bc

Husband for Hire: Leandro Sevilla; The Hottest Server

book_age16+
13.3K
FOLLOW
72.2K
READ
billionaire
possessive
love after marriage
age gap
arrogant
dare to love and hate
CEO
twisted
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Nang mamatay ang ate ni Cara, kasama ang asawa nito sa isang aksidente, ay sa kanya naiwan ang pangangalaga sa kanyang isang taong gulang na pamangkin.

Maayos na ang lahat ngunit bigla ay nag-file din ng child custody ang tiyuhin ng bata, ang kapatid ng kanyang bayaw. At iyon ang hindi mapapayagang mangyari ni Cara, ang makuha ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natitirang alaala ng kanyang ate.

Someone suggested to her, to win the child's custody, she should get herself married. Since isang malaking factor kung isang buong pamilya ang mabibigay niya sa bata. At iyon ang magiging lamang niya sa binatang tiyuhin nito.

At isa lang ang nakikita niyang solusyon--- ang RnJ Husband Services, isang kompanya na magbibigay kasagutan sa problema niya.

She hired someone to marry her just to win the case. Si Zandro Bustamante, thirty-two at isang waiter. Iyon ang nakalagay na identity nito sa kontratang pinirmahan.

Everything was going smoothly.

Until she met Leandro Sevilla, ang tiyuhin ng kanyang pamangkin--- ang lalaking kanyang pinakasalan!

