CHAPTER 31 "Wake up, sleepyhead." Marahang naimulat ni Cara ang kanyang mga mata at napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Dahan dahan ang ginawa niyang pagharap sa kanyang asawa na nakahiga sa kanyang tabi. He was waking her up while caressing her cheek. It was Sunday. At kapag ganoong mga araw ay kapwa lamang sila nasa bahay. Hindi niya alam kung anong oras na nang mga sandaling iyon ngunit kung titingnan ang hitsura ni Leandro ay alam niya na kanina pa ito gising. It was even obvious na tapos na ito sa madalas na morning rountine nito. Her husband always exercise in the morning. Sa bahay na iyon ay may sarili itong gym sa ibaba kung saan ito laging nag-eensayo ng katawan. It was the reason why her husband has a well-built body. Wala siyang ano mang maipipintas sa katawan nit