CHAPTER 30 Pasado alas-siyete na ng gabi nang makauwi si Cara sa bahay ni Leandro sa may Taguig. Hustong maihinto ni Mang David ang sasakyan sa harap ng malaking bahay nito nang buksan na ni Cara ang pinto ng backseat niyon. Tuloy tuloy siyang pumasok sa loob at akmang papanhik na sa ikalawang palapag ng bahay nang maagaw ang kanyang atensyon ng ingay na nagmumula sa komedor. Instead of going upstairs ay naglakad na lamang siya patungo sa dining area. Doon ay naabutan niya pang karga ni Leandro si Maxine. Masaya itong nakaharap sa bata na wari bang tuwang-tuwa ito nang muli pang humingi ng makakain ang kanyang pamangkin dito. Napansin niya ang maraming putahe ng ulam na nakahain sa mahabang mesa. Which is so unusual. Though, madalas ay marami talaga magpaluto si Leandro sa mga kasambah