CHAPTER 29 Mabilis ang mga hakbang na nagtungo si Leandro sa conference room ng Sevilla Luxury Hotel. Kagagaling niya lamang sa isang luncheon meeting nang tawagan siya ng kanyang sekretarya at sabihing nasa hotel ang kanyang ina. Ayon dito ay dumating ang kanyang ina na si Evalyn Sevilla kaninang alas diyes ng umaga. Hindi niya inaasahan ang biglaang pag-uwi nito ng bansa. Actually, it has been years since his mother went home to the Philippines. Buhay pa ang kanyang ama nang huli itong makaapak ng bansa. At nang mamatay si Lester ay hindi rin ito sumama sa kanya sa pag-uwi. Ngayon lamang at labis siyang nagtataka sa biglaang pagbiyahe nito mula New York patungo dito sa Pilipinas. Ni wala itong pahiwatig na uuwi ng Pilipinas nang huling beses niya itong tinawagan sa telepono noong isa