauty niya ito ibinigay, isa sa mga estudyante naming kasama.
"Ang damot mo talaga! May araw ka rin! Dahil puro gabi muna ang ibibigay ko sa iyo ngayon!" sigaw kong muli sa kanya pero hindi na naman niya ako pinansin.
At ito 'yung hinding-hindi ko makakalimutang araw na nangyari sa amin sa kagubatang ito.
Isang malakas na tunog na tila paghataw ng kung anumang bagay ang aming narinig.
Nagulat ako at natulala habang nakatitig sa isang panang parating sa akin. Nakita ko ang pagdaan nito sa ibabaw ng balikat ni Maezie na nasa aking unahan.
"Honey!!" sigaw ng kaibigan kong si Lyka. Bakas ang matinding takot sa kanyang tinig.
"Fuckshit! Muntik ka na do'n!" hindi makapaniwalang sigaw ni Cedric kay Maezie.
Ako naman ay nanigas mula sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw habang pinagmamasdan ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Geoffrey sa pana na ngayon ay nakatutok sa aking leeg ang punyal nito.
Natulala ako kasunod niyon ay pagpatak ng isang luha sa aking pisngi.
"M-muntik na. M-muntik na ako."
Napapikit ako ng mariin kasabay ng pagpatak ng aking mga luha sa pisngi.
Si Geoffrey ang nagbigay ng pangalawang buhay sa akin kaya nararapat lang na ibalik ko sa kanya ito. Hindi ko hahayaang makulong na lang siya sa kadiliman habambuhay.
"Malapit mo na ring makita ang liwanag."