Paano niya ipaglalaban ang karapatan sa pamangkin laban sa binata kung maging sa kanya ay may karapatan na ito... legally?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER ONE Hindi pa man naipaparada nang maayos ni Brandon ang sasakyan ay binuksan na ni Cara ang pinto nito. She went out of the car hurriedly. Dire-diretso siyang pumasok sa loob  at lumapit sa information desk ng hospital. Ni hindi niya na namalayan ang pagsunod sa kanya ng kasamang si Brandon. She was with him when a policeman called on her and blurted out one of the worst news she has ever heard. "Excuse me, Miss. I just want to ask, may d-dinala ba dito na naaksidente? Just this morning? B-babae at lalaki," tanong niya sa receptionist ng hospital. "Ah, yes, Ma'am," sagot nito sa kanya. Kita sa mukha nito ang ngiting laging nakahanda para sa pagsagot sa mga taong nag-iinquire dito. Ngunit saglit itong sumeryoso sa idinagdag na sagot sa kanya, "N-nasa morgue na ho ang mga katawan nila." Natutop ni Cara ng isang kamay ang kanyang bibig para pigilan ang pag-alpas ng emosyon. She felt Brandon's hands on both her shoulders. "She must be mistaken, Cara," tukoy nito sa sinabi ng receptionist. "Baka may ibang naaksidente na dinala dito. Hindi niya binigyang pansin ang pagpapalakas ng loob nito sa kanya. Muli ay binalingan niya ang babaeng nakaupo sa may information desk. "S-saan matatagpuan ang morgue?" Tinawag nito ang isang lalaki na kung hindi siya nagkakamali ay isang utility worker ng hospital. Ibinilin ng receptionist na ituro sa kanila ang daan papuntang morgue ng hospital. Tinunton nila ang isang mahabang pasilyo. Sa dulo nito ay lumiko sila sa kanan kung saan ay may nakasarang pinto. Sa kaliwang bahagi ay napansin niya ang isang exit ng hospital. Cara held her breath when the guy opened the door for them. Halos mabuyaw siya sa kinatatayuan nang makita ang dalawang bulto na natatakpan ng puting kumot. Naramdaman niya sa kanyang likuran si Brandon. Ito na ang naglakas loob na alisin ang pagkakatakip ng kumot sa isang bulto. And she saw her brother-in-law, Lester. Napabulalas siya ng iyak nang makita ito na wala ng buhay. Sa loob ng dalawang taon na naging parte ito ng buhay ng kanyang ate ay naging malapit na rin sa kanya ang bayaw. Then, her gaze darted to the other body with white cloth on it. Siya na ang naglakas loob na ilihis ang puting telang nakatakip dito. "Oh, no... No!" Naramdaman niya nang kabigin siya ni Brandon. Hindi niya tinanggihan ang pagdamay na iginawad nito at isinubsob niya ang sarili sa dibdib ng binata. Doon ay ibinuhos niya ang pagdadalamhati. "Sshhh..." She felt Brandon's hand caressing her back. Ilang minuto ang inilagi niya sa mga bisig nito bago binalingan ulit ang kapatid. "Ate... God, it can't be," umiiyak niyang wika bago hinaplos ang maputla nitong mukha. ***** Kanina pa pinagmamasdan ni Cara ang pamangkin na si Maxine habang karga ito ni Anika, ang tagabantay ng bata. She can't help but feel so sad knowing that at young age ay ulila na ito nang tuluyan. Katulad nito ay ulila na rin sila ng kapatid niyang si Coleen. Both their parents flied to Singapore to celebrate their twentieth wedding anniversary. Pero sa kasamaang palad ay bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga ito. That happened when she was fifteen and Coleen was twenty. Naging mahirap din sa kanya na tanggapin ang sabay na pagkawala ng mga magulang. Ngunit lagi na ay nariyan si Coleen para sa kanya. Coleen was her confidante and her pillar of strength. Sa maraming pagkakataon ay nakikita niya din ang kapatid na nahihirapan, lalo na nang ito na ang magsimulang mamalakad sa kanilang negosyo. Pero batid niyang ayaw nitong ipakita iyon sa kanya. And for that, she adored her sister more. Unti-unti ay nakabangon din silang magkapatid, sa tulong na rin ng ibang nilang kamag-anak. Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Business Management. After graduating, she started helping her sister with their business. Sa Monteras Travel Agency nakilala ng kanyang kapatid si Lester Sevilla. Isa itong businessman na lumapit sa kanilang agency para magpa-book ng biyahe patungong Palawan para sa tatlong araw na bakasyon. And one thing led to another. Madalas na niyang makita ang lalaki sa kanilang opisina, hindi para magpa-book kundi para makita ang ate niya. And after a couple of months, bigla na lamang ibinalita ng kanyang kapatid na nagpakasal ang mga ito sa huwes. Kulang ang salitang gulantang para ilarawan ang naramdaman niya sa biglaang pagpapakasal ng mga ito. Sa kanilang dalawang magkapatid, siya ang kung tutuusin ay ang impulsive at hindi ito. But for some reasons, pagdating kay Lester ay naging pabigla-bigla si Coleen. Ngunit hindi na niya makuhang kuwestiyunin ang naging pasya nito. She saw how happy her sister was during those times that she was with Lester. At naramdaman niya rin kung gaano kamahal ni Lester ang kanyang kapatid. Lester promised to give Coleen a grand wedding that she deserved. Pero hindi iyon nangyari dahil tatlong linggo pagkatapos ng kasal ng mga ito ay nalaman nilang buntis si Coleen. Naging maselan ang pagbubuntis nito dahilan para ipagpaliban muna ng mga ito ang kasal. Na ngayon ay mas malabo nang mangyari dahil pareho na itong wala. "Take this, Cara." Bigla niyang binawi ang tingin mula sa pamangkin at tiningala si Brandon. Inabot nito sa kanya ang isang baso ng gatas. "Drink it. And you should go to your room first and take a rest. Ilang araw ka nang puyat," wika nito sa nag-aalalang tono. Umupo ito sa kanyang tabi. Siya ay nakaupo sa unang hilera ng mga upuan sa harap ng kabaong ng kanyang ate. Sa malawak nilang sala ito nakaburol. Hapon pa lamang at kakaunti pa lang ang mga taong dumarating para makiramay sa kanya, mostly mga kamag-anak nila. "I am okay, Bran," paniniyak niya dito. "Ikaw? Dapat umuwi ka muna para makapagpahinga din. Or you can use one of our guest rooms," suhestiyon niya dito. She was with Brandon and having a lunch date nang makatanggap siya ng tawag na naaksidente ang kanyang ate. Nagpresinta itong samahan siya sa ospital kung saan dinala ang ate niya at si Lester. Simula noon ay tinulungan na siya nitong asikasuhin lahat. And that was three days ago and since then ay lagi nang nasa kanyang tabi si Brandon. Tatlong buwan na itong nanliligaw sa kanya. Actually, he started courting her when they were still in college. Sa kabila ng magkaibang kurso na kanilang kinukuha ay hindi iyon naging hadlang upang lapitan siya nito. Ngunit tinanggihan niya ang binata. She wanted to focus on her studies. Idagdag pa na ayaw niyang isipin ng ate niya na nagpapaligaw na siya habang pinag-aaral pa siya nito. Nang makapagtapos ay naging abala siya sa kanilang negosyo samantalang si Brandon ay nag-take ng board exam at ngayon ay isa na itong ganap na lisensyadong inhinyero. They met again at muli ay nagpahayag ito ng kagustuhang ituloy ang panliligaw sa kanya. Kung tutuusin ay wala siyang maipipintas sa binata. Isa na itong engineer, galing sa mabuting pamilya at kung pisikal na katangian din naman ay masasabi niyang magandang lalaki si Brandon. But she doesn't love him. Sa loob ng ilang buwang panliligaw nito ay hindi niya magawang papasukin ito sa puso niya. Wala siyang ibang maramdaman para sa binata kundi pagtinging para sa kaibigan lamang. "I am okay, Cara. Ikaw ang iniisip ko. Halos hindi ka na nagpahinga mula nang---" "Ayos lang ako," putol niya sa iba pang sinasabi nito. "Baka ikaw naman ang magkasakit sa ginagawa mo." "Thank you, Bran." Ginagap nito ang isang kamay niya na hindi nakahawak sa baso ng gatas. "You know I'm always here for you, Cara." Napayuko siya sa tinuran nito. Gusto niyang hanapin sa sarili ang kagustuhan na tugunin ang pag-ibig nito ngunit hindi niya makapa sa puso iyon. Brandon is a good friend. Ayaw niyang saktan ito pero hindi niya naman maibigay ang ikasasaya nito--- ang sagutin niya ang binata. "Tumawag kanina ang abogado ng pamilya ng bayaw mo," pag-iiba nito sa usapan. "Si Anika ang nakasagot. You were crying while talking to your aunt kaya ako na ang nakipag-usap. I hope you don't mind." Pagkarinig sa bayaw ay linukuban ulit siya ng kalungkutan. Kahapon ay dumating ang nagpakilalang abogado ng nakatatandang kapatid nito. Ilinahad nito ang kagustuhan ng pamilya Sevilla na madala sa Batangas ang mga labí ni Lester at doon ilibing. Attorney Martin Gascon said that his client is going home three days from now straight from New York. Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy si Brandon. "Nasa Batangas na daw ang mga labí ni Lester." Tipid niya itong nginitian at umusal ng pasasalamat. Kaninang umaga lamang ibiniyahe ang mga labí ni Lester. Muli ay tinapunan niya ng tingin ang pamangkin. Wala na itong mga magulang at ang mga huling araw pa ng ama nito bago ilibing ay hindi pa nito makakasama. At hindi niya maiwasang makaramdam ng inis sa nakatatandang kapatid ni Lester. Sana man lang ay hinayaan na nitong magkasama sa kahihimlayan ang mag-asawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWN ME, MR. PLAYBOY

read
288.2K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

The Billionaire's Surrogate (Filipino)

read
2.0M
bc

Married to the Billionaire (Filipino)

read
84.9K
bc

Chasing Don Montemayor

read
206.9K
bc

Run, Girl, Run

read
32.7K
bc

THE MAYOR'S VIRGIN MISTRESS

read
40.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook